Mga Pagkatok na Dulot ng Ulan

2.7K 72 3
                                    


DUMIRETSO na agad sa ospital si Basty. Sinamahan siya ni Devon. Doon ay kinausap siya ng doktor ng nanay niya. Hindi lang pala hika ang umatake sa nanay niya. Inatake rin ito sa puso. Mataas na pala talaga ang presyon ng dugo nito. Kung may nararamdaman man ito, malamang ay hindi nito iyon sinasabi sa kanya. Sa kasalukuyan ay kritikal ang lagay nito sa ospital.

Nakaupo siya sa tabi ng kama ng nanay niya, nakahawak sa may kalamigang kamay nito. Sa tabi niya ay nakaupo naman si Devon, nakapatong ang kamay sa likod niya. Masyadong maliwanag ang ilaw sa loob ng kuwarto. Walang tigil sa pagpatak ang mga luha niya.

"Pa'no kung mamatay siya, Devon?" garalgal ang tinig na sabi niya. "Hindi ko yata kakayanin 'pag nawala sa 'kin si nanay. Siya lang ang nakilala kong magulang."

"Sshh..." Hinimas na nito ang likod niya. "'Wag kang mag-isip ng ganyan, Basty," sabi nito. "Nasa ospital na ang nanay mo. Maliligtas siya."

Alam niyang na-a-apektuhan din ito ng pag-iyak niya at nang nangyari sa nanay niya. Ngunit mukhang pinipili nitong maging malakas para sa kanya.

"Hindi naman natin sigurado 'yan, 'di ba? Hindi naman." She felt like a new-born child, hopeless and weak. Lalo niyang hinigpitan ang kapit sa kamay ng nanay niya. "Alam mo kung ano ang nakakainis? Sinabi ko sa kanya na ipapasyal ko siya, Devon eh. Sinabi ko sa kanya na mamasyal kami..."

Lalo siyang napaiyak sa naalala. Hindi niya akalaing sa loob lang ng isang gabi ay magsusunod-sunod ang mga problema niya. Hinayaan na lang siya ni Devon na umiyak, ang maririnig lang sa silid ay ang mga hikbi niya at ang mga tunog ng mga makina na nakakabit sa nanay niya.

Matagal rin bago tuluyang maubos ang mga luha niya. Pero hindi siya iniwan ni Devon. Nanatili ito sa tabi niya.

Nang makabawi siya, niyaya siya nito na magdasal sa chapel ng ospital. Wala sa sariling sumunod siya rito.That time, she felt like a boneless grief-stricken puppet.

At naniniwala siya na kailangan din niyang magdasal. Wala na siyang kntrol sa mga mangyayari. She needed some big help.

When they were in the chapel, lumuhod siya at umusal ng panalangin.

Devon knelt with her, bowed his head and prayed silently.

HINDI na sana gustong pumasok ni Basty sa mga susunod na araw pero natapat iyon final examinations niya kaya wala siyang magawa. Humahanap din siya ng mae-ekstrahang trabaho para may maipambayad siya sa ospital kapag lumabas na roon ang nanay niya. Naisanla na nga niya ang cell phone niya para lang sa dagdag na pera.

She was getting dizzy while she was taking the test. Gusto niyang masuka habang nakatingin siya sa mga tanong. Wala pa siyang tulog sa kakaiyak at sa pagdadasal na sana ay bumuti ang kalagayan ng nanay niya.

And a part of her was actually preparing herself... for the worst. Kung pagod na ang nanay niya at kailangan na talaga nitong magpaalam, wala naman siyang magagawa. Mahirap tanggapin, pero ang mundo ay namumutiktik talaga sa mga bagay na hindi katanggap-tanggap.

Namasa ang mga mata niya sa isiping iyon, ngunit pilit niyang itninago iyon para hindi makita ng mga kaklase niya. Right now, that last thing she needed was pity. Pilit siyang nag-concentrate sa exam na tila nakasulat sa wikang Nihongo nang makarinig siya ng kalabog sa pintuan.

Napatingin siya sa direksyon niyon. Nakatayo sa tapat ng pinto si Devon, nakatingin sa kanya. Hinihingal. Nag-aalala ang mga mata.

Nagbubulungan na ang mga kaklase niya dahil hindi pumupunta sa university nila ang mga estudyante ng private school sa kabila.

Her heart was beating like crazy.

Doon may lumitaw na security guard sa likod ni Devon. Tumingin ito sa professor nila. "Pasensiya na po. Nagpumilit pong pumasok 'to—"

"Let him," sagot ng professor, nakatingin sa kanya. Tila nahuhulaan na nito na siya ang dahilan kaya naroon si Devon.

She bit his lips, staring at Devon's unruly uniform and unkempt hair. Tumayo siya, nakakuyom ang mga kamao, parang zombie na lumapit sa lalaki. Nakasunod ang tingin sa kanya ng mga kaklase niya, nagbubulungan pa rin. Iyong ibang alam ang sitwasyon niya ay naglayo ng tingin. Pakiramdam niya ay guguho ang sahig na tinatapakan niya.

Nasa harap na siya ni Devon. Sinenyasan niya ito na umalis sila doon, humanap ng ibang lugar kung saan puwede silang mag-usap. Mukhang alam na ng professor ang pinagdadaaanan niya dahil hindi na siya pinigilan nito. Hindi rin naman siya magpapapigil dito. The exam was not important now. Nagpunta sila sa isang bakanteng classroom.

"The doctors called me..." panimula ni Devon, nakagat din ang labi nito.

Ang number nito at ni Aling Pasing ang ibinigay niya sa doktor mula nang mapilitan siyang isanla ang cell phone niya.

"Ano'ng nangyari?" nanghihinang tanong niya.

Hindi ito nakasagot. Patuloy lang ang paghugot nito ng malalalim na hininga, tumingin sa bintana. Makulimlim sa labas, mukhang uulan.

Pilit niyang pinatatag ang sarili kahit nanlalambot ang mga tuhod niya. "Wala na ba siya?" pumiyok ang tinig na tanong niya. "W-wala na ba?"

Tumingin naman ito ng diretso sa mata niya, pagkatapos ay dahan-dahang tumango. Pagkatapos niyon ay walang nagsalita. Nagsisimula nang umambon sa labas, pumapatak sa mga bintana.

Naramdaman niya ang kamay ni Devon sa braso niya, itinulak siya papasok sa mga bisig nito. Mahigpit siyang niyakap nito. Ang pinaka-mahigpit na yakap na natanggap niya galing dito. Sumubsob siya sa dibdib nito, doon kumuha ng lakas. Tuluyan nang bumuhos ng malakas ang ulan sa labas at rumagasa na rin ang kalungkutan sa dibdib niya. Bumunghalit siya ng iyak sa dibdib ni Devon. Patuloy naman ito sa paghagod sa likod niya, hinayaan lang siyang muli na umiyak.

Then, after a minute, she realized that he was crying with her.

The Puppy Love That Lasted Forever (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon