CHAPTER 17

448 19 0
                                    


THIRD PERSON

Habang nagkakatuwaan ang lima ay may dalawang pares ng mata na nakamasid sakanila, napangisi ito dahil may naisip siyang plano kung paano makakagante sa kinasusuklaman niya.

' be ready to my revenge KING crisxian.'

ALTHEA POV

Nandito kami ngayon sa office ni Crisxian. Kasalukuyan kaming kumakain dito dahil ayaw niya akong kumain dun sa cafeteria atsaka gusto niya daw akong kasabay.

" Hmm guys may ipapakilala pala ako sa inyo bukas." nakangiting sabi ko sakanila, gusto kong makilala nila si Kath at tamang tama dahil papasok siya bukas.

" Sino naman." sabi naman ni jake habang ngumunguya.

" Bestfriend ko." naka ngiting sabi ko dito.

" babae o lalaki?" tanong niya muli.

" babae." sagot ko dito.

" maganda o pang--"

" Don't talk when your mouth is full." malamig na sabi ni tyler. Hindi na ito muling nagsalita at nagpatuloy sa pagkain. Katahimikan ang bumalot samin ng basagin ko ulit yun.

" Hmm.. saan ang Cr dito?" tanong ko sakanila. Agad namang tinuro ni Crisxian ang isang pinto kaya agad akong lumakad papunta dito.

Pagbukas ko ay agad akong pumasok sa loob at muling sinarado ang pinto.

Pagkatapos kong mag banyo ay lalabas na sana ako ng hindi ko mabuksan ang pinto. Sisigaw na sana ako ng...... BLACKOUT

**************

THIRD PERSON

Habang kumakain sila ay agad napatigil si Crisxian dahil naramdaman niya muli ang kakaibang inerhiya na naramdaman niya noon.

" Sh*t." mahinang mura nito.

" Did you feel it too? King?" tanong ng apat dahil naramdaman din nila ang kakaibang inerhiya.

" Arrghh!! si queeen." biglang sabi ni cristine at nagmamadaling tumungo sa Cr kung saan nagpunta si althea kanina.

" King wala si Queen dito." natatarantang sabi nito. Agad napasabunot ng buhok si crisxian dahil sa sobrang galit.

' just don't you dare to hurt my queen or else im going to kill anyone who's hurting her'

********************

ALTHEA POV

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar tatayo na sana ako ng matagpuan kong nakakadena ang dalawang paa at kamay ko. Humarap ako sa gilid ko pero napatili ako ng makakita ako ng isang bangkay na naaagnas na. Tumulo ang mga luha ko dahil sa takot nagsisisigaw ako at nagbabakasakaling may tutulong sakin pero isang tawa lang ang aking narinig.

" HAHA so you are the reincarnation of Athena Vaughn the WIFE of Crisxian Vaughn." Sabi nito na ikinadurog ng puso ko. May asawa na pala siya at hindi ko manlang alam, scratch that hindi ko manlang alam, kaya pala nung nakita ko siya na inakala kong panaginip ay tinawag niya akong athena na asawa niya.

" no im not her reincarnation, baka kamukha kolang siya." sigaw ko dito.

" then let see." sabi nito, unti unti akong nakarinig ng tunog ng sapatos na papalapit sa pwesto ko.

Nangmakalapit siya sa pwesto ko ay nanlaki ang mata ko, siya yung babae na nakamaskara na nakita ko noon nung nagcamp kami.

May pinahid siya na kung ano sa katawan ko at halos masuka ako sa kakaibang amoy nito.

" arghhh!! S-stop d-doing that." nahihirapang sabi ko dito dahil pakiramdam ko ay parang nawawala ang lakas ko.

( ang ibang lengguwahe ay tanging gawa gawa lamang ni author)

" gheva dila veņa supra athena rheza ãğahm althea." pagkasabi niya ng mga katagang yan ay namilipit ako sa sakit na nararamdaman ko.

" ahh t-tama na." Pakiramdam ko ay parang may kung anong lumalabas sa katawan ko kasabay ng unti unting panlalabo ng paningin ko.

" Şapra crisxian patrum xelaro nai athena ghuma ixdi huma althea!!!" naririnig kong sigaw niya, naramdaman kong hiniwa niya ang palad ko kaya napa ngiwi ako sa sakit, di ako makasigaw dahil wala nakong lakas para gawin yun.

Hindi ko alam pero parang narinig ko ang boses ni crisxian na tinawag ang pangalan na athena kasabay nun ang pagpatak ng huling luha ko bago ako lamunin ng dilim.

The Vampire King's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon