Mga Bagay na Hindi Natin Sinasadya

2.9K 70 3
                                    


KINAGABIHAN, niyaya si Basty ni Devon na mag-picnic. Hindi alam ni Basty kung bakit nagyaya ang kababata, pero siguro gusto nito na hindi na sila magkailangang dalawa at bumalik na sila sa dati. Tumawag ito sa kanya at sinabihan siya na maghanda nang makakain nila.

"Isasama ko ba si Arthur?" tanong niya.

There was a pause from the other line. Naririnig niya ang paghinga ni Devon, tila pinag-iisipan ang sinabi niya.

"Isasama ko ba si Arthur?" ulit niya.

"No," may katigasan ang tonong sagot nito. "Don't bring him in."

Pagkatapos niyon ay tinapos na nito ang tawag.

Kinabukasan nang alas-diyes ng umaga ay naihanda na niya ang mga kakailanganin nila sa picnic. Nakapaghanda na siya ng Ma Ling, na paborito ni Devon. May dinala din siyang tocino, sausage at mga prutas. Nagdala din siya ng buko juice na inilagay niya sa mga tumblers. Saktong alas-onse ng umaga ay nakaligo na siya. Narinig na rin niya ang tunog ng sasakyan ni Devon sa tapat ng bahay nila.

"Are you ready?" ngiting-ngiting sabi ni Devon.

"Yup." Hinanap ng mga mata niya si Melissa. "Wala si Melissa?"

Hindi ito nakagalaw, parang hindi napaghandaan ang tanong niya. Pagkatapos ay dahan-dahang umiling ito.

"Alam ba niya na magkasama tayo?" tanong niya. Ayaw niyang magkaroon ulit ng gulo sa pagitan nila ng babae.

Devon looked away. "Yup, she knows. Tara na."

He was lying, she knew that. Pero hindi na siya nagsalita. Mayamaya pa ay bumibiyahe na silang dalawa. Nalagpasan na nila ang tabing-ilog sa lugar nila kaya mukhang hindi sila doon magpi-picnic. Mukhang malayo ang pupuntahan nila.

"Alam ba ni Arthur na kasama kita?" tanong sa kanya bigla ni Devon habang nagmamaneho.

Napalunok siya. Hindi niya sinabi sa nobyo niya ang lahat. Arthur would not understand. Alam niyang may clue ito tungkol sa feelings niya noon kay Devon. "Oo," pagsisinungaling niya. "Sinabi ko sa kanya."

Tumingin si Devon sa kanya sa rearview mirror. "Okay lang sa kanya?"

Sinalubong niya ang titig nito. "Okay lang sa kanya."

Devon smiled. "Okay lang din kay Melissa."

They were both lying and she knew they were both aware of that. Pero walang umamin sa kanila noon. It was as if they wanted so badly to be with each other that they were willing to fool themselves just to make it happen.

Habang nagbi-biyahe ay napakarami na nilang napag-usapan: klima, ekonomiya, politika, pati na kung ano ang mga mahirap gawin kapag may singaw. Non-stop din ang tawanan nila, nakalimutan na sina Melissa at Arthur. Parang nagkaroon sila ng unwritten rule na kalimutan pansamantala ang dalawa.

Nakarating sila sa isang resort malayo sa lugar nila sa Tanay. Naging kaklase daw ni Devon sa Canada ang may-ari niyon at napakiusapan na nito ang may-ari kung maari silang magpunta doon. Pinapasok na tuloy sila agad ng guwardiya. Mukhang wala silang makaka-agaw sa lugar dahil hindi gaanong kilala ang resort. Isa pa, kakatapos lang ng summer. Nagsimula na ang tag-ulan.

Nagpunta sila sa lawa ng resort. Doon nila ihinanda ang mga picnic mat at ang mga pagkain nila para sa picnic. Habang kumakain ay nagtanong sa kanya si Devon.

"Gaano na kayo katagal ni Arthur?"

Gusto niyang batukan ito sa pagsira nito sa unwritten rule nila. "December ko siya sinagot. Mga six months na rin siguro," matabang na sabi niya, sabay kagat sa fried chicken na dala nito.

Tumango lang ito, kumagat sa Ma Ling na nasa tinidor nito. "Nag-kiss na ba kayo?" muling tanong nito, parang nagtanong kung kailan magugunaw ang mundo. Halatang nag-aalala sa isasagot niya.

"Ano... Kasi..." Nag-init ang magkabilang pisngi niya. "Nag-kiss naman kami. Pero sandali lang. Smack, kumbaga." Napapikit siya. Hindi niya dapat inaamin dito ang sekreto ng relasyon nila ni Arthur. Dapat na sa kanila lang na magkasintahan iyon.

"Bakit?" he asked with extreme curiosity in his eyes.

"Huh?"

"Bakit sandali lang?"

"Kasi..."

Dahil kapag hinahalikan ako ni Arthur, ikaw ang iniisip ko. Wala pa kaming halikan na nagtagal ng limang segundo, dahil kapag ipinipikit ko ang mata ko, ikaw ang nakikita kong humahalik sa 'kin. And I would feel so guilty, iyon ang sagot sa tanong nito.

Siyempre, hindi iyon ang sinabi niya.

"Kasi... wala ka nang pakialam do'n!" pagtataray niya. "Kumain ka na nga lang!"

Mukhang wala naman itong balak na bitiwan ang paksa. "So you haven't experience a real kiss?"

"Nagki-kiss nga kami 'di ba—"

"Not that kind of kiss," putol nito sa kanya. He smiled. "A real kiss."

"Ano'ng tingin mo sa kiss na ginawa namin? 'Joke lang' kiss?"

He cocked his head into one side, then gave her naughty smile. "Gusto mo ba ipakita ko sa 'yo kung ano ang pinagkiba ng mga halik na tinutukoy mo?"

Muntik na siyang mabulunan sa sinabi nito. It was a joke, she was sure of that dahil sa pilyong ngisi at kislap ng mga mata nito. Pero iba pa rin ang kiliting idinulot niyon sa kanya. The though of him teaching her how to kiss... it made her whole body warm, like she just drank a good glass of wine.

"G-gago ka ba," tarantang sabi niya. "Sira na 'yang tuktok mo."

Kumindat ito sa kanya. "Katuwaan lang. Ano?"

"Mukha mo—"

Bago pa niya matapos ang sasabihin ay lumapit na ang mukha nito sa kanya. Napasandal siya sa puno ng narra sa pagkabigla. Pero nagpatuloy lang ito sa paglapit ng mukha nito sa kanya, nakatitig sa mga mata niya. He was grinning like a disobedient school boy. Drat, he was so handsome, hindi na siya nakagalaw para pigilan ito. Alam niyang nagbibiro lang ito pero hindi niya mapigilan ang mabilis na tibok ng kanyang puso.

Halos magdikit na ang mga ilong at noo nila. Tumatama na sa mukha niya ang mainit na hininga nito. His breath smelled like buko juice, and that made her crave for his lips. Hindi tuloy niya mapigilang basain ng dila niya ang mga labi niya. That was a wrong move. Napatingin tuloy si Devon sa mga labi niya. Napakurap ito habang nakatingin doon, unti-unting napalis ang namimilyong ngisi.

Hindi na nito maialis ang tingin nito sa mga labi niya. Nakita niya na napalunok na ito. Tila nag-slow motion sa paningin niya ang pagtaas-baba ng Adam's apple nito. Ilusyon lang ba niya iyon o tumindi talaga ang init na nararamdaman niyang galing sa katawan nito?

Muli itong tumingin sa kanya. There was flame on his eyes now. Tila rin nagmamakaawa ito na hayaan na niya itong halikan siya. Dumadalas ang paglunok nito at tila lalong nagiging matunog ang paghinga nito.

"Let me do it," he said on a husky voice.

"What?"

"Let me kiss you."

Napatingin siya sa mga labi nito. She wanted to taste his lips so bad. She wanted to taste his mouth, his tongue...

"Don't do that," he warned. "Don't stare. Mas mahihirapan ako kapag ginawa mo 'yan. Hahalikan lang kita kung may permiso na galing sa 'yo."

"This was supposed to be a joke," sabi niya, hindi pa rin inaalis ang titig sa mga labi nito.

"I know."

"We're both in a relationship."

"I know." He started rubbing his noise to her nose.

"But..." Napapikit siya, hindi na mapigilan ang sariling umamin. "I don't know, I just want this."

"Me, too. Please allow me to kiss you. I'm going crazy," there was heat and passion on his voice.

His hot, sweet-smelling breath touched her lips. That was the end of any resistance she might have had. She could not have any coherent thought. She clutched his nape, pulled him to her and tasted his lips.

The Puppy Love That Lasted Forever (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon