Chapter Eleven

96.7K 4K 786
                                        

Too much

Andromeda's

I opened my eyes and I only have on thought that morning. I have to leave. I need to catch my flight back to Hawaii. I took a bath first and got dressed. Aalis ako. Alas syete pa lang naman ng umaga. Sure akong tulog pa ang buong pamilya ko. They were never supposed to find out. Hindi nila dapat maramdaman iyong nararamdaman nila ngayon kasi hindi pwede. Ayoko silang masaktan.

I took my bag and went to the door. Natigilan ako dahil paghawak ko sa door knob ay nakalock iyon.

"Fuck!" I hissed. Hinampas ko iyong pinto. Ang daya! Why do they have to lock me up? Nakakainis! Kung hindi ako makakalabas ng pinto sa bintana ako dadaan. Yvo Jorge thinks he can outsmart me, he's very wrong. Napangisi ako nang mabuksan ko iyon. Una kong inilaglag iyong bag ko tapos ay ako naman ang lumabas roon. Mababa lang naman ang tatalunan ko.

I used to do that all the time when I was a teenager. Tumalon ako.

Yes! Makakatakas na ako. I started running. I looked back to see the cabin for the last time but my eyes widened when I saw Orion running after me.

"Get the hell back here!" Sigaw niya. Si Victoria ay nakatayo sa may porch at nakahawak sa dibdib niya. Hindi ako huminto. Tumakbo ako nang mas mabilis pero mabilis rin si Orion. Hindi naglipat ang sandali ay nahakawan na siya sa braso ko. "Bumalik ka roon!"

"Ayoko nga!" Sigaw ko sa kanya. Inapakan ko ang paa niya pero sinapwat niya ako sa may baywang at pilit na binabalik sa bahay. Kinagat ko siya sa balikat kaya nabitiwan niya ako. Sukat ba naman na hinatak niya ako sa buhok kaya pagharap ko sa kanya ay hinampas ko siya ng bag ko sa mukha.

"Andromeda!"

"Orion!"


We both hissed at each other. Sa inis ko ay tumalon pa ako para lang sabunutan siya. Gumulong kami sa damuhan. Inis na inis ako sa kanya. Bakit ba ayaw nila akong hayaan na lang?! Patuloy ko siyang sinasabunutan pero napansin kong hindi na siya lumalaban. He's just there looking at me.


"Sabunutan mo pa ako. Mas gusto ko iyon basta nandito ka, kaysa iyong malayo ka at hindi ko alam kung anong mangyayari sa'yo." Wika niya sa akin. Umalis naman ako sa pagkakadagan ko sa kanya.

"Just let me leave..."

"I won't. You told me you wanted me to be happy, Ands. How can I do that if I know that you're sick?"

I wiped my tears. "Hindi mo naman dapat malaman. Nakakainis ka." Sinapak ko siya. Nahiga ako sa tabi niya at saka humilig sa dibdib niya. Hiyang – hiya ako sa pamilya ko.

"Orion, Andy..." It was Mommy's voice that stopped me from crying. Orion helped me stand up. "Someone's here to see you, Ands." I saw a black car behind and from there, Ninong Ido emerged. Ngiting – ngiti siya sa akin.

"Kamusta na, inaanak kong maganda?"

I looked at mom. Hinatak niya si Orion paalis. Kinuha rin nila ang bag ko. Wala akong nagawa kundi ang sumama kay Ninong. Sumakay kami sa kotse niya. Si Oliver ang driver niya kasama rin nila si Atlas. Inihatid kami ni Oliver sa restaurant ni Ino kung saan naupo kami ni Ninong sa tables malapit roon sa sunflower garden ni Cielo.

"Ninong." Nagwika ako pagkatapos naming mag-order. He looked at me. "Diba you said that if I want to leave the country tutulungan mo ako, mas malayo, mas maganda." I said. Siya na lang iyong naisip kong pag-asa ko.

"Oo naman, anak." He smiled. My eyes widened.

"Talaga?!"

"Oo, pero hindi sa sitwasyong ito."

TreacherousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon