Chapter 35

666 16 0
                                    

Sa sobrang busy ko ngayon ko pa naalala na wala pala sila Venz dito, binigyan muna nila kami ng oras para makapag-usap. Magkahawak-kamay naming nilakad ang dalampasigan at ninanamnam ang sariwa ng hangin.

"Clinton bakit nga pala wala sila Venz?" Pagsisimula ko sa usapan.

"Hindi kasi nila alam na nahanap kita, actually si Klein talaga ang una kong kinausap. Tiyaka sabi naman ni Klein masyado daw silang abala sa mga buhay pag-ibig nila." Paliwanag naman nito.

"Buhay pag-ibig? Ilang araw lang akong nawala may mga jowa na sila? Wow naman." Natatawang saad ko.

"Oo nga e," sagot naman nito.

"Oo nga pala, paano mo nalaman na nandito ako? Bukod sa kinuntsyaba mo sila Joanna. I'm sure bago mo sila natuntun may mga ginawa ka." Panghuhuli ko sa kan'ya.

"Secret na kung paano ko 'yon nagawa, basta para sa 'yo Bre gagawin ko lahat ng paraan. Sobrang saya ko kasi nalaman ko na nandito ka pala, good thing kasi nakahanap na ako ng tiyansa na makausap ka at makabawi." Saad naman nito nang iharap niya ako sa kan'ya.

"Masaya rin ako Clinton, hindi ko talaga inasahan 'to." Nakangiti ko namang saad habang inaayos niya ang buhok ko na dinadala ng hangin.

"You deserved this My love, matagal na pero ngayon ko pa nagawa." Nakangiti namang saad nito.

Napangiti na lang ako sa tinuran nito habang nakatingin sa mata niya.

"Gusto mo kantahan kita? The song really fits to you." Alok nito.

"Wow naman, nakakarami na ako ngayon ah. Pero sure, kantahan mo 'ko." Saad ko naman habang nakangiti.

Then he smiled and started to sing...

You're my peace of mind
In this crazy world.
You're everything I've tried to find
Your love is a pearl.

Napaawang ang bibig ko nang marinig ko ang mga lyrikong 'yon, isa sa mga paborito kong kanta.

You're my Mona Lisa
You're my rainbow skies

Ang sarap sa pakiramdam, napakatahimik at mapayapa ng lugar tapos kinakantahan ka ng taong mahal mo. 'Yong kahit anong lakas ng alon, anong lakas ng hampas ng hangin pero 'yong boses niya pa rin ang nangingibabaw.

And my only prayer is that you realize
You'll always be beautiful in my eyes.
The world will turn
And the seasons will change

'Yong pakiramdam na kada bigkas niya sa bawat salita ay parang inaalay niya talaga sa 'yo. Habang kumakanta siya e kitang-kita sa mga mata niya ang kasiyahan. Hindi rin maalis ang ngiti niya sa mga labi.

And all the lesson we will learn
Will be beautiful and strange.
We'll have our fill of tears


Hinahaplos-haplos pa nito ang pisngi ko sabay halik sa aking noo, kung puwede lang sana na huwag na matapos ang oras na 'to.

Our share of sighs.
And my only paryer is that you realize
You'll always be beautiful in my eyes.

You will always be beautiful in my eyes.
And the passing years will show
That you will always grow

Ever more beautiful in my eyes.
When there are lines upon my face
From a lifetime of smiles

Nilagay ko 'yong daliri ko sa labi ni Clinton sabay ngumiti...

When the time comes to embrace
For one long last wine
We can laugh about how time really flies
We won't say goodbye
'Cause true love never dies
You'll always be beautiful in my eyes...

Dugtong ko sa kanta niya na ikinangiti niya rin. Siya naman 'yong tumapos sa dalawa pang stanza.

You will always be beautiful in my eyes
And the passing is the show
That you will always grow
Ever more beautiful in my eyes

The passing is the show
That you will always grow
Ever more beautiful in my eyes...

Then he kissed me passionately, habang yakap-yakap ko siya. Wala naman gaanong tao doon kaya naman tinugon ko ang halik niya sabay pinulupot ang braso ko sa may batok niya and then he deeper the kiss.

Sabay kaming bumitaw sa isa't-isa nang mawalan na kami ng hangin sabay nakangiting tinignan ang isa't-isa.

"I love you Brezette Qiano." Nakangiting saad nito.

"Mahal na mahal din kita Clinton Eseguera." Saad ko naman dito.

Masaya naming nilibot ang lugar na 'yon at magdidilim na nang maisipan naming umupo sa buhangin na may katabing bonfire.

"Ano kaya magiging reaksyon nila Venz 'no kapag nalaman nilang nandito tayo, tapos hindi man lang natin sila sinama." Natatawang saad ko habang nakatingala sa mga bituin na nagkikinangan.

"Oo nga e, tiyak magtatampo 'yo. Kaya kung ako sa 'yo, dalhan mo na lang ng pasalubong." Sagot naman ni Clinton.

Tumayo ito bigla sa pagkakaupo tiyaka lumipat sa likuran ko sabay upo at niyakap ako patalikod, ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Hindi halatang miss na miss mo 'ko 'no?" Kantyaw ko rito.

"Sinusulit ko lang Bre, tiyaka oo naman miss na miss kaya kita." Sagot naman nito sabay lumabi.

Hinawakan ko lang ang kamay nitong nakayakap sa tiyan ko, sabay naming pinagmasdan ang tahimik na dagat at ang mga bituin sa itaas.

"Miss na miss din kita, akala ko talaga hindi mo na ako susuyuin e." Saad ko naman tiyaka yumuko.

"Puwede ba naman 'yon?" Saad naman nito.

"Sabi ko nga, hindi mo 'ko matitiis." Nakangiti ko namang saad.

Nagulat na lang kami nang biglang sumulpot si Kuya Klein...

"Bre, tumatawag sila Venz gusto ka raw nila maka-usap." saad ni Kuya.

Nagkatinginan muna kami ni Clinton pero sumenyas naman ito na sagutin ko.

"Venz..." Saad ko tiyaka ni-loud speak at inilayo sa tenga ko, alam ko kasing sisigaw 'to e.

"Brezette naman, bakit hindi niyo kami sinama ha?" Sigaw nito sa kabilang linya.

"Malay ko ba, magbabakasyon naman sana talaga ako e tapos biglang sumulpot sila Kuya dito tapos kasama pa si Clinton." Natatawang saad ko naman.

"Ang selfish niyo!" Sigaw naman ni Dan.

Nagtawanan na lang kaming tatlo sa mga reaksyon nila.

"Sorry na, next time labas tayo. Kasa mga babae niyo," saad naman ni Kuya Klein.

"Makababae naman 'to, sure basta ba libre mo lahat." Saad ni Carlo.

"Oh sure, kahit kunan pa kita ng private plane." Natatawang biro ni Kuya.

"Don't worry boys, dadalhan naman namin kayo ng pasalubong e." Saad ko sa kanila.

"Promise 'yan ah?" Paninigurado naman ni Venz.

"Yeah," sagot ko.

"Oo nga pero maiba tayo, ayaw ko sana kayo gambalain pero may masama akong balita..." Seryosong saad ni Dan.

Kapag talaga si Dan na, kinakabahan ako. Medyo seryoso kasi siya, kaya minsan siya pinapasalita nila kapag seryosong bagay.

"Huwag kayo magulat ah, hinga munang malalim." Saad nito.

Medyo kinakabahan na talaga ako sa sasabihin niya, nagkatinginan kaming tatlo.

"Spill it out Dan," saad ni Kuya.

"Ano kasi, si Jyce... She tried to kill herself..."

Bigla akong napapikit sa narinig ko...

"Masyado siyang na depressed, hindi niya kinaya ang sakit usap-usapan siya ngayon dito sa company." Mahinang saad ni Dan.

Bakit naman...

---

A/N: Please leave vote and comment guys. Thanks! :)

Man from Before (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon