Bago Mag Prom

3.1K 74 2
                                    


DUMATING na ang araw ng prom nina Basty. Umaga pa lang ay pino-problema na niya ang lahat ng mga kakailanganin niya sa pagdalo. Meron na naman siyang isususot, at pumayag na ang kapitbahay nilang bading na si Porsha na makeup-an siya. Ang problema na nga lang niya, paano siya makakapunta sa prom.

Kaya alas-diyes ng umaga ay papunta na siya sa covered court para hanapin si Devon. Wala silang pasok ngayon kaya alam niyang nakatambay lang doon ang lalaki. Kakapalan na niya ang mukha niya at hihilingin dito na sunduin siya nito.

Iginagala niya ang mga mata niya sa covered court nang mapansin niyang lumalapit si Arthur sa kanya.

"Basty!" enthusiastic na sabi nito.

Dumating si Arthur sa buhay nila noong seven years old sila, isang taon pagkatapos mangako ni Devon sa kanya. Payatot si Arthur noon, lampa, may makakapal na salamin dahil malabo ang mga mata. Lagi itong binu-bully sa school nila at siya ang nagtatanggol dito.

But now, Arthur had evolved.

Wala na itong salamin sa mata dahil naagapan na ang tuluyang panlalabo ng mata nito. Maganda na rin ang katawan nito, at nakikita niya iyon dahil wala itong suot na pang-itaas. Nakasabit sa balikat nito ang sando nito. May abs ito, malapad ang dibdib at balikat at pantay ang pagiging moreno. If Devon was the mestizo boy-next-door type, Arthur is the husky, sexy type.

"O, kumusta?" wika niya. "Panay ang basketball natin ah. Kaya nai-inlove si Porsha sa 'yo eh."

He laughed. "Hayaan mo siya. Tara, doon tayo sa bleachers."

Gusto sana siyang tumanggi pero baka ma-offend naman ito kaya sumama na lang siya. Habang papunta sa bleachers ay sinuot na ni Arthur ang sando nito. Umupo silang magkatabi sa lugar na bihira ang tao.

"Dadalo ka ba sa prom?" sabay nilang tanong sa isa't-isa, sabay din silang nagtawanan.

"Oo. Dadalo ako," nakangiting sagot nito. "Dumalo ka rin ha?"

"Wala na 'kong choice eh. Pinilit na ko ni Devon," sabi niya. "Nasa'n ba siya?"

"Ano, nandiyan lang 'yon kanina eh. Bumili siguro nang maiinom," may katamlayang sagot nito. Mayamaya ay bigla itong tumikhim. "May date ka na ba sa prom?"

Biglang nag-init ang mga pisngi niya. Naalala niya ang pagyaya ni Devon sa kanya. "Kasi—"

"Gusto sana kitang isayaw, Basty," sabi nito. Biglang umamo ang kadalasan ay matatapang na mga mata ni Arthur. "Kung puwede sana."

"Ah, ano..." Si Devon lang ang gusto niyang isayaw. Pero ayaw niyang saktan ang kaibigan. "Bakit naman hindi?"

Nagliwanag ang mukha ni Arthur.

"O, 'Ayan na pala si Devon," biglang sabi nito.

Her heart skipped a beat. Napatingin siya sa palapit sa kanilang si Devon, kunot ang noo habang nakatitig sa kanila. May dala itong plastic ng iced tubig. Hindi katulad ni Arthur, naka-T-shirt ito kapag nagba-basketball. At alam niya ang dahilan. Malakas kumain ito kaya wala itong abs.

Napangiti na lang siya. Para inisin ito ay tumitig kay Arthur, sabay titig dito. Mukhang na-gets naman nito ang pang-aasar niya dahil umasim ang mukha nito.

"Ba't ka narito, Basty?" bungad nito sa kanya.

"Masama bang narito ako?"

Bahagyang sinulyapan ni Devon si Arthur, sabay balik ng tingin sa kanya. "Bakit ka nga narito?"

"May sasabihin ako sa 'yo," sagot niya.

Mukhang sapat na ang kaalamang ito ang sadya niya sa court para mawala ang tila naasar na ekspresyon ng mukha nito. Napangiti na lang ito, patalon pang tumabi sa kanya. Tila naman naging cue na iyon ni Arthur na magpaalam. May tuturuan pa raw ito sa mga teammates nito na mag-dribble. Ihinatid niya ng tingin si Arthur habang naglalakad ito palayo sa kanila.

The Puppy Love That Lasted Forever (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon