Pinakong Pangako

3.8K 96 2
                                    


2005

MARAMI nang nagbago. Nagkaroon na ng Edsa Dos at Edsa Tres. Nagsisimula nang tumaas ang presyo ng galunggong at nawawala na ang ningning ni Cedie, ang munting prinsipe.

Third year high-school na rin si Sebastiana Marquez a. k. a. Basty. Pero marami ang nagsasabing hindi pa raw siya ganap na dalaga. Hindi kasi tulad ng mga kaklase niyang babae, hindi siya marunong magmakeup at mag-ayos. Para raw siyang tomboy kung kumilos. Sebastiana's appearance and her life is as plain as a piece of paper, sabi sa isinulat na article ng isang atribidang baklang columnist sa school paper nila nang ma-i-feature ang mga scholar sa paaralan. Kasalanan ba niya kung wala siyang oras na magpa-cute? Mas importante sa kanya ang pag-aaral.

Isa pa, kahit naman hindi siya tulad nang mga kaklase niyang babae, may pakisama naman siya. Kalahati yata ng mga babae sa classroom ang may slumbook. Kapag pinapasagot siya, sasagot siya. Kapag naitanong na sa kanya kung ano ang motto niya, isa lang ang isinasagot niya.

Promises are meant to be broken.

Dahil pagtuntong nila ng high school, nakalimutan na ng kababata niyang si Devon ang pangako nila sa isa't-isa na magpapakasal sila. Hindi na nito iyon binabanggit sa kanya. Tinanggap na lang niya iyon, dahil mga bata pa sila nang mabuo ang pangakong iyon. Kalokohan lang siguro iyon. Isa pa, nanatili naman silang magkaibigan.

Papunta siya sa choir room isang araw para mag-practice ng isang song performance. Ang talent niya sa pag-awit ay isang dahilan kaya naging scholar siya. Napahinto siya sa paglalakad nang makita niya si Devon, tumatakbo palapit sa kanya. Nakangiti ito, naka-gel ang karaniwan ay wala namang style na buhok at may hawak itong bungkos ng bulaklak.

"Basty!" pagtawag nito sa kanya, tila excited. Nang makalapit ito sa kanya ay muntik na siyang mapapikit dahil napakabango nito. Dati naman, hindi ito mahilig sa pabango.

Huminto ito sa harap niya at ngumisi. "Pogi na ba?" Nag-Mr. Pogi sign pa ang kamote.

Poging-pogi. "Pongid na," nakangiting pagbibiro niya. "Ano'ng meron? Bakit nakapabango ka ngayon? Ibuburol ka na ba?"

"Hindi, ano ka ba," natatawang sabi nito. "Dahil 'to sa mga nabasa ko sa slumboook ni Kathryn." Tumaas-baba ang mga kilay nito.

Si Kathryn iyong kaklase nilang kahit janitor ay gustong pasagutin sa slumbook.

"So?"

"Binasa ko 'yong mga sagot ni Melissa."

Si Melissa ang muse ng klase, na kabaliktaran talaga niya. Lagi itong naka-make-up, laging tila plantsado ang buhok. Marami itong accessories. Napaka-outgoing nito. Totoo na hindi nito kayang i-spell ng tama ang salitang "tomorrow" pero mabait naman ito kaya ipinapasa pa rin ng mga guro at hinahangaan pa rin sa school.

"O, ano namang konek no'n sa pabango mo?"

Inakbayan siya nito. Mas lalo niyang nalanghap ang tila nakakalasing na amoy nito. Naramdaman niya ang init na galing sa katawan nito. "Sa choir room ka ba pupunta? Ihahatid na kita."

Tumango siya. "Bakit ka nga nag-pabango ngayon?" pangungulit niya.

"Kilala ko na kasi kung sino ang crush ni Melissa."

"Talaga?" kunwari ay interesadong sabi niya. "Sino?"

Inilapit nito ang bibig nito sa kanya, sabay bulong, "Ako."

"I-ikaw?"

"Yep. Kaya nga nag-ayos ako ng ganito. Para sa kanya."

Napatingin siya sa mga bulaklak na hawak nito. "'Eh 'yang bulaklak? Para sa kanya 'yan?"

"Oo. Liligawan ko siya." Kumindat ito sa kanya.

Huminto na siya sa paglalakad dahil nasa tapat na sila ng choir room. Nawalan na siya ng ganang mag-practice. Made-depress na yata siya.

"Good luck." Kasing-peke ng ngiti ng mga politiko ang ngiti niya. "Kaya mo 'yan. Mapapasagot mo 'yon. Pogi ka naman talaga eh." wika niya sabay pagpag sa magkabilang balikat nito. Somehow, touching him made the little pain in her heart grow bigger.

"Thanks," ngiting-ngiting sabi nito, lumilitaw pa ang mga cute na biloy. "Wish me luck, Basty," dagdag nito sabay dampi ng magaang halik sa noo niya. Kumindat ulit ito sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad, para puntahan si Melissa. Naiwan siyang nakatanaw rito.

And in a way, she felt so lonely. So left out. So alone.

GABI. Nakaupo sa kama si Basty. Natutulog naman sa tabi niya ang nanay niya. Hindi pala ito nakapag-manicure dahil magdamag itong sinumpong ng hika.

Nakatingin siya sa maliit na jewelry box niya, kung saan nakalagay ang singsing na iniingatan niya.

Hindi niya alam kung bakit pa niya itinago ang pekeng singsing na iyon. Sigurado namang itinapon na ni Devon ang singsing nito, tulad nang pagkalimot nito sa pangako nito sa kanya. Siguro, kaya niya iyon itinago, kasi pinababalik niyon ang masasayang ala-ala noong bata pa siya.

Talaga lang? pang-uuyam ng isang tinig sa utak niya.

Hinalikan niya ang singsing, bago itago iyon sa jewelry box. Pagkatapos ay nagdasal siyang sana ay sinagot ni Melissa si Devon—dahil alam niyang kapag nangyari iyon, magiging masaya ang kababata niya.

The Puppy Love That Lasted Forever (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon