Silang mga Nasaktan ng mga Nagkamali

3.2K 78 0
                                    

ALAS-SIYETE ng gabi ay dumating na si Arthur sa bahay. Pagbungad pa lang nito sa pinto ay nakita niyang may takot na sa mga mata nito. Bagsak ang mga balikat nito at magulo na rin ang buhok nito. Namumula ang mga mata nito, na tila kagagaling lang nito sa pag-iyak. May ideya na ba ito kung ano ang sasabihin niya rito?

Para tuloy gusto na niyang umurong.

"Basty," pagtawag nito sa kanya. Mahigpit ang pagkakakapit nito sa bag nito, na tila doon ito kumukuha ng lakas. Nakatitig ito sa kanya, tila nagmamakaawa ang mga mata.

Hindi na napigilan ni Basty ang umiyak. Isinubsob niya ang palad sa mukha niya at tahimik na lumuha. Hinayaan lang siya nito na gawin iyon, at naririnig pa nga niya ang mga pigil na hikbi nito.

Alam na nito. May ideya na ito sa kung ano ang mangyayari. Her heart broke for him.

"Alam ko naman, Basty eh," narinig niyang sabi nito. Hindi niya kayang tingnan ito, nakasubsob pa rin siya sa mga palad niya. "Pagtawag mo pa lang, alam ko na kung ano ang gusto mo. Nararamdaman ko naman, Basty eh. Hindi naman ako manhid. Alam ko 'yon base sa mga yakap at halik mo sa 'kin. Nararamdaman ko naman talaga na hindi mo talaga ako mahal sa paraang gusto ko."

Ang sakit na nasa tinig nito ay sapat na para lalong umagos ang mga luha niya. Basag na basag ang tinig nito, siguro maging ang puso nito.

"Habang papunta ako rito Basty, umiisip na ko ng mga sasabihin ko. Balak kong magmakaawa sa 'yo. Pilitin ka na subukan pa rin na magkaroon ng 'tayo.' Pero kung iiyak ka lang lang ng ganyan... kung hindi mo talaga kaya... pakakawalan naman kita eh." Kasunod niyon ay naririnig na niya ang mga singhot nito, ang mabibigat na bagsak ng paghinga nito. "Kung hindi ka naman sa 'kin magiging masaya, hahayaan naman kita."

Sa wakas ay nagkaroon na siya nang lakas ng loob na tingnan nito. Wala nang tigil sa pagpatak ang mga luha nito. His lips were also shaking. His hands were fumbling his bag. His heart was breaking in front of her and she couldn't do anything about it.

"I'm sorry..." sabi niya, umiiling. "You're a wonderful person, Arthur. You don't deserve someone like me. Makakahanap ka rin ng babaeng para sa 'yo. Hindi lang talaga ako 'yon."

Natulala ito. Mayamaya ay pautal-utal na sinabi, "M-mas masakit pala talaga kapag n-narinig ko na sa 'yo..." And then he cried hard, and she watched him, and then she cried hard too. Dumaan ang ilang minuto na iyon lang ang ginagawa nila. Ang maririnig lang sa buong bahay ay ang mga iyak nila at ang tunog ng orasan. Hindi na niya natantiya bago sila nagdesisyong huminto. Limang munto? Sampu? Labing-lima? Sa totoo lang, hindi na mahalaga. Basta nang marinig niyang humihina na ang mga hikbi ni Arthur, tinitigan niya ulit ito.

There was a sad smile on his lips.

"Can you de me a favor?" paos na sabi nito.

She nodded. "Anything."

"Can I kiss you for the last time? At hindi na iyong ginagawa nating halik na sandali lang. Can I kiss you for real? Kahit isa lang?"

Wala namang masama. She nodded again. "Come here."

Lumapit ito sa kanya at sinakop ang mga labi niya. Nalasahan pa niya ang maalat na mga luha nito pero hindi na niya inilayo ang mga labi niya. Hinayaan na lang niya ito. Nanginginig ito. Nanghihina ito. Kaya kumapit siya sa mga batok nito para alalayan ito.

The kiss lasted for almost a minute. Nang ihiwalay nito ang mukha nito sa kanya, nabahiran na ng kasiyahan ang malungkot na ngiti nito kanina. "C-can you do me another favor?"

Tumango lang siya.

Pinangiliran na naman ng luha ang mga mata nito. Pinunasan nito ang luha sa pisngi niya. "Don't be sad because you broke-up with me. You should make yourself happy."

The Puppy Love That Lasted Forever (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon