Chapter Seventeen

92.4K 4.5K 737
                                        

So near

Elias Manuel's

"She left."

Iyon ang bungad sa akin ni Christian pagkasakay ko ng Hummer.

"Pinaalis daw po siya ni Avo. Inihatid daw po siya ni Elias Martin sa bahay nila."

"I'll talk to her now. Let's go to their home."

Agad na sumunod si Christian sa akin. I was only quietly sitting at the back seat. Masarap sa pakiramdam na nginitian ako ni Andromeda kanina. Sobrang gaan sa pakiramdam.

Inihinto ni Christian ang kotse sa tapat ng bahay ng mga Consunji. Hinanap ko si Ireen at sinabi naman nilang nandirito daw kaya agad akong pinapasok. Pinaupo ako ng maids sa living area. Mataman akong naghintay roon. I was looking around, mayamaya ay may napansin akong batang babaeng nakatingin lang din sa akin.

Matagal siyang nakikipagtitigan tapos noong hindi na makatiis ay nilapitan na niya ako.

"Sino ka? Anong pangalan mo? Bakit ka nandito? May work ka na ba? Kasi iyong Papa ko may work na din siya. Abogado siya kaya kung may idedemanda ka, sabihin mo kasi iyong papa ko lawyer ng poor na people. Pinagtatanggol niya iyong mga naapi, tapos masarap siyang magluto ng French fries – tapos, alam mo ba?" Naupo siya sa tabi ko. "Sa sobrang sarap ng fries ni Papa, inaagaw iyon sa akin ni Kulotksi. Panay niya akong inaaway, sinasabihan niya ako ng madaldal eh hindi naman ako madaldal! Hindi naman kasi totoo iyon?! Alam mo ba na totoo palang girl si Winnie the pooh?! Na-shock ako, Kuya kasi---"

"Luna." Narinig ko si Ireen. "Akyat ka muna sa Mommy mo."


"Okay, Tita." Ngumiti siya.

"Mamaya tutuloy ko iyong kwento ko tungkol sa Papa ko na tagapagtanggol ng mga naaapi!"


"Sorry. Sobrang daldal ng pamangkin ko." Naupo siya sa tabi ko at agad na hinawakan ang kamay ko. "Can we talk now?"

"I came her to make things right." I said. "I'm so sorry, Ireen." Wika ko sa kanya. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "It was wrong to do that to you. I'm so sorry. Nadamay ka lang. Kasalanan ko."

"Hindi ka pwedeng umayaw. May nangyari sa atin kagabi!" Sigaw niya.

"Walang nangyari sa atin! I was too drunk to even take a bath! I was too broken hearted because Andromeda couldn't remember me at kung sakaling may ulirat pa ako noon, I assure you that nothing will happen because I am only Andromeda. She is my light."

Sinampal niya ako. I deserve that. Puno ng luha ang kanyang mga mata. Alam kong nasasaktan siya ngayon pero mas okay na rin ito kaysa naman, patagalin ko pa. Hahararapin ko lahat ng ginawa ko noon. Hindi pwedeng mawala sa akin ang pagkakataong makasama ko ang babaeng mahal ko. Ayokong maging malungkot habambuhay. Muli niya akong sinampal. Hinayaan ko siya.

"Akin ka eh! Akin ka!" Iyak siya nang iyak. "Ginawa mo na ito sa Singapore! Hindi mo lang tinuloy and you did it again last night! Panagutan mo ako!" Nag-iiyak na siya. Hindi ko siya maintindihan. Sabi mo sa akin noon, you'll wait for the right time! And that was last night! You took it from me tapos sasabihin mo ngayon na mali ito?! That you're sorry?! Paano naman ako! Paano ako?!"

"Hindi kita maintindihan, Ireen. What happened in Singapore?"


"H'wag kang sinungaling!" Humagulgol siyang parang bata. "H'wag kang sinungaling! Ang kapal – kapal ng mukha mo." Iyak siya nang iyak. Pilit kong iniisip kung anong sinasabi niya sa akin pero hindi ko siya maintindihan. She broke down and cried like a little girl. Hinayaan ko siya. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Ang alam ko lang mas mabutig masaktan na siya ngayon, kaysa ang patagalin pa ito.

TreacherousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon