Tupad na Pangako

3.8K 74 0
                                    


NANG makaalis na si Devon ay naiwan si Melissa na nakatanaw sa ilog. Devon was gone so it was time to remove the mask—to remove the smile.

She was crying. Totoo iyong sinabi niya na ine-expect na niya na hihiwalayan siya ni Devon para kay Basty. Totoo din iyong sinabi niya na ihinanda niya ang sarili sa pagdating ng oras na iyon. Totoo rin na hindi na siya gaanong nasasaktan.

Because it hurt like hell.

Totoo siguro na mayroong ibang nakalaan para sa kanya. Kailangan nga lang niya sigurong maghintay.

And maybe smiling wouldn't hurt.

Because smiling might not help her to move on completely, but she guessed it was a step on a right direction.

AALIS na si Basty. May trabaho nang naghihintay sa kanya sa Maynila. May nag-hire sa kanyang isang wedding planner na maging wedding singer nito doon. Na-withraw na rin niya sa bangko ang ipon niya para makahanap naman siya ng disenteng apartment doon. She was ready financially.

Emotionally, she was not.

Napakarami niyang ala-ala sa lugar na iyon. Napakarami niyang kaibigan at kakilala. Mabigat sa loob niya na iwan ang mga iyon. Pero kailangan niyang gawin iyon. Dahil mas mahihirapan siya kung masasaksihan pa niya ang kasal ni Devon kay Melissa. Siguro, kung maka-recover siya sa kasawian niya, babalik siya. Bakit hindi? Naroon ang buhay niya.

Tapos na siya sa pag-e-empake ng tumunog ang cell phone niya. Hindi iyong ibinigay ni Devon. Bumili siya ng sarili niya. Kailangan niya iyon para magkaroon ng communication kay Arthur. Speaking of that angelic man, ang lalaki ang tumatawag sa kanya.

"Hello?" masayang pagbati niya.

"Hey, Basty." He said. Mukha ring nakabawi na ito base sa tono ng boses nito. "Hindi ka pa nakaka-alis, 'di ba?"

"Hindi pa," aniya.

"That's good."

"Ha?"

"Can you do me one last favor, Basty? As in huli na talaga?"

Hindi siya nag-dalawang isip. "Sure. Ano ba 'yon?"

"Maraming gustong mag-paalam sa 'yo. Iyong mga schoolmates natin. Narito sila lahat sa bukid. Pumunta ka naman dito."

Kumabog ang dibdib niya ng marinig ang salitang "bukid."

"Bakit sa bukid?" tanong niya. "Pumunta na lang kaya kayo rito?"

"One last favor, Basty?" wika nito na tila kinokonsensiya siya. "Please?"

Well, ano namang masama kung pumayag siya? Wala naman sigurong ibang kahulugan kung sa bukid man nito gustong makipagkita. "Sure. Dadaan ako diyan."

Nagpunta na siuya sa labas ng bahay dala ang mga maleta niya. Naroon na ang inupahan niyang taxi na maghahatid sa kanya sa terminal ng bus papunta sa Maynila. Tinulungan siya ng taxi driver na ikarga sa kotse ang mga gamit niya.

"Dumaan po muna tayo sa bukid," sabi niya sa driver.

Sumunod naman ito. Ilang minuto lang ang lumipas ay nasa bukid na sila. Hinahanap ng mga mata niya si Arthur, at ang mga schoolmates nila pero wala siyang nakita. Nagsimula na siyang magtaka. Bumaba siya ng taxi, nilakad ang bukid at iginala ang paningin sa paligid. Bumalik sa kanya ang mga ala-ala nila ni Devon. Kung paano sila araw-araw naglaro at nagtawanan sa bukid na iyon...

Napapiksi siya nang bigla na lang may tumakip sa mga mata niya.

"Basty."

Bigla siyang nataranta. Kilala niya ang tinig na iyon. Kilala din niya maging ang amoy ng kamay nang may-ari niyon. Si Devon. Iwinaksi niya ang kamay nitong nakatabing sa mata niya at hinarap ito. Tabingi ang ngiti nito, may pag-aalinlangan sa mga mata, at tila hindi mapakali.

The Puppy Love That Lasted Forever (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon