Chapter 22

602 12 0
                                    


Nagkapatawaran na nga kami, naisipan namin na mag movie marathon sa bahay pero bago kami dumiretso doon dumaan muna kami sa convenience kasi babawi raw sila at manlilibre. kumuha ako ng mga gusto ko kainin, pati na mga ice cream na nasa gallon at mga mallows tiyaka chips. 

"Sure ka bang mauubos natin 'yan Bre?" Saad ni Venz.

"Of course!" Nakangisi ko namang sagot.

Minsang pinapatigil na ako ni Clinton, pero hindi ako nagpapa-awat. Hindi naman siya ino-op nila kuya kaya sabi ko sa kan'ya sumabay na lang sa amin. Bumuli na din kami ng ulam for dinner kasi sa bahay daw sila makikitulog. Hindi talaga halata na sobra nila akong namiss.

Habang nasa counter kami, bigla akong inakbayan ni Kuya Klein na ikinagulat ko. Akala ko kasi kung sino e.

"Sobra kitang na miss," mahinang saad nito.

"Huwag mo na uulitin 'yon Kuya ha? Huwag na kayo magtago sa akin." Saad ko naman. Tumango lang ito at ginulo ang buhok ko.

Bigla akong napalingon kay Clinton nang mapansing nakatitig ito sa amin.

"What?" Tanong ko rito.

Umiling lang ito at humarap si cellphone niya. Nagkibit-balikat na lang ako rito, naka-akbay pa rin sa akin si Kuya habang patungo sa sasakyan niya kasama nila Venz.

"Clinton huwag ka mahiya sa kanila ha?" Bilin ko rito.

"Sure," saad naman nito na nakapoker face pa rin.

"Dito ka sa harap uupo Bre?' Tanong ni Kuya at pagbubuksan sana ako.

"No Kuya, tatabihan ko na lang si Clinton." Saad ko naman at tumango lang ito.

Umayos na kami sa upuan at binuksan ni Kuya ang radyo niya na nasa sasakyan, kaya habang nasa biyahe kami para na rin kaming nagso-soundtrip.

"You okay?" Tanong ko kay Clinton nang mapansing tahimik lang ito.

"Oo naman, hindi lang ako sanay." Naiilang na saad nito.

"They're good, huwag mo hayaang ma-op ka! Sumabay ka lang sa trip okay? Nandito lang ko." Saad ko sabay hinawakan ang kamay nito.

Finally, nakangiti na ito.

Magkahawak-kamay kami habang nasa biyahe, samantalang sila Venz naman ay nagkukulitan. Ganito pala 'no? Kapag may special someone ka an kailangan mo na rin maglaan ng oras para sa kan'ya. Hindi 'yong para sa barkada mo na lang, dapat may mga happenings din sa inyo ng special mo.

I couldn't ask for more, sobra na 'to. I'm so contented of having them in my life, sana talaga walang magbago.

Maya-maya pa, nasa harap na kami ng bahay ko kaya nag-unahan na kami sa pagbaba. Dala-dala nila Venz ang mga supot, pumasok na kami at nilagay muna ang mga ice cream sa ref. Mag-gagabi na rin naman kaya naisipan namin na mag-ihaw na lang sa labas, habang 'yong iba naman ay inaayos ang tent na good for six person.

Ako, si Kuya Klein at Clinton ang naghanda sa mga iihawin at sila Venz naman sa Tent. Instead na magmomovie-marathon kami e naisipan na lang namin na mag star-gazing.

Minsan kinakausap nila Venz, Carlo at Dan si Clinton pero si Kuya napansin ko na parang ilag siya kay Clinton.

"Mamaya laro tayo ng truth or dare," suhestiyon ni Dan.

"Wow, exciting 'yan!" Sang-ayon naman ni Carlo.

"Huwag kayong kill joy, dapat sali tayong lahat mamaya!" Saad naman ni Venz.

Parehong tango lang sinagot namin dahil abala kami sa pagluluto, maya-maya pa biglang lumapit sa akin si Clinton.

"Bre, galit ba sa akin si Klein?" Tanong nito.

"Hindi, bakit?" Saad ko.

"Para kasing papatayin niya na ako sa ga tingin niya e," bulong naman nito sa akin. 

Natatawa na lang ako sa ekspresiyon nito.

"Mabait si Kuya, hayaan mo kapag napadalas ang sama mo sa amin gagaan na rin pakiramdam mo sa kanila." Nakangiti kong saad.

Ngumiti naman ito tumango na rin. Malapit na maluto lahat, all set na pagkain na lang kulang. Medyo nagdidilim na talaga at buti na lang malalaki ang ilaw dito sa bahay ko. Matapos magluto, agad naman naming nilantakan ang mga pagkain na hinanda namin pati mga pagkain na binili namin kanina.

Nang matapos na kami kumain, 'yong katulong ko na ang nag-ayos nito at naglabas ako ng dalawang bote ng wine. Alam ko naman na ito ang hinihintay nila e, I also told Dan na kumuha ng basong pantagay.


Pumuwesto na kami sa round table na nandoon sa labas ng bahay namin na katabi ng tent na pinatayo nila.

"Kukuha lang ako ng bote, magsisimula na tayong maglaro." Saad ni Carlo at dumiretso sa likuran ng bahay ko.

"Hoy 'yong mga dare n'yo huwag 'yong masyadong mahirap ah? 'Yong kaya lang dapat." Bilin ko sa kanila habang sila naman ay tatawa-tawa lang.

"Walang kaibi-kaibigan!" Natatawang saad ni Dan.

"Para sa masa!" Sigaw ni Venz na ikinatawa ng lahat, para talagang baliw.

May dala na si Carlong bote at malinis na, nag jack n' poy na kami kung sino ang unang iikot ng bote. Si Venz nang nanalo, inikot niya ito at tumapat kay Dan. 

"Truth or Dare?" tanong ni Venz.

"Dare na lang," umiiling na saad ni Dan.

"Dare ba kamo? Ito, inumin mo ang baso na 'to na kung saan pinaghalo ang dalawang flavor ng wine." Saad nito habang nilalagyan ang baso ng wine.

Pareho kaming napangiwi, pinuno niya kasi ito. Nakapikit si Dan habang tuloy-tuloy na nilalagok ang wine na pinaghalo ni Venz.

"Whoaa!" Sigaw nito nang maubos niya ang wine.

Nagpalakpakan naman kami at nagtawanan, bigla kasing pumula ang mukha ni Dan. Turn niya na para ikutin ang bote, tumapat ito kay Venz.

Nakangiting aso naman si Dan habang tinitignan si Venz.

"Truth or dare?" Tanong niya rito.

"Para makabawi ka, Dare!" lakas loob na saad nito.

"Dare? Halikan mo ang kili-kili ni Carlo in five seconds."

Napagiwi si Venz sa dare na pinapagawa ni Dan pero sinunod niya naman ito, tinaas ni Carlo ang kamay niya para mahalikan ni Venz ang kili-kili niya.

"Yuck!" Nandidiring saad ko, pero ang sakit na ng tiyan ko kakatawa.

"Five"

"Four"

"Three"

"Two"

"One!"


"Pwe! ang asim-asim ng kili-kili mo Carlo!" Reklamo ni Venz.

"Ikaw nga rin diyan e," natatawang saad nito.

Turn ulit ni Venz, agad niya namang inikot ang bote at tumapat ito kay Kuya.

"Whoooo!" Cheer nila Dan sa kan'ya.

Napailing na lang ako rito, ewan ko ba kung anong ipapagawa ni Venz kay Kuya.

"Truth or Dare?" Tanong ni Venz kay Kuya Klein.

"Syempre, Dare!" lakas loob naman nitong sagot.

Pare-pareho kaming naka-abang sa Ipapagawa ni Venz sa kan'ya.

"Halikan mo sa labi ang taong ayaw mong mawala sa 'yo," saad ni Venz.

Pareho kaming nagtatawanan kasi alam namin na Close na close si Carlo at Kuya Klein kaya sigurado kaming siya ang lalapitan nito.

Bigla namang tumayo si Kuya at umikot-ikot sa amin, napawi ang tawa ko nang maramdaman na tumigil ito sa gilid ko.

Napatingala ako, hindi ko akalain na sasalubungin niya ang mga labi ko gamit ang mga labi niya. Biglang tumahimik ang paligid, nakarehistro sa mukha ko ang pagkagulat.


Bakit?

---

GOODNIGHT PEPS! :)

Man from Before (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon