ALTHEA'S POV
Nandito ako sa loob ng bus na sasakyan namin papuntang baguio kasama ko ngayon si kath na walang ginawa kundi ang dumaldal pero wala naman akong maintindihan dahil iniisip ko parin yung panaginip ko, nakakapagtaka namn kasi bat nasali si Sir. Crisxian dun diba? Pero bat ganon naguguluhan talaga ako iniisip ko kung sino ba si athena at kung bakit tinatawag akong athena ni Sir. Crisxian, kahit na ba panaginip yun ehh parang ang lakas talaga ng epekto sakin ng panaginip na yun, lalo na yung h-hinalikan ako ni Sir. Crisxian sa panaginip ko na yun. Pero malakas ang kutob ko na hindi talaga panaginip yun, alam kong napaka-imposible pero arghh!!!nababaliw na talaga ako.
" hoy bess mukha kang tanga dyan na iiling-iling." natatawang sabi ng katabi ko, kanina pa yan dada ng dada pero diko pinapansin dahil puro si Sir. Crisxian lang ang mukhang bibig niyan.
" Tsk, matutulog muna ako." walang ganang sabi ko tsaka pinikit ang mga mata ko, wala kasi akong masyadong tulog dahil sa kakaisip sa panaginip na yun, ng magising ako ng madaling-araw di na talaga ako makatulog kaya heto ako ngayon inaantok.
"gisingin mona lang ako pag nandon na tayo."nakapikit na sabi ko.
" OO gigisingin nalang kita, tsaka matutulog din namn ako." sabi nito.
" matutulog ka? pano moko magigising kung pareho tayong tulog." sabi ko dito.
" Kasi po di naman po ako tulad mo na tulog mantika." natatawang sabi nito, natawa din ako dahil totoo namn talaga yun, muli kong...
THIRD PERSON
Nasa office ng dean ang binata at hinahanap ang Bio-data ng dalagang nag-ngangalang althea, agad niya namang nakita ang picture nito sa isang folder, agad niya itong binuklat at binasa lahat ng information tungkol sa dalaga.
Name: Althea Montero
Age: 18yrs old
Sex: Female
Address: 2087******St.*****
Name of Parents: ************, ************
Napabuntong hininga siya sa nabasa dahil mukhang totoo talagang hindi yun si athena, tumayo na siya at lumabas ng Dean Office. Pumunta na siya sa Parking Lot kung saan naka park ang sasakyan niya. Agad siyang sumakay at nagmaneho papuntang baguio dahil kasama siya sa Camping na magaganap.
' athena what happen to you, iisa lang ba talaga kayo? '
ALTHEA'S POV
Nagising ako dahil may tumatapik sa aking pisngi, dumilat ako at bumungad sakin ang naiinis na mukha ni kath.
" hayy salamat gising kana, kanina pa kita ginigising pero walang talab." inis na sabi niya, natawa namn ako sa itsura nito. Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong kami nalang pala ang tao sa loob.
" bilisan mo dyan napag-iwanan na tayo." sabi nito at tumayo na at lumabas ng bus, agad ko namn kinuha ang mga gamit ko at sumunod sakanya sa paglabas. Paglabas ko ay namangha ako sa magandang tanawin, sariwa din ang hangin kaya ang sarap magrelax. Nakita ko namang nag-aayos na ang mga tao ng kanya-kanya nilang tent na tutulugan nila mamaya, dahil nasa bandang gubat kami pero hindi naman gaanong masukal kaya hindi nakakatakot pag-stayan.
Kinuha ko namn sa Bag ko ng Tent na pinahiram sakin ni Kath at sinimulan nading ayusin, nakita kong ganon din namn ang ginawa ni kath kaya nagpatuloy na ako. After a minutes natapos din kami, pumasok ako sa loob at natuwa ako dahil malaki ang tent kaya di ako masisikipan, lumabas muli ako at sinilip yung kay kath, parehas lang pala ang tent namin pero magka-iba ng kulay.
" kyahhh!! tamang-tama lang ang bili ko." natutuwang sabi nito, malaki naman talaga yung tent yung tipong pwede ka ng tumayo dahil mataas din. May bintana din pero pwede din namang takpan kung gusto ko, Kulay Black yung akin kay Kath namn ay kulay pink kaya agaw pansin ang kulay nito siya lang kasi ang kulay pink.
" Thank you pala sa Tent ahh." sabi ko dito, dahil siya ang bumili ng tent na gamit ko, may kamahalan kasi ang mga tent mapaliit man o mapalaki mahal parin, di parin kaya ng budget ko.
" ok lang yun, sige na mag-ayos na tayo ng gamit sa loob." sabi niya at muling pumasok sa loob ng Tent niya, ganon din ang ginawa ko, inayos ko na ang mga gamit ko sa loob at muling lumabas dahil may activity daw kaming gagawin.
" ok students ito ang activiting gagawin niyo, sa bawat puno ay may nakatusok na mga flag at color coding yun may kanya-kanya kayong hahanapin na flag ok listen, blah blah blah Kath Salvacion color green na flag ang hahanapin mo, Althea Montero kulay red na flag naman ang hahanapin mo, may nakatatak na Letter sa bawat flag na hahanapin niyo. Sa bawat flag ay makakabuo kayo ng pangalan ng lugar o bagay at paramihan kayo ng makukuha but wag kayong lalagpas sa line na ginawa namin dahil maaari kayong maligaw, may tali kaming nilagay na nakapalupot sa bawat puno para maging harang at para alam niyo kung hanggang saan lang kayo pwedeng maghanap ng flags. Kung babalik naman kayo dito ay may mga signs naman na arrow para di rin kayo maligaw pabalik, ok nagkakaintindihan ba tayo." sabi ng teacher namin, sumigaw namn kami ng ' YESS!!' bilang pagsang-ayon.
" you have 1hour to find those flags, and remember wag kayong lalagpas sa harang." dagdag pa nito.
" hoy bess mag-ingat ka ahh tanga ka pa namn." sabi ko kay kath.
" oo mag-iingat ako grabe ka sakin ahh, ingat ka din." sabi niya sakin, nagsimula na kaming maghanap at maghiwa-hiwalay. Natuwa ako ng makahap agad ako ng isang flag na may nakalagay na letter T , nagpatuloy lang ako sa paghahanap minuto ang lumipas ay may nakita ulit akong flag na may Letter H, mukhang ako ata ang unang makakatapos ahh.
THIRD PERSON
Habang naghahanap ang dalaga ay may nag-putol ng mga tali na nagsisilbing harang nila upang hindi sila makalayo o mapunta sa masukal na parte ng gubat. Matagumpay niyang natanggal ang harang at saktong doon papunta ang dalaga para maghanap. Nang makalagpas na siya ay napansin niyang ilang minuto nalang bago matapos ang isang oras na binigay sakanila sa paghahanap ng flags.
" siguro namn ay ok na 'tong nakolekta ko." sabi ng dalaga habang naglalakad, may anim na flags na siyang nakolekta na may letrang T,H,N,E,A,A di niya pa ito nabubuo sa isang pangalan dahil abala siya sa paghahanap ng signs pabalik sa campsite nila. Sa kabilang banda ay lahat ng istudyante ay maagang nakabalik dahil tapos na silang mangolekta ng mg Flags nila, kumunot ang noo ni kath ng hindi niya makita ang kaibigan sa mga nakabalik na mga estudyante, pero sinawalang bahala niya dahil inisip niya na baka hindi pa tapos maghanap ito dahil meron pa namang natitira na 30mins. bago matapos ang oras ng paghahanap.
" nasan na ba ang daan pabalik." inis na sabi ni althea dahil hanggang ngayon ay hindi niya mahanap ang mga palatandaan pabalik sa campsite nila. Pero patuloy parin siya sa paghahanap ng daan pabalik.
BINABASA MO ANG
The Vampire King's Love
VampireMay isang lalaki na madalas makita ni Althea sa mga panaginip niya. Isang lalaking kahit kailan ay hindi niya pa nakikita o nakakausap. Bawat panaginip niya ay malabo ang imahe nito ngunit naririnig niya ang boses nitong nagmamakaawa sakanya na wa...