Chapter 17

687 15 0
                                    


  Ayaw bumaba ni Brezette kinaumagahan sa buffet, medyo matamlay pa rin siya at ako na mismo nag-alok sa kan'ya na dalhan siya ng pagkain at mabuti na lang pumayag ito. Si Jyce naman, maaga yatang lumabas kasi wala na siya nang magising kami. Dali-dali ko namang tinungo ang buffet at nakasalubong sila Klein.

"Ikaw lang?" Takang tanong nito.
"Yeah, ayaw niya bumaba e. Dadalhan ko na lang siya ng agahan doon." Sagot ko naman.
"Kamusta na siya?" Nagaalalang tanong nito.
"Okay na, kaya lang matamlay pa rin e." Sagot ko.
"Puwede ko ba siya makausap?" Tanong nito.
"Huwag na muna ngayon Klein, give her time." Saad ko sabay nagpaalam na.

Hindi ako puwede magtagal dito baka kasi nagugutom na si Bre. Agad naman akong kumuha ng pagkain at kinain ito, sa taas na lang siguro ako magkakape para masabayan ko si Bre.

Alam ko na 'di 'yon kakain kaya Bread, Bacon and Coffee na lang ang dinala ko para sa kaniya. Mabuti na lang at pumayag ang staff ng buffet na magdala ng pagkain sa room.

"Here's your breakfast!" Masiglang saad ko at nilapag ang basket na dala sa mesa.

"Bre, you need to eat." Saad ko rito sabay tinabihan siya.

"Wala akong gana Clinton e," matamlay na saad nito.

"Hmm, ayaw mo ba ng kape? Kung gano'n itatapon ko na lang 'yon." Kunware kong saad sabay tatayo na sana nang hawakan nito ang braso ko.

"Coffee?" Saad nito na may kislap sa mata.

Pag kape talaga, noon pa lang pareho na naming paborito ang kape ni Bre and good to know na hindi siya nagbago.

Sabay naming ininom ang kape sa may veranda ng hotel habang hinahayaan na dumampi ang sikat ng araw sa aming nga balat.

"Gusto mo mag swimming?" Alok ko rito sabay sumimsim sa kape ko.

"Gusto mo?" Balik nito ng tanong sa akin.

Tumango lang ako sabay ngiti.

"Nasa kuwarto namin ang pangligo ko e, paano ba 'yan?" Saad nito.

"Gusto mo ako na lang kumuha?" Alok ko rito.

Napaisip naman ito sa suhestiyon ko, "sige ba! Pakikuha na rin ng nga damit at suitcase ko na nandoon ah? Salamat." Sagot nito.

So she'll gonna spend her night with me later? At least, magkakaroon ako ng chance mamaya na makasama siyang manoud ng fireworks display.

"Brezette," tawag ko rito.
Tumingin lang ito sa akin at naghihintay ng sasabihin ko.

"Be my date tonight?" Nahihiyang tanong ko rito.

"I would love it," saad nito sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at lumapit sa kan'ya sabay dampi ng labi ko sa noo niya.

"You really look so pretty, kapag nakangiti ka." Bulong ko rito matapos ko dampian ang noo niya.

Bigla namang pumula ang pisngi nito sa sinabi ko. May naisip akong ideya, I grab my phone and play her favorite music.

"Will you dance with me?" Alok ko sa kan'ya.

Walang paligoy-ligoy na tumayo ito at niyakap ako. Tinugon ko ito at sinabayan ang beat ng tugtog. Ang saya ko talaga na pagkatapos ng mahabang panahon e, nasa bisig ko na ulit ang babaeng pinakamamahal ko.

"Clinton, I miss you so much." Saad nito.

"Miss na miss din kita, Bre." Sagot ko sabay hinahagod ang buhok niya.

"Alam mo bang ang saya ko kasi hindi na imposible ang ikaw at ako?" Saad nito sabay naramdaman ang pagngiti niya.

"Oo naman, hindi ko na hahayaang maramdaman mong hindi ka kamahal-mahal okay? Mahal na mahal kita Bre, pasensiya na kung huli ko ng narealize." Saad ko habang sinasabayan pa rin ang musikang tumutugtog.

"Salamat Clinton," sagot nito.

Iniharap ko siya sa akin sabay dahan-dahang nilapit ang labi ko sa mga labi niya.

"I love you so much Brezette Qiano," saad ko sabay siniil ng halik ang mapupulang labi nito.

Mas pinalalim ko pa ang halikan namin nang maramdaman kong tinutugon niya ang halik ko. Hinapit ko ang bewang niya at masayang-masaya na hinahalikan siya.

Pareho kaming nakapikit habang ninanamnam ang sarap ng aming halikan. Pinulupot nito ang mga braso niya sa leeg ko. I can hear her sweet moans now, ang ganda-ganda talaga ni Brezette.

Pareho kaming nakangiti nang tinapos namin ang aming halikan. Wala pang official na desisyon si Brezette, pero alam ko na bibigyan niya talaga ako ng chance this time.

Nagpaalam na muna ako sa kan'ya na kunin ang mga gamit niya ss kuwarto nila.

Kinatok ko muna ito, at mabuti na lang at nandito sila.

"Bre!" Saad ni Klein, akala niya siguro na si Brezette.

"Pasensiya na," saad nito sabay yuko.

"Klein, puwede mo ba ako tulungan?" Saad ko rito.

"Kung kaya ko, ano ba 'yon?" Saad naan nito.

"Ituro mo sa akin ang mga gamit ni Bre pagi suitcase niya, inutusan niya kasi akong kunin ang mga gamit niya dito e." Sagot ko naman.

"What? Baka siguro nilalason mo utak niya kaya ayaw niya bumalik dito!" Biglang sigaw ni Venz at lumapit sa pinto.

"You know I can't do that, kayo nga may kasalanan kaya ayaw bumalik ni Bre dito e." Sigaw ko pabalik dito.

"Tama na nga 'yan, hayaan niyo na muna si Bre. Klein, tulungan mo siya." Saad naman ni Dan kaya pareho na kaming
Kumalma.

Tahimik lang naming inaayos ang mga gamit ni Bre at nagpaalam na ako sa kanila na aalis na. Nang makarating na ako sa kuwarto namin, agad namang nagbihis si Bre ng panligo. Medyo natagalan siya sa banyo, sigurado ako ang sexy na naman ng suot nito.

Maya-maya pa, lumabas na ang babaeng naka two piece. Damn, bakit ang hot niya?

"Okay lang ba?" Saad nito sabay umikot.
"Ang hot," saad ko.

Kinindatan lang ako nito at inayos na ang hinubad niyang damit kanina.

"Magbihis ka na rin," saad nito.

"Kumpleto na ba 'yan lahat Bre?" Tanong ko rito. Inaayos niya kasi ang suitcase niya.

"Oo, salamat ha?" Saad nito sabay patuloy na nag-aayos.

"I won't let anyone take you from me Bre. No one." Saad ng isip ko.

Mabilis naman akong nagbihis at inayos ang mga gamit ko.

"Let's get wet!" Tuwang-tuwa na saad ni Bre at biglang namula nang marealize ang sinabi niya.

Napatawa na lang ako sa reaksiyon nito, "you want to get wet?" Mapanudyong saad ko rito.

"W-wet by the pool, I mean." Saad nito sabay napakamot sa batok.

"Tara na nga!" Natatawang saad ko sabay hinawakan ang kamay nito. hhww.

Nakarating na kami sa pool at agad naman itong sumisid. Hindi talaga maiwasan ng ibang lalaki na mpatingin kay Bre. Aside sa ang sexy nito, ang ganda-ganda pa ng kurba ng katawan niya.

Napakunot ang noo ko nang makitang papalapit si Klein kay Bre. Agad naman akong lumapit sa gilid nila.

"Bre, let's talk." Saad ni Klein habang pinagmamasdan si Bre na nakalutang sa pool.

"Bre naman,"pilit nito.

Biglang sumisid si Klein papalapit kay Bre kaya napaayos ng posisyon si Bre.

"Bre, let me explain." Pilit ulit ni Klein.

Akmang tatalikod na si Bre mang bigla niya itong yakapin patalikod at binaon ang mukha sa braso ni Bre.

Naikuyom ko na lang ang mga kamay ko sa selos. Inis na inis ko naman tinitigan si Klein na nakayakap pa rin kay Brezette.

"Huwag naman sana umabot sa ganito oh, please listen to me." Malungkot na saad nito.

I found my self walking away from the pool area.

"Clinton!" Rinig kong tawag ni Bre sa akin.  

Man from Before (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon