Hindi Din Tayo Sinadyang Saktan

2.9K 64 3
                                    


 HINDI sila nag-uusap habang nagbibiyahe pauwi. Nakatanaw lang si Basty sa bintana at nagko-concentrate naman si Devon sa pagmamaneho. They both have no idea what to do next.

The kiss was lovely, Basty could not deny that. Naalala pa niya kung paanong halos malunod siya sa mainit na hininga ni Devon. She recalled how she sucked his sweet tongue. And she also remembered having a chance to taste his hot mouth too. Hindi rin niya makalimutan iyon nakakapasong init ng leeg nito habang naghahalikan sila. The sexy way he moaned, beg her to kiss him deeper. Hindi niya maalis ang lahat ng iyon sa isip niya.

And damn it, she wanted the kiss to happen again.

Nakagat niya ang labi niya. Alam niyang magkakaroon na naman ngayon ng komplikasyon sa pagitan nila ni Devon. Baka iwasan na naman siya nito. At kapag nalaman ni Melissa o ni Arthur ang nangyari, lalong lalaki ang gulo.

Bakit ba siya nagpatukso dito? Bakit ba kailangan siya nitong biruin na tuturuan siya nitong humalik on the first place? Kung hindi nito ginawa iyon, hindi siguro nangyari ang halik na iyon.

The delicious kiss that she wanted to happen again.

"Hindi nila dapat malaman," narinig niyang sabi ni Devon, alam niyang sina Melissa at Arthur ang tinutukoy nito. "Masasaktan sila."

Then why did we do it? Gusto niyang itanong.

Lumunok si Devon. Tila marami ring gumugulo sa isip nito. "It was just a kiss."

Nasaktan siya sa sinabi nito, pero naihanda na niya ang sarili na iyon nga ang maaring sabihin nito. "Alam ko. It's just a silly kiss."

"That's true." Tumango ito. "A silly kiss."

"A silly kiss that we should forget," dugtong pa niya.

"A kiss to forget," sang-ayon nito.

Nahinto sila sa parang tangang pagpapalitan ng mga salita. Their eyes met on the rearview mirror. Mar nakikita pa siyang apoy sa mga mata ni Devon, parang hindi pa nauubos iyon. Hindi pa naapula.

Pumalatak si Devon, tinapakan ang brake pedal ng sasakyan. Pagkatapos ay tumitig sa kanya, sensuwal ang bawat bagsak ng paghinga. Halatang naguguluhan din ito sa nangyayari, pero tila wala na itong pakialam. "It was a silly kiss. But I want to do it again," he said hoarsely.

"Me, too," pag-amin niya.

Iyon na lang ang hinihintay nito mula sa kanya. He kissed her once more. It was wilder this time. She even gently bit his lip. He was moaning so loud it gave her shivers. It started to rain outside. The rain was like music on her ears, leading her to kiss him more. Kapwa sila hinihingal nang maghiwalay ang mga labi nila. Ngunit hindi naghiwalay ang mga mata nila, nanatiling magkahinang ang mga iyon. It felt as if their eyes were making love.

The "silly kiss" happened again.

And again.

And again.

CHAPTER EIGHT

BASTY felt sickeningly guilty. Lalo pa nang pagkauwi niya ay may naabutan siyang nakadikit na note sa pinto ng bahay niya.

Natanggap ako sa trabahong in-apply-an 'ko. I think we should celebrate!

-Arthur

Nanlalambot na nagtungo siya sa kuwarto niya. Wala na siyang ganang kumain kaya nahiga na lang siya. Hindi siya makatulog, nakatitig lang siya sa kisame. Iniisip niya si Arthur. Bakit ba niya ito sinagot ito noong nanligaw ito? Hindi talaga tama na ginamit niya ito para mawala ang pangungulila niya kay Devon. He was a very nice man. She could not break his heart.

The Puppy Love That Lasted Forever (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon