"Erotically Attractive"
Patuloy ko pa rin siyang sinundan ng tingin. Pinapanood ko ang mga kalokohang pinagagawa niya.
Habang nakikipag bulahan at landian siya sa panibagong nilapitan ng mga kalalakihan.
Ako nama'y napapalingo sa pinapamalas niyang ka saltikan sa buhay. Napapatungga na lang ako sa alak. Habang nalilibugan ako sa pinaggagawa niyang paglalandi.
Ilang sandali, nakikita ko na, na nagsisimula nang maglakbay ang mga kamay ng kaharotan ni KC sa dibdib, bewang at hita niya.
At nang sasagarin na sana ng mga kumag ang dulo ng mga hita niya ay napapiglas si KC. Saka pumalag.Ngunit hinawakan at pinigilan siya ng mga kagrupo ng lalaking bumabastos sa kanya. Habang ngising ngisi ang ugok at patuloy siyang hinihimas at pinipisil.
"Hey, stop it!" Hiyaw at pagwawala nito
Ayaw ko sanang makialam kasi bagay lang naman 'yon sa kagaya niyang walang respeto sa sarili.
Kaya lang, ewan ko ba. Kung bakit bigla na lang kusang tumayo ang katawan ko at lumapit sa sira ulong mga kalalakihanan na kaharutan ni KC. Matapos pa'y walang pakisabi kong hinila ang manyak na nakapatong sa malanding babae at hinataw ko ng malulutong na sapak ang mga manyak na mga ugok.
"Gago ka pala eh!" Sabay hataw ko ng suntok.
Sumubsob ang isang tokmol sa couch at mukhang na knock down sa lakas ng suntok ko. Sa pag katumba ng unang lalaking sinapak ko, ay nag sidumugan ang ibang kasamahan nito.
Kaya naman napahanda ako at napahugot ng lakas sabay sugod na rin ng suntok. Buong lakas ko silang pinaulanan ng tadyak at sapak. Halos walang habas ko silang inupakan hanggang sa magulpi ko nga sila lahat.
Nang wala ng maiwang nakatayo ay nilapitan ko ang leader ng mga manyak. Hahatawin ko na sana ang pagmumukha nito. Gamit anf ice bucket ng alak. Buti na lang, bago ko pa ito nahambalos ay mabilis na humarang at pumigil sa akin
"Teka, tama na!"
Awat pa ni KC sa akin, habang 'yong leader ng grupo ay buong takot na nagtaas ng kamay.
"Hey, hey ano bang problema mo, huh? Girlfriend mo ba itong malanding haliparot na ito, huh?" asik ng kumag na kinatigil ko sa pagwawala.
"Ito ba ang pinagpuputok ng botche mo?" gigil niyang turo sa malanding babae. Habang ako nama'y napabitiw sa hawak kong ice bucket.
'Dahil Oo nga, ba't ba ako makikipagbasag ulo para sa haliparot na ito?'
tingin ko sa sinasabi niyang malandi
" Isang babaeng kaladkarin at malandi. Ang cheap mo brad pwe!" pangmumukha pa sa akin ng ugok.
Kaya lalo akong nainis sa pagmumukha niya. Buong nginig ko siyang sinunggaban at kwenilyohan.
"Ako cheap, huh?" mahigpit na hawak ko sa kwelyo niya at inangat ko siya ng limang inches saka pinanlilisikan ng mga mata.
"Kung cheap ako. Eh, ano namang tawag mo sa sarili mo, huh? Gagong ungas!" bulyaw ko sabay tulak ko siyang pabagsak na pina-upo sa couch para doon pugpugin ng suntok ang pagmumukha.
"Gusto mo bang pitpitin ko iyang mukha mo tulad ng chips na sinasabi mo, huh!" Nang gigila-iti sa galit kong hiyaw sa ugok sabay hataw ko sana ng sapak ngunit nakita kong pinanginigan siya kaya nagawa ko pa itong pigilan.
"Okey fine, relax Dude. Hindi ako interesado sa girlfriend mong pok pok!"
Bahag na buntot na tugon niya at dali-dali pa siyang tumayo upang agad sanang umalis. Ngunit hindi niya magawang e alis-alis ang sarili niya sa pagkaka-upo. Pinanlisikan ko siya ng mata at tinakot.
BINABASA MO ANG
I Love You Dangerously ( Ongoing )BestFriend BestEnemy Series Book 2 "The Twist"
RomanceWhen bitter meets bitter equals together forever