CHAPTER 26

394 16 0
                                    

ALTHEA'S POV


Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko kaya agad na rin akong tumayo at naligo. Ito pala ang araw na papasok ako ulit kaya agad-agad kong sinuot ang uniform ko at tinignan ang kabuuan ko sa full length mirror dito sa loob ng kwarto ko.

' I miss this......'

Napangiti ako at tsaka lumabas ng kwarto. Pababa palang ako ng may maamoy akong niluluto kaya agad kumalam ang sikmura ko....

Nang makarating ako sa kusina ay bumungad sakin sila angel at nanay angelica na nagtutulong sa pagluluto.

" Magandang umaga nay angelica, magandang umaga din sayo angel." nakangiting bati ko sakanila kaya napalingon sila sa banda ko.

" magandang umaga din sayo hija / magandang umaga din althea." sabay nilang bati kaya natawa ako.

" ano pong niluluto nito at mukhang masarap?" nakangiting tanong ko habang papalapit sakanila.

" nako hija sinangag ko lang yung kanin at nagluto lang ako ng itlog at tuyo na dinoblehan ko ng itlog na maalat na may kamatis." bigla tuloy akong natakam lalo ng sabihin ni nay angelica yun.

" ang sarap naman po niyan, salamat sa pagluluto nanay." diko maalis sa labi ko ang ngiti dahil iba talaga pag may nanay sa bahay, hindi ko man siya ina pero parang tunay na ina naman ang tingin ko sakanya.

" hahaha mas masarap sa tenga ang pagtawag mo saking nanay kesa sa nay angelica masyadong mahaba." natatawang sabi nito.

" ikaw angel nakalimutan ko ilang taon kana pala?"

" 20 na ko." sagot niya.

" wow 20? parang 17 kalang dahil masyadong mukhang bata ang mukha mo." naatawang sabi ko. " kung ganon 18 palang ako at ikaw ay 20 dapat pala kitang tawaging ate." nakangiting sabi ko.

" hahaha oo dapat talaga ate ang tawag mo sakin dahil mas matanda ako sayo." natatawang sabi nito.

" O siya tara na't kumain na tayo--teka nasan pala yung kaibigan mo?"  tanong ni nanay.

" ahh baka pababa na din po yun." sabi ko at ilang sandali lang ay nakarinig kami ng yabag na pababa ng hagdan.


" GOODMORNING!!!" malakas na bati nito samin kaya natawa ako......kahit kailan talaga ang ingay ng bunganga hahaha

" magandang umaga din sa nak." nakangiting sabi ni nanay.

" wow! you called me 'nak'." di makapaniwalang sabi ni kath kaya lalo akong natawa.....alam kong wala ng nanay si kath sa pagkakaalam ko ay hindi niya manlang ito nakita dahil sanggol palamang siya ng iwan siya nito.

" oh bakit ayaw mo ba??" natatawang tanong ni nanay.

" no i love it ahhaha so i should call you mommy nalang."sabi nito at niyakap si nanay.

" and you." sabi nito habang nag-iisip ng itatawag kay angel.

" ate ang itawag mo sakanya bess mas matanda satin yan." nataawang sabi ko.

" For real? bat mukhang mas bata ka pa kay althea? hahaha nako tignan mo na althea tumatanda kana kaya maghanap kana ng boyfriend mo para alam mo yung feeling na may lalaking nagmamahal sayo." biro pa nito na ikinatigil ko.

Biglang sumagi si Crisxian sa isip ko ng mabanggit niya ang salitang ' lalaking magmamahal sayo'...........bigla tuloy napawi ang ngiti sa mga labi ko arghhh!!! stop thinking of him althea...

" oh bat natahimik ka??" nanunudyong tanong sakin ni kath kaya napaiwas ako ng tingin.

" tsk ang daldal mo kasi at gusto ko ng kumain kaya lang diko magawa dahil dada ka ng dada." kunwaring inis na sabi ko dito.

" oh tara na let's eat nagugutom na raw ang reyna." natatawang sabi nito.

Napairap nalang ako at nagsiupo na kami sakanya-kanya naming upuan, nagdasal muna kami bago kumain at si angel ang naglead pagkatapos ay agad na rin kaming kumain dahil baka malate pa kami ni kath.


" BYE nanay, bye din ate. " nakangiting paalam ko, ang sarap pala sa pakiramdam na may tinatawag kang 'nanay' at 'ate'.

" byebye mommy and my beautiful ate." natatawang paalam din ni kath.

" oh siya mag-ingat kayo ah, pagbutihin ang pag-aaral." sabi ni nanay at isa-isa kaming hinalikan sa noo ganon din si angel hinalikan niya kami sa pisngi. 

" ang sweet niyo naman." parang na tatouch pang sabi ni kath at kunwaring may pinupunasang luha sa mata niya kaya nagtawanan kami.


NASA tapat kami ngayon ng gate ng V.U, namiss ko'to kaya exited akong pumasok sa loob.

" oh althea mukhang ngayon lang kita nakita ulit." sabi ni Mang Jose ang guard dito sa school.

" nako mahabang kwento po, pero hindi na po ako aabsent baka bumagsak pa po ako." biro ko dito.

" sige na pumasok na kayo baka malate pa kayo, mag-aral kayong mabuti." sabi nito, nginitian lang namin siya at tsaka tumango bago pumasok.

Pagpasok namin ay nasa akin agad ang atensiyon nila ang iba ay pinagbubulungan pa ako at talagang rinig na rinig ko pa...psh


"is that althea buti pumasok pa siya."

"more than two months siyang nawala."

"oh she's back."


"nako tara na wag mo ng pansinin yang mga yan." sabi ni kath at hinila ako papuntang classrom.

Pagkarating namin ay agad kaming dumeretso sa mga upuan namin.

Ilang minuto ay dumating narin ang Lec. namin. Tinignan niya ang kabuuan ng klase hanggang sa mapatingin siya sakin.


" oh Ms. Montero are you ok now, balita ko ay nawala ka daw.....where have you been?" tanong nito.

" Sir. I think you should talk on private." sabat naman ni Kath.

" ok go to my office after your class." sabi nito at nagsimula ng magturo, napansin kong wala sila jake dito.

' Nasan kaya sila??'





****************

Short update muna......Thank you sa pagbabasa ng story ko at paghihintay ng update, slow update po talaga ako kaya sana makapaghintay kayo....


LOVELOTS

ENJOY READIING!!!



The Vampire King's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon