Chapter 29

549 10 0
                                    


(Typo, ain't edited:)


  "Baka umiinom lang din kaya nandito," sagot naman ni Venz.
"Sabagay," saad ni Carlo.
"Anong ganap at may paganito kayo?" Saad ko bago nilagok ang beer na hawak ko.
Nagkatinginan naman sila, nagtuturuan kung sinong unang sasagot. Napakamot an lang ako sa ulo ko, para talagang mga bata.
"Ikaw na mauna Dan, total naman ikaw nag-aya." Saad ko rito.
"Ano kasi, wala naman. Masaya lang ako kasi may nakakapagpasaya na sa akin ngayon, si Mycca." Nahihiya pa nitong saad.
Napangiti naman ako ng bahagya sa sinabi nito, "saan kayo nagkakilala?" takang tanong ko rito.
"Doon sa Siargao, taga Manila din pala sila at nagbakasyon lang doon." Sagot nito.
Tumango na lang ako bilang sagot at bumaling kay Venz, "How about you parang masaya ka rin e." Saad ko rito.
"Just like Dan, I also met mine. She's Vivian, sa Siargao ko rin nakilala. Actually magkaibigan lang sila ni Mycca." Saad nito sabay kamot sa batok nito.
Napailing na lang ako sa mga nangyayari sa mga kaibigan ko.
"Don't tell me?" Saad ko kay Carlp.
"Yes, pero sa coffee shop ko siya nakilala. She's Jheciel." Sagot naman nito.
"Wow naman, edi kayo na in loved." Umiiling-iling na saad ko, actually I'm really happy for them. Mabuti na 'yong ganito, na kahit alam ko na gusto nila si Brezette e never nila itong pinursue ayaw nilang manligaw dito kasi mas gusto nila ito maging kaibigan. No one dare us to confess our feelings toward her, masyado siyang mahalaga sa amin.
"Napatulala ka diyan?" Basag ni Venz sa katahimikan ko.
"Baka malungkot kasi hindi masaya ang buhay pag-ibig niya." Kutya naman ni Dan sa akin.
Napangisi na lang ako sa sinabi nito, "I'm happy okay? Kuntento na akong makita siyang masaya at maalagaan okay na ako do'n." Sagot ko naman sa kanila.
"Cheers for our love life!" Masayang saad ni Carlo sabay itinaas ang bote.
"Cheers!" Saad namin at masayang nilagok ang kanya-kanyang beer na hawak namin.
Nakaklimang bucket na kami, sa dalawang dagdag e si Carlo daw magbabayad ako naman sa pulutan. Nag-order ulit kami ng panghuling bucket at itinagay ito, masaya lang kaming nagkukuwentuhan, nagbibiruan at naglolokohan.
Maya-maya pa biglang nagkaroon ng kumosyon sa may counter, nakita namin na pinalilibutan si Clinton ng tatlong lalaki. Nasa trouble yata ang mokong na 'to e.
"Ano, tulungan ba natin?" tanong ni Venz.
"Mahigpit na pinagbabawal ni Bre na makipag-away tayo." Sagot ko naman.
"Alangan namang pabayaan natin siya 'di ba?" Saad naman ni Dan.
Nauna ng tumayo si Carlo tapos si Venz, Dan at ako. Naramdaman ko ang mga matang napalingon sa amin nang papalapit kami sa puwesto ni Clinton.
"Anong problema natin dito?" Maangas na saad ni Venz sa mga lalaking nakapalibot kay Clinton.
"Pare ipa-ubaya mo na 'to sa amin, wala kaming magawa e." Sagot naman ng maskuladong lalaki.
"Aba hindi 'yon p'wede, kaibigan namin 'yan e." Saad naman ni Dan.
"Kasamahan n'yo pala 'to? Aba'y!" Saad nito at umamba na ng suntok kay Dan. Agad ko namang sinipa ang kamay nito tiyaka mukha, anong akala niya sa amin? Hindi niya pa alam ma black belter ako sa taekwondo. Nagkakagulo na sa loob ng bar habang si Cllinton naman e, parang wala sa sariling nakatingin lang sa amin.
Naging madali lang ang eksenang 'yon, pormahan lang pala sila magagaling e walang mga binatbat. Binayaran ko na lang ang counter sa mga damage namin at hinila na ni Dan si Clinton palabas doon.
"Bakit hindi mo pinaglaban ang sarili mo, ha? Kung hindi ka lang mahal ng kaibigan namin baka pinabayaan ka na namin doo." Pangaral ni Venz sa kan'ya.
"Mahal?" Saad nito sabay ngumisi, "hindi niya nga ako magawang pakinggan e." saad nito sabay pumiyok na ang boses niya. "Alam niya bang sobra rin akong nasaktan nang hindi niya ako kayang pakinggan." Umiiyak na saad nitpo.
Lasing na nga talaga, tignan mo't umiiyak na.
"I told you Clinton, kailangan niya lang ng oras at panahon." Sabat ko rito.
"Hindi ko naman mahal si Jyce e, hinding-hindi 'yon mangyayare." Umiiyak na saad nito.
Umiling-iling na lang ako rito, palinga-linga ako sa paligid umaasang may coffee vendo para medyo mahimasmasan kami sa mga nainom namin. Ako 'yong medyo hindi natamaan ng alak kaya ako na lang ang bumili. Pinaupo ko muna sila sa likod ng sasakyan ko at doon sila pinaghintay. Nasa kabilang kanto lang ang vendo kaya lalakarin ko na lang.
Limang kape ang kinuha ko, medy mahirap dalhin pero buti na lang at medyo makapal ang recyclable cup. Dali-dali akong bumalik doon at binigay sa kanila ang mga kape, "dahan-dahan at medyo mainit" bilin ko sa kanila.
Tumango naman ang mga ito at sinimsim na ang mga kape nila, mayam-maya pa biglang nasira ang katahimikan nang biglang tumunog ang mga cellphone namin ng sabay maliban na lang kay Clinton.
Agad ko naman itong kinuha at binasa kung kanino galing ang mensahe.
"I know you guys are enjoying now, ayaw ko na kayong i-interrupt sa kasiyahan niyo so I just texted you to take care always and be happy. Gonna miss you all, see you next time!"
Napakunot ang aking noo sa mensaheng 'yon ni Bre, sigurado akong ito rin ang mga natanggap nila Venz. Maya-maya pa, tumunog ulit ito.
"The plane is about to leave, huwag niyo na isiping pigilan ako. We'll gonna leave in a minute, take care loves. Ingat kayo, sorry hindi ako nakapagpaalam ng maayos."
Doon na kami nagkatitigang apat, agad ko itong tinawagan pero cannot be reached na.
"Brezette, why?" Umiiyak na sigaw ni Venz.
"W-why, what happened?" Takang tanong ni Clinton nang bumalik na ito sa huwesyo.
"She's leaving, Klein may alam ka ba dito?" Saad naman ni Dan.
"No pero ang weird ng mga galaw niya kanina, pansin ko." Sagot ko naman.
Agad na hinila ni Clinton ang cellphone ko at binasa ang mensahe ni Bre, "this can't be!" umiiyak na saad nito. "Brezette!" Sigaw nito habang yakap-yakap ang cellphone ko.
Hindi ko na rin mapigiling maluha, halos umiiyak na rin kasi sila. Wala din kaming mga ideya kung saan siya pupunta. Hindi namin alam kung ano ang gagawin.
---  

Please leave vote and comment! :)

Man from Before (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon