I maneuvered the car, I'm suffocating my self here. Bumalik ako sa venue kung saan gaganapin sana ang pagsu-surpresa ko kay Clinton. Para na akong baliw dahil sobrang kalat na ng make-up ko kakaiyak.
"Ano ba kasing inaasahan mo Brezette? Ni hindi nga s'ya nagsabi sa 'yo na mahal ka n'ya, ang tanga mo at umasa ka!"
Ito'yong paulit-ulit kong binabanggit habang nagmamaneho pabalik.
Hindi maubos-ubos ang luha ko habang binabagtas ang pasilyo patungo sa gazebo. Sa isang iglap nawalan ng saysay ang ginawa ko, sino ba naman ako? Isang hamak na kaibigan lang na takbuhan n'ya kapag malungkot s'ya o kapag wala siyang magawa.
Clown. Ako 'yong dakilang clown n'ya na pinapatawa s'ya kapag malungkot s'ya, 'yong dakilang comforter n'ya. P'wede n'ya na ako gawing banyo kaka-comfort sa kan'ya.
Para akong tangang nagsisigaw habang sinisira ang mga dinisenyo ko sa lugar na 'yon, tinapon ang cake. Lahat na, sinira ko lahat. Lahat na p'wedeng magpaalala sa kan'ya sa 'kin.
Nabasag ang mga basong gagamitin pati mga pinggan.
"Brezette!"
Hagulgol. Iyak lang talaga ko ng iyak, namamaos na boses ko kakaiyak. Gusto ko ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Brezzet ano ba, What's wrong with you?"
Doon na ako natigilan nang may mga bisig na pumulupot sa akin.
It's Clinton.
"You're bleeding!" Pag-aalalang saad n'ya nang makita n'ya ang sugat sa kamay at braso ko.
"You care?" Sarkastikong tanong ko.
"Oo naman, what's wrong?" Malungkot na tanong n'ya ulit.
"Ayaw ko na Clinton, ayaw ko na!" Sigaw ko sa kanya habang umiiyak.
"Hindi kita maintindihan Bre, ano bang problema natin?" Maluha-luha n'yang tanong.
Ayaw ko talagang nakikita s'yang malungkot, lumalambot talaga 'yong puso ko.
"Do you love her?" Umiiyak na tanong ko.
"Huh?" Takang tanong nito.
"Wala, Oo nga pala happy birthday! You really enjoy your day, halata naman." Saad ko habang pinapahid ang luha ko at tinulak s'ya para tumayo.
"Surprise ko sana 'to, pero may nagsurprise na pala sa 'yo. Sobrang late ko na pala!" Umiiyak na saad ko sabay tawa.
Tawa at iyak ang ginawa ko, hindi ko na alam.
"You saw it?" Tanong n'ya.
"I was there, susunduin sana kita..."
"Hinintay kita promise!" Sagot nito.
"Too late" maikling sagot ko
Tumalikod na ako, "let's fix this please" habol nito sa akin sabay hawak sa kamay ko.
"Wala nang dapat i-fix," saad ko sabay tanggal sa kamay n'ya at alis.
"Brezette?"
"Hoy Brezette! Nakatulala ka na naman d'yan." Tawag ni Carlo sa atensiyon ko.
"Nand'yan ka pala, pasensya na may naalala lang." Natatawang sagot ko.
"Coffee?" Alok nito sa akin.
Tumango na lang ako sabay ngiti at inabot ang kape na dala n'ya na galing pa sa starbucks.
I'm working in a known company in our city, I'm the Finance Head of our department. I'm working here for almost 2 years, Carlo, Dan and Venz has a daily routine. Ewan ko ba kung anong trip nila at lagi akong may foods o snacks sa table ko every morning. Mga katrabaho ko sila na makukulit, trip yata nilang gumasto.
"May meeting nga pala tayo mamaya Bre," he said as he sips his coffee.
"Narinig ko nga e, bakit daw? Urgent 'yon ah." Takang tanong ko.
"May new hired daw sa Engineer department, madami silang hinired ngayon baka ipapakilala tayo sa kanila mamaya." Sagot naman nito.
Hindi ko nga pala nababanggit, I, Carlo, Dan and Venz are the heads of our departments.
"If that's the case, then fine." Saad ko sabay ngiting bahagya.
"Need to go now, enjoy your coffee!" Paalam nito sabay kindat.
Tinanguan ko na lang ito at tinuon na rin ang aking atensiyon sa computer na nasa harap ko.
Habang abala ako sa kakagawa ng report, hindi ko napansin na may box of donut na pala sa side table ko with a note. "Enjoy, huwag masyado magpastress!" -Dan.
Wow, it's almost twelve noon ang bilis naman yata ng oras. I ate 2 pieces of this donuts, and about to drink my water when...
"Buti na lang nakaabot pa ako! Here's some juice, pantulak sa kinain mo." Alok ni Venz sabay kindat.
"Grabe, salamat na rin!" Natatawang saad ko.
Hindi talaga ako nakakagasto ng malaki for snacks, dahil kasi sa tatlong 'to solve na.
"Calling all the attention of all heads of the departments please proceed to the meeting place now."
"Sabay na lang tayo?" Alok ko kay Venz.
Laki ng ngiti. Tumango lang ito sabay kinuha ang dala kong laptop, s'ya na daw magdadala.
As the meeting room is already settled, our CEO introduced the said Hired people.
I feel stiffed the moment I saw a familiar face.
It was him.
Our CEO introduced us one by one. Hindi n'ya pa ako napapansin para kasing nahihiya pa s'ya.
Our Head of Finance is "Brezette Qiano".
I saw on my sight how he reacted the moment he heared my name. Hindi ako nagpahalatang nagulat, nginitian ko sila lahat pati s'ya. I can see his eyes, parang nagtataka.
The moment the meeting is done, umalisn na kami sa meeting room at dumiretso sa mga office namin.
I was abou to enter in my office when someone grab my arms.
"Brezette!" Nakangiti nitong saad.
"Yes?" Sagot ko sa kan'ya.
"It's me Clinton!" Tumatawang saad n'ya.
"Oh tapos? Is there any work matter that we need to discuss?" Tanong ko sa kan'ya.
Bigla n'yang nabitawan ang braso ko sa narinig n'ya.
"Are you still mad? Ba't gan'to ka makitungo sa akin?" Tanong nito.
Tumikhim muna ako bago sumagot.
"Mad on what? For your information gan'to ako makitungo sa mga katrabaho ko." Saad ko sabay ngiti.
"Brezette!"
Oh God, thanks dumating ka Venz.
"May I talk to Bre for a while?" Tanong nito kay Clinton.
"Pero nag-uusap pa kami..."
"You can," putol ko kay Clinton.
"Wala naman siguro kayong importanteng dinidiscuss 'di ba?" Panigurado ni Venz.
"Nothing Venz, tara sa loob." Aya ko dito.
"Excuse us..." paalam ko sa kan'ya tumango na lang ito.
It's almost 3 years...
Bakit dito pa?
BINABASA MO ANG
Man from Before (COMPLETED)
RomanceSecond chance was only given to those who deserves it. So what if, someone will be back from your past? Asking for another chance... Will you give it a try or nah?