ALTHEA'S POV
Natapos ang buong klase at wala kong nakita ni'anino nila Jake kaya napabuntong hininga nalang ako.
' kailangan kong silang balaan. Baka kung ano nang masasamang bagay ang ginagawa ng Athena na yun kay Crisxian at hindi ko kakayaning mapahamak siya.'
Kaya kung maaari kailangan kong makita sila jake dahil hindi ko alam kung paano makakapunta sa lugar nila crisxian.
" Kath mauna na ako dadaan pa ako sa office ni Sir." sabi ko dito kaya agad naman ako nitong nilingon.
" Anong mauna na ako? sasamahan kita! Halika na nga." inis na sabi nito at hinatak ako papalabas ng classroom. Nang nasa tapat na kami ng office ni Sir ay agad akong bumitaw sakanya.
" Sige antayin mo nalang ako dito." nakangiting sabi ko at dali-daling kumatok at pumasok sa loob.
Pagpasok ko ay agad akong tumungo at umupo sa isang upuan.
" So Ms. Montero I just want to say na malaki ang ibinaba ng grades mo sa lahat ng subjects at bilang adviser mo ako na ang kumausap sa iba mo pang teachers para bigyan ka ng special projects para makabawi ka dahil kung hindi ay baka hindi ka makapasa at bumagsak. Sayang isang taon mo kung mangyayari yun at baka matanggal din ang scholar mo. Naiintindihan ko naman ang nangyari sayo kaya tumulong narin ako para makabawi ka." paliwanag nito na ikinangiti ko ng sobra.
" nako Sir maraming salamat po, malaking tulong po sakin ang ginawa niyo." nakangiting sabi ko dito.
NANG matapos ang pag-uusap naming yun ay agad akong lumabas ng office niya. Naabutan kong nakasandal sa pader si kath kaya agad ko itong nilapitan.
" Bess tara na." masayang sabi ko dito.
" So tungkol saan ang pinag usapan niyo?"
" Binigyan lang ako ni Sir ng special projects para sa lahat ng subject na napabayaan ko ng mawala ko." kwento ko dito habang naglalakad kami.
" Buti naman kung ganon. Tutulungan nalang kita diyan para mapabilis ang pagpapasa mo." sabi nito na ikinangiti ko ng sobra.
" Thank you HAHA sa totoo lang ay sobrang dami nun kaya buti nalang nagprisinta ka." natatawang sabi ko.
NANDITO na kami ngayon sa loob ng bahay at kasalukuyan akong tinitilungan ni kath sa pag-gawa ng project sa science. May 15 days pa naman ako para gawin pero dahil nga para maagang matapos ay sinimulan nanamin kanina pagkauwi namin ng bahay. Si Angel naman ay gusto ding tumulong kaya pumayag din ako, nagtutulong sila ni kath sa pag-gawa ng explosionbox na naglalaman ng mga pictures about sa science. Ako naman ay gumagawa ng report para sa English about What is love for me. Hindi ko alam bat ganyan ang binigay na project sakin sa english. Hindi naman araw ng mga puso ngayon kaya bakit ganyan ang tanong pinapagawa niya. Hirap tuloy ako. Pero ano nga ba ang love? Ano ba yan! Wala akong maisip na sagot.
" huy bat parang hirap na hirap ka diyan." sabi ni kath na nasa tabi ko na pala.
" Paano kasi, ano bang klaseng tanong 'to seriously ito ang irereport ko sa harap ng klase about love." inis na sabi ko.
" ang dali-dali lang niyan, palibasa kasi wala ka pang boyfriend kaya hindi mo pa nararamdaman yung word na ' love '. natatawang sabi nito kaya napasimangot ako.
Nagmahal na ako pero hindi ko alam kung sino sa aming dalawa ang mahal niya.
Ofcourse yung asawa niya! Asawa niya yun eh.
Pero hindi ko hahayaang saktan siya ng babaeng yun, yung pagmamahal niya na yun ang ikakapahamak niya.
" althea nakikinig kaba!?" nabalik ako sa realidad dahil sa sigaw ni Kath kaya napalingon ako sa gawi niya.
" Ano ba yung sinasabi mo." sabi ko.
" Ang sabi ko wag mo munang gawin yan may 15 days ka panaman yung iba muna yung gawin mo para hindi ka mastock dyan." sabi nito.
Napabuntong hinininga nalang ako at gumawa nalang ng iba.
THIRD PERSON
Sa kaharian sa mundo ng mga bampira ay gumagawa ng plano sila Jake para makalabas ng mundo nila at makapunta sa mundo ng mga tao.
Hindi sila makaka-alis hanggat walang permiso ng hari, kung wala ang permiso ni Crisxian.
" Kailangan nating gawin 'to." sabi ni Cristine.
" Pero baka maparusan tayo mag nalaman niya ang totoong dahilan kung bakit tayo pupunta sa mundo ng mga tao." sabi naman ni Jake.
" Hindi ako sasama dyan." sabi naman ni Tyler kaya napatingin silang lahat dito.
" Ano ba yan! Sumama kana." pamimilit ni Cristine dito.
" oo nga pre." pagkukumbinsi rin ni Carl.
" Para naman 'to kay Queen na pinabayaan lang ni King." nakangusong sabi ni Jake.
" Please sige na sumama kana Tyler." pilit ni Cristine dito.
Napabuntong hininga naman ang binata dahil hindi niya matatanggihan ang mga ito dahil alam niyang hindi siya tatantan ng mga 'to.
" yes thank you!!" sabi ni Cristine at niyakap siya ng mahigpit.
" So kailan ang alis." sabi naman nito.
" bukas na at ako na ang gagawa ng dahilan." sabi ni Cristine.
SAKABILANG banda ay nag-gagalak si Vanessa dahil lahat ay umaayon sa plano niya. Napapaikot niya na sa mga kamay niya si Crisxian at may mas masamang plano pa siya.
" HAHAHA parehas lang silang masasaktan sa susunod kong gagawin." tumatawa siya ng malademnyo sa kanyang lugar kung saan puro masasamang bampira ang pinamununuan niya.
" just wait husband and the Victory will be in my hands." sabi nito sa hangin.
Isang butil ng luha ang tumulo sa mata niya ng maalala niya ang nangyari sa asawa niya.
" Malapit ko nang makuha ang hustisiya sa pagkamatay mo at sisiguraduhin kong parehas silang mamamatay ng minamahal niyang mortal."
Tinignan niya ang kwintas niyang suot kung saan naka lagay ang buhay ni athena.
' Hanggat nasa akin 'to ay hawak ko sa leeg ang babaeng mahal niya at sisiguraduhin kong mamamatay siya sa kamay mismo ng babaeng minahal niya.'
**************
Enjoy the short update :-(
Sorry kung natagalan
Enjoy reading!
Comment and vote
BINABASA MO ANG
The Vampire King's Love
WampiryMay isang lalaki na madalas makita ni Althea sa mga panaginip niya. Isang lalaking kahit kailan ay hindi niya pa nakikita o nakakausap. Bawat panaginip niya ay malabo ang imahe nito ngunit naririnig niya ang boses nitong nagmamakaawa sakanya na wa...