Walang Pusong Nananalo

2.8K 66 1
                                    


TUMATALBOG-TALBOG sina Basty at Devon sa sinasakyan nilang tricycle papunta sa plaza. Sapo-sapo ni Devon ang ulo nito dahil madalas itong maumpog sa bubong ng tricycle. Mukhang tinitiis lang nito ang lahat ng iyon para sa kanya.

Nang makarating na sa plaza, kinakabahan na si Basty. Mabilis na ang kabog ng dibdib niya. Tila matalim na blade ang malamig na hangin na dumadampi sa balat niya. Hindi tuloy niya maiwasang yakapin ang sarili.

Laking pasasalamat niya nang maramdaman ang braso ni Devon sa balikat niya. Itinulak siya nito para lalong mapadikit sa mainit na katawan nito. His scent was enough to soothe her a little.

"Tara na," sabi nito.

Tumango siya at tinungo na nila ang likod ng stage kung saan dapat magtipon-tipon ang mga contestants. Hindi magkamayaw ang mga iyon. May walang tigil sa vocalization. May nagdadasal. May tahimik lang, mukhang malapit nang magkaroon ng nervous breakdown.

"Kinakabahan ako," pag-amin niya kay Devon. "Mukhang magagaling silang lahat."

Pumalatak si Devon, sabay pihit sa kanya paharap dito. Seryoso ang mukha nito habang tinitititigan siya. Hanggang sa dahan-dahang may isang matamis na ngiti na gumuhit sa mga labi nito.

"Naniniwala ako sa 'yo, Basty," sabi nito, hinigpitan ang kapit sa balikat niya.

"Talaga?" sabi niya.

Tumango ito. "Kaya mo 'yan. 'Wag kang matakot. At tatandaan mo lagi kahit ano'ng mangyari, susuportahan pa rin kita. Papalakpak ako na parang tanga para sa 'yo."

Hindi niya mapigilang ma-touch. Niyakap niya ito. Isinubsob niya ang mukha sa mabangong dibdib nito. Natawa lang ito, bahagya siyang iniangat sa lupa at niyakap ng mahigpit.

"Nakaka-touch ka," pag-amin niya, bahagya pa ring nakasubsob sa katawan nito.

"Anything for you, Basty," he said. "Anything for you." Hinagod nito ang buhok niya.

Pumalakpak na ang malnourished na bading na organizer ng contest, para kunin ang atensyon nila. Magsisimula na ang patimpalak. Pinapila na nito ang mga contestant. Huminga siya ng maluwag, tumitig kay Devon.

"Wish me luck," sabi niya.

He nodded. At sa pagkabigla niya, dinampian siya nito ng halik sa ilong. "I believe in you," sabi nito, hindi pa gaanong inilalayo ang sarili sa kanya, kaya naamoy pa niya ang mabangong hininga nito. "Don't be afraid."

Lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi dahil sa kaba. Kundi dahil isang maling galaw lang niya, maari na niyang mahalikan ang kababata.

NANG si Basty na ang kakanta, bumalik ang pesteng kaba niya. Natural lang siguro iyon dahil lagi naman siyang nagkakaroon ng stage fright. Nakakasilaw ang spot light, kaya parang babaliktad ang sikmura niya. Pero kalaunan ay nasanay na rin naman ang mga mata niya.

Nilapitan siya ng lalaking host na nakakatakot ang mukha dahil sa kapal ng foundation. In-interview pa siya nito bago siya pakantahin. Wala sa sarili ang mga sagot niya, dahil hinahanap ng mga mata niya si Devon.

Nakita niya ang lalaki sa ikalawang hanay ng mga upuan, nakatitig ng diretso sa kanya. Kumaway ito sa kanya.

"Ano'ng kakantahin mo sa 'min ngayong gabi?" tanong ng host.

"'I Will Always Love' you po."

"That's great. Show us what you got."

Iniwan na siya nito sa gitna ng stage. Nagsimula na ang intro ng kanta. Nakatingin sa kanya ang lahat. Lalo tuloy tumindi ang kaba niya. "If I... should stay..." Her hands were cold, she felt they were trembling. Na-distract siya nang makitang ilan sa mga tao ay tila natatawa sa kanya. Nawala siya sa concentration. Nagkamali siya ng konti sa lyrics.

The Puppy Love That Lasted Forever (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon