Isang Iglap

2.6K 59 0
                                    


IPINASYA ni Devon na ihatid si Basty pauwi. Maluwag na ang pakiramdam ni Basty. Tuluyan nang napawi ng kababata ang bigat ng kalooban niya. Naglalakad na lang sila sa eskinita papunta sa bahay niya, nagpapatuloy sa pag-uusap.

"Hindi mo na naman ako kailangang ihatid," sabi niya. "Gabi na. Baka mapagalitan ka na."

Pinakatitigan lang siya nito. "Gusto kitang ihatid."

"Kaya ko namang protektahan ang sarili ko."

"Basta gusto kitang ihatid," he insisted.

"Ano pa bang magagawa ko eh malapit na tayo—"

"Basty!" narinig niyang sigaw ng kapit-bahay na si Aling Pasing. Humahangos ito palapit sa kanya, sapu-sapo ang dibdib. May luha sa mga mata. "Diyos ko, bakit ang tagal mo? Bakit ang tagal mo?" hinihingal na sabi nito.

Bigla ang pagsaklot ng kaba sa dibdib niya. Napahinto siya sa paglalakad, nanlamig ang likod. Parang nagyelo din ang talampakan at kamay niya. May pakiramdam siyang hindi niya magugustuhan ang sasabihin ni Aling Pasing.

And she was right.

"Ang nanay mo, Basty. Ang nanay mo..."

Hindi siya nakapagsalita. Pakiramdam niya ay may palakol na nasa ibabaw ng ulo niya, isang maling galaw niya ay tatarak iyon sa kanya. Naramdaman na hinawakan ni Devon ang kamay niya na nanginginig nap ala.

"Ano pong nangyari?" tanong ni Devon kay Aling Pasing.

Natataranta ring nagpaliwanag si Aling Pasing. "kasi ako ng kalabog galing sa bahay nila kanina. Nang puntahan ko siya, nakahandusay na siya sa sahig, parang may inaabot. Diyos ko, inaatake na pala siya ng hika. Kaya pala hindi na siya maka-sigaw. Tapos, natabig pa yata niya 'yong gamot niya kaya pumasok sa ilalim ng kama. Buti na lang naisugod agad sa ospital..."

Si Devon na ang nagtanong kung saang ospital dinala ang nanay niya dahil hindi na talaga siya makakibo at makapagsalita. Nagpa-paulit-ulit sa kanya ang mga salita ni Aling Pasing. And the horrifying image of her mother reaching for her medicines was enough to make her gasp, make her shudder, and soon, make her cry.

The Puppy Love That Lasted Forever (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon