Adulting Stage--Wala Pa Ring Nagbago

3K 70 4
                                    


2013

MABILIS na lumipas ang limang taon at tulad nang inaasahan, napakarami na namang nagbago.

Wala nang malakihang pagpoprotesta sa EDSA o sa kahit anong major na kalsada maliban na lang kung Labor Day. Noodles na ang pambansang pagkain ng mahihirap, hindi na galunggong. Wala nang bakas ng pagningning nina Cedie, Heidi at Julio at Julia. Ang uso na sa mga bata ay ang Gwiyomi.

At sa pag-alis ni Devon patungong Canada, si Arthur ang naging sandalan ni Basty. Ito ang nakasama niya araw-araw. Kasabay niya ito sa pag-graduate. Ito rin ang sumuporta sa kanya nang hindi niya sundin ang kurso niya at mag-trabaho siya bilang isang wedding singer. Masugid na rin itong nanligaw sa kanya pagka-alis pa lang ni Devon.

At isang mahalumigmig na gabi ng Disyembre, taong 2012, hindi na niya matandaan kung sa terrace o sa likod bahay nila, sinagot niya ang pag-ibig ng lalaki. Naging boyfriend niya si Arthur.

It made everything more complicated. Sinagot niya si Arthur kahit si Devon ang mahal niya. Sinagot niya ito sa pag-aakalang kapag naging nobyo niya ito, makakalimutan niya si Devon. Kaya pakiramdam niya ay ginagamit lang niya si Arthur.

And now, to add another complication, Devon was coming back.

Mukhang na-miss na ng mama ni Devon ang Pilipinas. Nauna na nga itong umuwi sa bansa. Panay nga ang kuwento nito na maganda raw sa Canada, may direksyon raw ang patak ng ulan—kung ano man ang ibig sabihin no'n—pero mas gusto pa rin daw talaga nito ang Pilipinas.

Ngayong araw ang itinakdang pagdating ni Devon at ng papa nito. Kaya nga abala na raw ang mga kasambahay sa mansyon ng mga ito sa paghahanda ng isang malaking party, kung saan siya imbitado. Ayaw niya sanang dumalo dahil hindi niya alam kung paano haharapin ang lalaki.

Pagkatapos nang naging eksena nila sa tabing-ilog, kung saan sinundan nito si Melissa at hindi nito naalalang lingunin siya—ay naging determinado na siya na unti-unting ilayo ang sarili rito. Iniisip niyang kapag ginawa niya iyon ay mawawala ang nararamdaman niya para rito. Kaya nang regaluhan siya nito ng cell phone bago ito umalis, hindi niya iyon ibinili ng SIM card. Hindi tuloy siya na-contact nito.

Nang minsang gumawa siya ng Facebook account, nagkaroon siya ng friend request galing kay Devon. May pabirong message pa nga ito sa kanya: kapag hindi mo in-accept ang friend request ko, ipapa-salvage kita.

Napakaguwapo nito sa litrato nito. Makapal na jacket ang suot nito, may bonnet sa ulo, at napakatamis ng ngiti nito. May katabi itong snowman. Naalala niyang isang oras yata siyang umiyak habang nakatingin sa litrato nito. She missed him so bad. She was envying the snowman beside him. Pero dahil inilalayo nga niya ang sarili niya rito, hindi niya tinanggap ang friend request nito. Hindi na rin siya nag-Facebook. Natutukso lang kasi siyang tingnan maghapon ang mukha nito at sawang-sawa na rin siya sa ibang kaibigan niya na ini-invite siyang maging magsasaka sa larong Farm Ville.

Ngayon nga lang, hindi na talaga niya maiiwasan ang lalaki. She had to face him.

Nanlalambot siya habang nakatingin sa salamin, naghahanda sa pagpunta sa mansyon.

Hindi maalis ang kaba sa dibdib niya sa muli nilang pagkikita ng kababata. And she knew, deep inside her, she was also excited to see him.

"Basty," may tumawag mula sa likod niya.

Nilingon niya ang nagsalita. Si Arthur. Nakasandal ito sa hamba ng pinto. Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito. Nakatingin ito sa mukha niya na bahagya niyang in-apply-an ng kolorete. Hindi siya mahilig mag-make-up pero hindi niya mapigilang gawin iyon ngayon. Kung may magtatanong kung ano ang dahilan niya, siguradong hindi niya maipapaliwanag. Kahit kasi sa sarili niya, hindi niya sigurado. Hindi naman siguro binigyan ni Arthur ng malisya iyon dahil ngumiti rin naman ito.

The Puppy Love That Lasted Forever (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon