Paano Magcomfort ng Basted

3.4K 76 1
                                    


 HINDI makausap ni Basty si Devon kinabukasan. Parang napakalungkot nito. Tulala lang ito maghapon. Napagalitan ito ng bipolar nilang teacher sa Geometry dahil wala itong naisagot sa quiz.

Kapag tinitingnan naman niya si Melissa, parang normal naman ang babae. Parang masaya pa nga. Pero bakit malungkot si Devon?

Bago sila umuwi ay nagkaroon ng flag retreat. Nang matapos iyon ay nagdudumali nang makalabas ang mga estudyante para makauwi. Naiwan si Devon, umupo sa bench sa ilalim ng puno ng narra sa garden ng school. Parang malalim ang iniisip nito.

Hindi naman niya maiwasang maging concern para rito. Kung may problema ito, bakit hindi nito sabihin sa kanya? Handa niyang pakinggan ang bumabagabag dito.

Hindi niya ito natiis kaya siya na ang unang lumapit. Umupo siya sa bench at tinapik ito sa balikat.

"Hoy," sabi niya.

"Wala ako sa mood ngayon, Basty," matamlay na sabi nito. Diretso ang tingin nito.

"Nahalata ko nga. Bakit?"

Hindi ito kumibo.

"Sabihin mo na," pamimilit niya. "Mamaya lang paalisin na tayo ng guard."

Hindi pa rin ito sumasagot.

"Makikinig akong mabuti."

Wala pa rin itong reaksyon.

"Hindi ako tatawa. Promise."

Dahil siguro sa sinabi niyang iyon, may gumuhit na tipid na ngiti sa mga labi nito. Ngunit nawala din agad ang ngiti at ngayon ay bakas na bakas na ang lungkot sa mga mata nito. "Ang sakit, Basty..." he said after a while.

"Ang puson mo?" pagbibiro niya. "Ganyan talaga 'pag meron ka. Masasanay ka rin."

Siya lang ang may kakayanang patawanin ito ngunit hindi iyon umeepekto dito ngayon. Kinagat na nito ang mga labi nito, halatang pinipigilan na lang ang emosyon. Pero para sa kanya ay lalo lang naging attractive ito. "Basted ako, Basty eh. Basted ako." Bahagya nitong binayo ang hita nito.

Alam niyang mali, pero lihim siyang nakaramdam ng relief. "Bakit? Akala ko ba crush ka niya?"

"Akala ko rin eh. Pero hindi naman daw ako 'yong Devon na 'yon. Sa ibang lugar raw niya nakilala 'yong Devon na isinulat niya sa slumbook." Suminghot ito. "Napahiya tuloy ako. Napagtawanan."

"'Wag kang maniwala ro'n," sabi niya. "Feeling ko, nagpapahabol lang 'yon."

"Ano?"

"Ang mga babae, gusto nila 'yong pakiramdam na hinahabol sila. Kaya sigurado ako, 'yong si Melissa, naghihintay lang 'yon na mag-pursige ka sa panliligaw mo sa kanya." Bahagya niyang hinimas ang ulo nito. Napipikon ito kapag iba ang gumagawa niyon. Siya lang ang nakakagawa ng ganoon dito. She had to admit, she loved caressing his hair. "'Wag kang sumuko agad. 'Pag sumuko ka, talo ka. Ipaglaban mo 'yang nararamdaman mo."

Napakabigat sa loob niya na bitiwan ang advice na iyon. Dahil sa totoo lang, gusto niyang sumuko na ito kay Melissa.

Tahimik pa rin ito, pero mukhang nakumbinse na naman niya ito. Malungkot nga lang siguro ito. Nakaisip siya ng paraan kung paano pasayahin ito. Ugali na niyang gawin iyon dito kapag masama ang loob nito noong mga bata pa sila dahil hindi ito binilhan ng laruan o napagalitan ito ng mama nito.

"Psst," pagtawag niya rito.

Lumingon naman ito. Then, she started making funny faces. It was childish, that's true. But she would love to do that for him. If making herself look a little stupid would bring a smile on his handsome face, it would be damn well worth it.

Napakurap ito habang nakatingin sa kanya. Biglang lumobo ang pisngi nito. Then, a slight chuckle escaped from his lips. Maya-maya pa ay natatawa na ito sa ginagawa niya. Naniningkit na ang mga mata nito at tila bumalik ito sa pagiging bata.

Ah, heaven.

Nang huminto ito ay pinakatitigan na siya nito, may mapaglarong ngiti sa mga labi. Gusto niya ang ngiti nito. Lalo na ang dimples nito sa magkabilang sulok ng labi. He looked like a naughty angel.

"Ulitin mo nga." Nakuha na nitong mang-asar.

"Mukha mo. Ano ako, uto-uto? Nagmukha na nga akong tanga..."

"You're adorable," biglang sabi nito.

"Ha?"

"Hindi ka mukhang tanga kanina. You're adorable." Lalong naging malapad ang ngiti nito.

"O, so nabawasan ko 'yang problema mo?" wika naman niya, itinaas ang kilay. Kailangan niyang magtaray dahil may kiliting idinulot sa kanya ang sinabi nito.

Saglit na hindi ito sumagot, pagkatapos ay tumango. "Yep."

"Ilibre mo ako ng pagkain ngayon," wika niya. Gusto pa kitang makasama...

"Sure, sure," he said. Tumayo ito. "Bubusugin kita. Tara na."

Sumabay na siya sa paglalakad dito. Maya-maya pa ay umusog ito palapit sa kanya at umakbay sa kanya. Nagpatuloy sila sa pagkukuwentuhan at pagtatawanan.

And it made her happy. At kung hindi siguro babae ang dahilan ng kalungkutan nito kanina, siguro mas naging masaya siya.

The Puppy Love That Lasted Forever (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon