Chapter 4

1.3K 29 0
                                    



I ran out to the elevator at niyakap si Klein ng napakahigpit.

"Ilayo mo ako dito please," bulong ko sa kan'ya.

"Clinton please, 'wag mo na guluhin si Brezette kasi kung guguluhin mo pa s'ya ako na talaga makakalaban mo." Banta ni Klein sa kan'ya habang hinahagod ang likuran ko.

"Handa akong kalabanin ang sino man makuha ko lang ulit si Bezette! Bumalik lang s'ya sa akin!" Pagmamatigas nito.

"I won't allow you," maikling sagot ni Klein.

"Hindi ko din hahayaanna sa 'yo lang s'ya mapunta," sagot ulit nito.

Bigla n'yang sinugod si Clinton at sinapak ang mukha, hindi naman nagpatinag si Clinton at bumawi rin ng suntok. I can see blood on Klein's lips, doon na ako umawat sa kanila. Sobra nilang lakas kaya lagi akong natutulak, niyakap ko si Klein alam ko kasing galit na galit na s'ya.

"Klein stop," umiiyak na awat ko sa kan'ya.

Naramdaman ko naman na medyo kumakalma na s'ya at binaba na ang kamao n'ya. Nilingon ko si Clinton. I can see pain in his eyes o baka nag-aassume na naman ako.

"Clinton ano ba talaga ang rason kung ba't ka nandito sa company?" Tanong ko dito.

"Trabaho, hindi ko alam na nandito ka Bre but I'm so glad na magiging katrabaho kita." Sagot naman nito.

"Trabaho? Then mag focus ka sa trabaho! Hindi 'yong ako ang kinukulit mo, nananahimik na ako dito Clinton tapos manggugulo ka na naman. Sobra na, tama na 'yong dati at hindi mo na 'yon maibabalik pa!"

"No, I know mahal mo pa ako. This time Bre babawi talaga ako, sobra akong nagsisi na hindi man lang kita nabigyan ng pansin dati. Hayaan mo akong bumawi ngayon Bre, second chance." Pagmamakaawa nito.

"Clinton nakikita mo ba 'yang sarili mo ngayon? This is not you, hindi mo ugaling magmakaawa lalong-lalo na kapag pagmamahal ang pinag-uusapan." pagpapaalala ko sa kan'ya.

"Clinton enough, hindi ka na mahal ni Brezette." Singit ni Klein.

"Hindi ako naniniwalang hindi mo na ako mahal Brezetten, hinding-hindi lalo na kung hindi galing sa 'yo mismo." Pagmamatigas nito.

I stepped closer to him and look to his eyes.

"Clinton, hindi na kita mahal. Hindi mo pa rin marinig? Hindi na kita mahal!" sigaw ko dito sabay tumalikod na.

"You heard it clearly," saad nI Klein at sumunod na sa akin.

Niloloko ko na naman 'yong sarili ko, pero mas mabuti na 'to. Ngayon n'ya pa nakita ang halaga ko kung kailan lumipas na ang maraming taon.

"Brezette" tawag ni Klein.

Tumigil ako at hinarap s'ya. Nilapitan n'ya ako at pinunasan ang luha ko gamit ang panyo n'ya at inayos ang make-up ko na nagkalat.

"Remember this scene?" biglaang saad nito habang pinupunasan ang mukha ko. Alam ko na 'yong una naming pagkikita ang tinutukoy n'ya.

Tumango na lang ako bilang sagot.

"Hindi ako mapapagod na pahiran ang luha mo sa t'wing umiiyak ka, hanggang sa makita ko ulit ang masasaya mong ngiti." Mahinang sambit nito.

I'm so happy na nakilala ko ang isang Klein na katulad n'ya.

"Ba't ka nga pala nandito Kuya?" pagiiba ko sa usapan.

"I brought coffee for you, bukas pa talaga 'yong duty ko. Bababa na sana ako kaya nasa harap ako ng elevator tapos 'yon naabutan ko kayo." paliwanag nito.

"Buti nga dumating ka e," sagot ko naman.

Pagkabukas na pagkabukas ko sa pintuan nang office ko pareho kaming nagulat ni Klein sa sumalubong sa amin...

"Good---"

Hindi nila natuloy ang sasabihin nila nang makita nila akong kasama si Klein, pareho yata kaming nagulat.

"Klein anong ginawa mo kay Bre?" panguusisa ni Venz.
"Ba't mo s'ya pinaiyak Klein?" tanong ni Carlo.
"Klein naman," reklamo ni Dan.

Nakakatuwa talaga 'tong mga mokong na 'to.

"Inosente ako, sapakin ko kayo d'yan e." pagtatanggol ni Klein sa sarili n'ya.

"Kung gano'n sino nagpaiyak sa prinsesa namin?" baling ni Carlo ng tanong sa akin.

"Si Clinton," biglang sagot ni Klein.

Baliw 'to, sabihin daw ba.

"Si Clinton, 'yong bago?" sabay na sagot nila. Nagmukha tuloy silang triplets.

"Tara! Ambangan natin 'yon akala n'ya ha, kabago-bago sinasaktan si Bre!" Aya ni Dan at lalabas na sana.

"Hep! Hep! Hep! 'wag na, lalaki lang ang issue." awat ko sa kanila.

"No!" pilit ni Venz.

Pinandilatan ko lang sila nang mata, 'yon susunod naman pala.

"Guys please, 'wag n'yo na 'to sabihin sa iba atin-atin ang 'to ah?" Bilin ko sa kanila.

Sumang-ayon naman sila sa sinabi ko, buti na din.

"Pumunta nga pala kami dito kasi may sasabihin kami sa 'yo, actually naguunahan kami e." saad ni Venz.

"Ano 'yon?' tanong ko.

Napakunot ang noo ko nang nagaagawan sila kung sino ang unang magsasalita.

"Para kayong bata, ano ba kasi 'yon?" awat sa kanila ni Klein.

"asdfhhjl"

"Ano?" Hindi ko talaga sila maintindihan kasi pinipigilan nila ang isa't-isa na magsalita.

"asdfghjkl"

"Bahala na nga kayo d'yan," saad ko tiyaka lumabasa muna.

"Papahangin lang ako Kuya," paalam ko kay Klein.

After what happened, I badly need fresh air. I need time. I need to exhale all the pain and negative vibes. I deserve peace after all.  

--

please leave vote and comment! Thanks. <3

Man from Before (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon