Chapter Twelve

103K 4.7K 996
                                        

Para kay Mayora

Elias Manuel's

"Sir, we found her."

I wasn't surprised when Christian told me that. Kasalukuyan akong nag-e-empake at naghahanda sa pag-alis ko ng CLPH. I need to know what happened to Andeng. I told Christian to look for her. Tiningnan ko siya. May iniabot siya sa aking puting folder. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang litrato ni Andeng. Sa likod noon ay iyong information tungkol sa kanya.

"Take the bag. We're leaving."

"Hindi po ba tayo magpapaalam kay Miss Ireen?"

"I'll just text her. Nasaan si Andeng?" I asked him.

"Dinala po siya sa Varess Medical City kaninang umaga, Sir. Wala akong makalap na information tungkol sa sakit niya. Naka-enclosed po iyon."


"Sa tingin mo ba may sakit siya?" Napuno ng pag-aalala ang puso ko. "Do you think it's severe?"

"That information is not yet confirmed."

"Alright. We're leaving."

Magkasabay kaming lumabas ng suite na iyon pero pinauna ko siyang maglakad. Nakapamulsa ako habang naglalakad. I was thinking about Andeng. Last night, she had an episode. I was so scared. Her mouth was bleeding last night, pagkatapos noon ay para bang hinang – hina siya. I wanted to put my arms around her pero hindi pwede. Inis na inis ako dahil ang daming hindi pwede.

Sumakay na ako sa kotse at tahimik na binasa ang information na ibinigay sa akin ni Christian.

Andeng and her siblings grew up in Hawaii. She graduated on top of her class. A straight A student. I smiled. Why am I not surprised? Lahat ng information tungkol sa kanya ay naroon – kahit pa iyong mga lalaking naka-date niya noon.

She had three long time boyfriends. Lahat foreigner. May mangilan – ngilan siyang flings. Nakikita ko iyong mukha nila. Naiinis ako. Iyong recent ex ni Andeng, si Polo Sons ay iniharap ko iyong litrato kay Christian.

"Find this guy, make his life hell. Make sure he'll know what hit him." Inis na sabi ko. Pinagtatapon ko iyong litrato ng mga iyon sa labas ng bintana. Itinira ko lang iyong kay Andeng. Sa picture ay nakatayo siya habang ngiting – ngiti. Hindi ko alam kung saan iyon, siguro sa Hawaii. Palaging maganda ang kanyang mga ngiti.

Sana makita ko pa iyon. Sana makatanggap pa ako ng ngiti mula sa kanya.

At two in the afternoon, we arrived in Varess Medical City. Christian and I were looking for her. Ayaw nilang ibigay ang room number ni Andeng sa amin, hindi daw kasi kami kamag-anak. At kahit ilang beses kong sabihin na ako ng boyfriend – na totoo naman, ay wala silang pakialam.

Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Naiinis lang ako. I can't do anything for her. I want to to everything for her!

"Fuck!" I hissed. Pinagtitinginan ako ng mga tao pero wala akong pakialam. Sa bandang kaliwa ko ay namataan ko ang kapatid ni Andeng. Iyong babae. She was holding an ice cream cone. Papasok siya sa elevator pero sinundan ko siya at bago pa siya makapasok ay hinawakan ko siya sa braso. Mabilis syiyang gumalaw, pagharap niya sa akin ay idinikit niya sa mukha ko iyong ice cream na kinakain niya.

"Oooh! Oh! Sorry!" She said. "Akala ko masamang tao ka! Jusko po, Mr. Orejon. I'm sorry." Nagso-sorry siya pera tawang – tawa siya. I looked at her.


"Cassiopea Consunji."

"Yep."

"Come with me." I grabbed her arm.

TreacherousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon