Chapter Fourteen

90 4 0
                                    

KC's POV

_
Umagang-umaga, isang notice of disclosure ang natanggap ko galing sa management ng home owner ng condo ko. Nakasaad sa notice nila na kailangan ko raw mag force evacuate sa araw na ito dahil nag over due na ang palugit nila sa akin.

At kung hindi ko mababayaran ang mga bills ko hanggang tanghali ay mapipilitan na silang pwersahin ako paaalisin.

Ganoon paman, ay binigyan pa rin nila ako ng 15 days to settle my obligations at kapag na settle ko na ito ay saka pa nila ibabalik ang unit ko.

But for now they we're ordering  me to move out all my stuff. Ganoon sila ka strict at walang pasensiya sa kagaya kong nagigipit. Wala akong matitirhan kapag nagkaganoon kaya nagmakawa na ako sa manager ng building. Ngunit talagang tigang ang puso nito at ayaw nila akong pakinggan.

At ito pa, talagang pinadalhan pa talaga nila ako ng mga crew para tulongan daw ako sa pagliligpit at labas ng mga kagamitan ko. Halos hindi ako magkanda-ugaga kakapigil at kakabalik sa mga kagamitan ko na inilabas na ng mga crew.

"Manong, please naman oh. Sabihin n'yo naman po sa manager n'yo, na babayaran ko naman talaga 'yang mga bills ko. Ilang araw pa na palugit oh. Please naman," pagpapa-awa effect ko habang karga ko ang isang storage box.

"Kailan pa po Maam? Lage naman pong ganoon ang sinasabi n'yo Ma'am eh." Kamot pa nito sa ulo na tila naririndi sa sinasabi ko

"Manong sabihin n'yo po sa management n'yo na gipit lang talaga ako ngayon. But for sure makakabayad naman ako. H'wag silang atat!" na-iinis kong paki-usap.

"Ma'am pasensya na ho, ngunit kailangan n'yo na talagang umalis. At pasensya na ho dahil sumusunod lang kami sa utos ng management."

Lalo akong napikon sa sinabi niya. Sa inis ko padamog kong inihulog ang karga kong storage box.

"Ba't ba ang hirap n'yo pong kausapin, huh?" uminit na ako sa mga bobong hindi makaintidi.

Sa gulat ng lahat, napatigil sila at napalingon sa akin. Umuusok sa galit ko silang pinasadahan ng tingin.

'Hhmmm, ganito lang pala kayo tatakotin  eh' kaya sisindakin ko pa sila  lalo.

Magagasalita na sana ako ng biglang may sumingit na tanong sa

"Dude anong problema?"

Sounds familiar at ng lingonin ko. 'Bweset si Kristoff. Nakakahiya!'

"Si Ma'am ho kasi ang lak---"

agad kong nilapitan at tinakpan ang bibig ng madaldal na crew. Talaga bang ipapangalandakan  nito ang kahihiyang inabot ko ngayon, huh. Grabe talaga ang mga walang hiyang itoh.

"Wala, walang problema, okey na lahat. Hindi ba?"

Pinagdilatan ko ng mga mata ang madaldal na crew maging ang dalawa pang nasa tapat ng kinatatayuan namin ng tabi kong crew. Matapos ay pa senyas ko silang pinagbataan.

Ngunit talagang ang lakas nang loob ng tipaklong na crew. Bigla niyang kinuha ang kamay ko na nakatakip sa bigbig niya at walang habas itong tumalak at tuloyan akong sinumbong.

"Si Ma'am ho kasi ang laki na ho ng bills niya Sir. Ilang buwan na ho siyang hindi nakapagbayad ng mga obligation niya dito. Kaya't kailangan na Hong kunin ng home's owner ang condo ho niya."

Ayan laglag ng tipaklong. Halos sumabog ang kilay ko sa sobrang asar.

Kristoff glance at me and then, bumaling muli sa crew.

"Ganoon ba?" Saka may dinudukot sa bulsa niya.

"Here's my credit card. E-charge n'yo na lang lahat ng bills niya d'yan."

I Love You Dangerously ( Ongoing )BestFriend BestEnemy Series Book 2 "The Twist"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon