CHAPTER 30

434 15 0
                                    

ALTHEA'S POV

Nagising ako dahil may nararamdaman akong humahaplos sa pisngi ko. Unti-unti kong dinilat ang mata ko at di inaasahang mukha ang nakita ko. Tinitigan ko ito maigi dahil baka nag iilusiyon lang ako. Bahagya ko ring kinurot ang tagiliran ko para masigurong hindi ako nanaginip at totoong nandito siya sa harap ko.

Hindi ko alam pero kesa tuwa ang maramdaman ko ay sakit ang naramdaman ko. Oo masaya ako pero mas lamang ang sakit na nararamdaman ko.

" Althea." sambit nito sa pangalan ko habang hinahaplos ang pisngi ko.

Hindi ko alam kung bakit nagsitulo ang mga luha ko. Umiiyak lang ako habang nakatingin sakanya at tinitignan kung siya ba talaga yun.

" I'm sorry, I'm sorry, Althea." paulit-ulit itong humihingi ng tawad sa harap ko habang hinahalikan na ang likod ng palad ko.

" Masaya ka ba kasama ang asawa mo?" wala sa sariling tanong ko habang patuloy na lumuluha.

" Sinaktan kaba niya ah, alam mo bang lumaban ako kay kamatayan para sayo, para iligtas ka." umiiyak na sabi ko.

" I'm sorry, patawarin mo'ko." nasaktan ako ng magsimula na itong umiyak.

" Akala ko patay kana dahil narinig kong tumigil ang pagtibok ng puso mo---"

" ------kaya hindi mo na ako hinanap kasi akala mo patay na 'ko?" pagputol ko sa sasabihin niya.

" I'm sorry nafocus ang buong atensiyon ko kay Athena kaya nakalimutan kita."

Parang may kung anong kirot ang naramdaman sa puso ko.

' Nakalimutan niya ako, hindi ako ganon kahalaga sakanya kaya nakalimutan niya ako ng ilang buwan.'

Pagak akong natawa tsaka pinunasan ang luha ko at ngumiti sakanya para maitago ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

" Kamusta naman kayo ng asawa mo? Masaya na ba kayo? Wala ba siyang ginagawang masama sayo?" sunod-sunod na tanong ko sakanya.

" Wala." sagot nito kaya naman binawi ko ang kamay ko na hawak niya tsaka tumayo.

" Good to hear, akala ko sinaktan ka niya. Hindi na 'ko mag-aalala pa. Pero please mag-iingat ka pa rin sakanya dahil kontrolado siya ng iba." sabi ko.

" I know. Sinabi niya sakin yun kahapon, umiiyak siya at gusto niyang patayin ko siya dahil napapagod na raw siya. But no, I can't do that, hindi ko siya kayang patayin, I-I Love her."

" I know asawa mo yun eh. Sinabi ko na sayong hindi ako ang asawa mo." pero pinasok mo parin ang sarili mo sa buhay ko " Alam mo hindi naman totoo ang reincarnation, na kapag namatay ang isang tao ay mabubuhay ulit sa ibang katawan. Pag namatay na patay na hindi na nabubuhay. Kaya iba ako sakanya at hinding-hindi ako magiging siya." gusto ko siyang sigawan pero pinigilan ko at pabirong sinabi ang mga salitang iyon.

Kung hindi niya pinasok ang buhay ko sana hindi ako nasasaktan ng ganito sana hindi ko siya minamahal ng ganito.

" Althea."

" Bakit ka nga pala nandito?" pag-iiba ko.

" Nandito ako para sayo." sabi nito.

The Vampire King's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon