Lahat ay Nagbabago

6.2K 122 18
                                    


2013, 2014, 2015, onwards...

NAGPUNTA na sa France si Melissa at naging mahusay na modelo doon. Hindi ito teleserye kaya hindi agad natagpuan ni Melissa ang lalaking magmamahal dito. Maybe because love really takes time.

Maraming naka-relasyon si Arthur nang makipaghiwalay rito si Basty. Nagrebelde siguro ito kay Kupido. Naging instant playboy ito. Tumagal din ng ilang buwan ang pagiging salawahan nito hanggang sa bigla na lang nitong aminin kay Basty na in-love na ulit ito. Hindi nga lang daw nito inaasahan na mai-inlove ito sa taong iyon. Nang itanong ni Basty kung sino ang bagong nagpatibok ng puso nito, hindi nito sinabi. Secret daw.

Samantala, officially engaged na sina Basty at Devon sa taong din iyon. Mabusisi ang pag-plano nila nang kasal nila kaya Disyembre pa ng 2014 nang maganap iyon. Meron silang mamahaling wedding ring ngunit ang isinusuot nila ay iyong mga pekeng singsing galing sa sitsirya.

Marami na nga talagang nagbago. At siguradong marami pang magbabago sa mga susunod na taon. Pero hindi kasama sa mga pagbabagong iyon ang damdamin nina Basty at Devon.

Because their love would surely last forever.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Puppy Love That Lasted Forever (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon