CHAPTER 33

464 14 0
                                    

CRISXIAN'S POV

Nandito ako sa loon ng kwarto ni Athena, nakaupo ako sa gilid ng kanyang kama at pinagmamasdan siyang matulog. Magkamukhang-magkamukha talaga sila ni Althea, kahit sa'ng anggulo tignan ay magkapareha sila kung meron man silang pagkaka-iba ay yun ang pagiging bampira ni Athena at pagiging tao naman kay Althea.

Hinawakan ko ang malamig niyang kamay. Kahit buhay siya malamig pa rin ang pangangatawan niya, hindi bumalik ang init niya. Ang noong masayahing mukha niya ay nawala at naging blangko, ang mga mata niyang laging nababakasan ng kaligayahan ay ngayon lungkot at paghihirap na ang makikita. Maraming nagbago sakanya simula ng mabuhay siya at hindi ko gusto ang pagbabagong iyon.

Huminga ako ng malalim at binitawan ang malamig niyang kamay. Inayos ko ang kumot sakanyang katawan at hinalikan siya sa noo bago iwan. Tumawag ako ng maaring magbantay sa labas ng kwarto niya bago umalis.


THIRD PERSON

Napatayo ang lahat sa kinauupuan nila ng lumabas ang Doctor na nag-asikaso kay Althea at lumapit sakanila.

" Sino ang relatives ng pasyente?" tanong ng doctor sakanila, walang nakasagot pero agad ding nagsalita si Angel.

" Kami po, Doc." anito at hinawakan ang braso ng ina.

" So hindi maganda ang lagay ng pasyente kailangan niyang masalinan ng dugo dahil maraming dugo ang nawala sakanya dahil sa aksidente." sabi ng doctor sakanila. 

Nagkatinginan sila dahil alam nilang wala ni isa sakanila ang kamag-anak ni Althea at ang malala ay baka wala itong ka-match na blood type sakanila.

" Ano pong blood type niya?" tanong ni Kath.

" AB." sagot nito.

 Namayani ang katahimikan at nagkatingin sila dahil walang sumasagot na ka-match nito. Nag-iwas ng tingin ang apat na bampira dahil hindi sila pwedeng mag-donate ng dugo dahil lalong mapapahamak si Althea kung mag-dodonate sila.

" Well? Sino ang ka-match niya sainyo na pwedeng mag-donate ng dugo?" putol ng doctor sa katahimikang bumalot sakanila.

" Doc, wala po e. HIndi po ba magagawan ng paraan." agad na sabi ni Cristine na namamawis na sa kaba.

" Magagawan naman natin pero madadag-dagan ang hospital bill niyo." nakahinga sila ng maluwag dahil sa sinambit nito.

" Sige po Doc, magbabayad kami kahit na magkano." sabi ni Kath na nakahinga ng maluwag.

" Ok then, tawagin ko nalang kayo kung maaari na kayong pumasok." sabi nito at muling pumasok sa kwarto ni Althea.

Muli silang umupo sa waiting area at naghintay para papasukin sila ng doctor.

ANGEL'S POV

Ilang oras pa kaming naghintay sa labas bago muling lumabas ang doctor.

" Iliipat na namin siya sa kwarto, she's fine now. We just need to wait until she wakes up. Ilang araw din siyang mako-confine dahil oobserbahan pa namin siya. Masyadong malalim ang saksak niya kaya maaaring duguin ulit siya sa konting maling galaw niya." sabi nito saamin.

" Ilipat niyo siya sa isang room na magiging komportable siya." biglang sabi ni Jake.

" Ok, ililipat na namin siya sa isang kwarto at pwede niyo na siyang puntahan." sabi nito at umalis. Nakita naming inilabas na si Althea sa ICU, medyo maputla pa rin ang mukha niya pero hindi katulad kanina.

Agad namin silang sinundan, hanggang sa makapasok sila sa kwarto at mailapag si Althea sa kama ay nakasunod kami. Nang makalabas ang mga nurse ay agad kaming nagsilapitan kay Althea. Namumutla pa rin talaga siya. Maraming swero ang nakakabikit sakanya, ang isa ay yun ang nakakonekta sa pack ng dugo na sumasalin sa katawan niya. Nagbitbit si Kath ng upuan at inilapag yun sa tabi ni Althea at dun umupo. Kami naman ay dun umupo sa sofa na nasa loob ng kwarto.

" Bibili ako ng makakain, madaling araw na pala." sabi ni Jake.

" Ay! Oo nga 'no. Hindi ko na namalayan yung oras, ito kasing babaeng 'to pinag-aalala tayo masyado." ramdam ko ang lungkot sa boses niya ngunit pabiro ang tono ng pananalita niya.

" Tyler! Nalulungkot ako, yakapin mo'ko!" sa kakulitan nito ay natawa ako ng bahagya at mukhang hindi lang ako, maging ang iba pa.

" Ang kulit mo talaga 'no! Nanganganib na buhay ng kaibigan mo pero ang harot mo pa rin." inis na sabi ni Tyler.

Napatingin kaming lahat sakanila dahil ang kaninang maingay ay tumahimik. Tumahimik si Kath at muli nalang bumalik sa upuan niya kanina at hindi na nagsalita pa.

Ang kaninang pilit nitong ngiti ay nawala at ngayon ay mababakasan na ng lungkot. 

" Ang sungit mo! Pinaglihi ka ba sa sama ng loob?" biro ni Kath pero halata sa boses niya ang nginig na parang maiiyak.

Agad akong lumapit sakanya at hinawakan siya sa balikat.

" Okay ka lang?" para kasing nawala yung kakulitan niya dahil sa sinabi ni Tyler.

" Oo." maikling sagot nito ng hindi tumutingin saakin.

Napabuntong hininga nalang ako at lumayo sakanya at tumabi kila nanay. Rinig kong sinesermunan nila si Tyler dahil sa ugaling ipinakita nito kay Kath.

" Ang sama talaga ng ugali mo!" singhal sakanya ni Cristine.

"Oo na, kasalanan ko na." nakita kong tumayo ito at lumabas.

" Tsk..tsk..hayaan niyo muna." rinig kong sabi ng kuya ni Cristine.

" Isusumbong ko siya kay King!" inis paring sabi ni Cristine.

" Wag na kayong mag-away, baka magising niyo si Que--Althea." sabi ni Jake at pinapatahimik ang dalawa.

"So anong gusto niyong kainin? Bibili na ako, nalilipasan na kayo masyado ng gutom." muling sabi ni Jake.

" Kahit ano saakin." tamad na sagot ni Kath.

" Kami din kahit ano nalang." aniko at nginitian ito.

" Sige aalis na muna ako." paalam nito at lumabas na.

Namayani ang katahimikan saamin ng may biglang pumasok na nurse. May dala itong mga unan at kumot.

" Excuse me, nanghingi kasi yung kaibigan niyo ng kumot at unan kasi matutulog daw ang iba dito." sabi nito habang inaayos ang mga dala nito.

" Salamat po." aniko at nginitian ito.

Nang lumabas ito  ay namayani muli ang katahimikan saamin. Agad akong tumayo at inayos ang mga kumot at unan na dala ng nurse kanina. Malaki ang dalawang sofa na nandito ang dalawa namang sofa ay single sofa lang. 

" Nay, matulog na po kayo. Masama po sainyo ang magpuyat." sabi ko kay nanay.

" Pagkakain ko nalang anak." sagot nito.

" Sige po, pero pagkatapos ay matulog na kayo ah." muling sabi ko at inayos naman ang isa pang sofa.

Maya-maya ay dumating na rin si Jake dala ang mga pagkaing pinamili. Take-out na pagkain lang ang dala nito galing ata sa isang restaurant.

Nagsimula na agad kaming kumain para na rin makatulog na dahil alas tres na ng madaling araw.

" Nasan na si Tyler?" biglang tanong ni Kath ng matapos itong kumain.

" Nasa labas lang yun." sagot sakanya ni Jake.

" Bakit nakita mo?" tanong sakanya muli ni Kath.

" Hindi." sagot nitong muli.

Nang matapos kaming kumain ay kanya-kanya kaming balik sa pwesto namin. Si nanay ay nahiga na, ako naman ay naka-upo sa single sofa at ang magkapatid naman ay nasa mahabang sofa kasama si Kath.

Hindi ko na namalayan ngunit nakatulugan ko na ang pagtingin sa kisame.


*******************

Enjoy reading!!

Comment ang vote!








The Vampire King's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon