Matapos magbihis napag-isipan kong lumabas muna at maglakad sa dalampasigan. Nagsout lang ako ng itim na jacket at summershort tiyaka Nike na tsinelas. Napapapikit ako sa bawat pagyakap ng malamig na hangin sa kabuuan ko.
Kamusta na kaya si Brezette? Okay na kaya siya?
Humiga ako sa buhangin, malayo sa may ilaw. Hindi naman siguro delikado dito, gusto ko lang talaga mapag-isa muna. Sa tuwing nag-iisa ako naaalala ko talaga 'yong dati, kung gaano kami kasaya ni Bre at gaano ako ka selfish. Hindi ko alam na nagseselos pala si Bre dati kasi marami akong kaibigan na babae, kung sinabi niya baka nilayuan ko pa.
Sa totoo lang may nararamdaman na ako kay Bre dati pa lang at aware akong gusto niya ako. Akala ko kasi hindi siya magbabago kaya na-abuso ko siya.
"Bre, kung kaya ko lang sana ayusin lahat agad." Bulong ko sa hangin.
Naramdaman ko na may mga yapak na papalapit sa kinaroroonan ko. Dumilat ako nang maramdaman ko na nasa gilid ko na ang taong nagmamay-ari sa mga yapak na 'yon.
"Okay ka lang?" Tanong nito at umupo sa tabi ko, Isang estranghera na napakaganda pero wala ng mas gaganda kay Bre.
"No." Sagot ko, ewan ko ba pero I really need someone right now to talk and have a deep conversation.
"You don't need to know my name and vice-versa, go and speak. I'll listen." Saad nito sabay ngiti.
"I would love to know your name para mapasalamatan kita," saad ko naman.
"I'm Xyza." Saad nito.
"I'm Clinton." Sagot ko naman.
"Go, ano bang iniisip mo at nandito ka sa madilim na parte ng resort?" Umpisa nito.
"Gusto ko lang mag-isip, magplano kung paano siya kunin ulit. No, gusto ko siya suyuin at bumawi. She's been very good eversince to me pero dahil selfish ako, never ko 'yon na appreciate. Huli na, huling-huli na para magsisi pero tinatry ko talaga ngayon na ayusin 'yong nasira ko. Huli na kasi ng marealize ko na nahuhulog na pala ako sa kan'ya. I don't know how to and where to start, It seems that she's belong to someone now." Malungkot na paliwanag ko.
"Sigurado ka bang sila na talaga?" Tanong nito.
Umiling ako, "hindi ako sigurado but the guy seems so good to her to the point na lagi niya narerescue ito kapag nasa panganib". Dagdag ko pa.
"Alam mo medyo may pagkakahswig ang storya natin," panimula ni Xyza.
"How come?" Takang tanong ko.
"I'm in love with a guy na sobrang gusto rin ako back then, but everything changed the moment I didn't chose him." Dagdag nito.
"But why you didn't chose him?"
"Because I need to, Clinton I'm sick and he don't have any idea that I have. I'm dying you know," saad nito sabay ngiti ng mapakla.
"You're dying?" Takang tanong ko.
Tumango lang ito at nag-umpisa ng bumuhos ang luha niya.
"I'm sorry, dapat sana ikaw nagsh-share e pero 'di ko mapigilan ang bibig ko." Natatawang saad nito habang umiiyak.
"It's fine, we are both strangers so okay lang 'yan." Pagpapatahan ko sa kan'ya sabay hagod sa likuran niya.
"Akala niya nasa states ako, pero dito ako nagtatagp sa resort na 'to. I told Dad na dito na lang ako mag-stay, two years na rin akong nag-stay dito pero wala pa ring pagbabago. I saw him earlier, may kasama siyang babae ang they seems so happy." Malungkot na paliwanag nito.
"Bakit hindi ka nagstay sa hospital?" Natanong ko rito.
"Cause I don't want to stay there anymore, may personal nurse and doctor ako dito and I really do love sea's charisma so I chose to stay here." Paliwanag naman nito.
"Get well soon Xyza, hope to see you someday na okay ka na." Pagpapalakas ko sa loob niya.
"You too Clinton, kung sa tingin mong worth it siya i-pursue then go pursue her. Huwag mo hayaang pagsisihan mo sa huli kapag wala kang ginawa." Saad naman nito.
Tumango na lang ako bilang sagot.
"I need to go now," paalam nito at tumayo na.
"Gusto mo ihatid kita sa kuwarto mo?" Alok ko rito.
"No need, I can manage." Nakangiti nitong saad.
Kaya pala she looked so pale kanina, may sakit pala siya.
"Take care Xyza." Saad ko at kinawayan na siya.
Hope she'll be fine soon.
Tumayo na rin ako babalik na sa kuwarto ko, pero naalala ko na magkasama pala kami ni Jyce baka kung ano pa magawa ko sa kan'ya kapag nagkita kami.
I chose to walk again and look for a coffee shop, hindi naman ako nabigo at mag mini-coffee shop sa resort. Pumasok agad ako at um-order ng kape, black coffee will be good.
I pay for the bill and look for a chair, then I saw a familiar figure kahit na nakatalikod nilapitan ko agad ito.
"You're also here?" Tanong ko rito na ikinagulat niya ang presensya ko.
Tumango lang ito sumimsim ng kape niya.
"It's late, ba't nasa labas ka pa?" Takang tanong nito.
"I can't sleep knowing na nasa iisang kuwarto kami ni Jyce." Sagot ko at umupo sa harap niya.
"Hmmm," sagot niya.
"How are you?" Tanong ko rito habang tinitignan ang maamong mukha niya.
"Medyo okay na, masakit lang 'yong lalamunan ko baka dahil sa tubig na nainom ko kanina." Sagot naman nito habang iniiwasan ang titig ko.
"Good thing you're okay, Bre would you mind kung yayayain kitang manood ng mga bituin sa labas?" Tanong ko rito.
Ngumiti lang ito at tumayo, "tara?" Aya nito.
Walang mapaglagyan ang tuwa ko, hindi ns ako tinatarayan ni Brezette casual na siyang nakikipag-usap sa akin.
Humanap kami ng magandang puwesto at doon naupo. Dala-dala pa rin namin ang mga order naming kape kanina habang pinagmamasdan ang mga bituin na nagniningning.
"Ang ganda," tuwang-tuwa nitong saad habang nakatingala.
"Sobrang ganda," saad ko habang nakatitig sa kanya.
Her smile is so precious. Hindi ko akalain na makikita ko ulit ang mga ngiting 'yon.
I really missed this girl, so much.
"Bre," tawag ko sa kaniya.
Lumingon ito sa akin, hind ko napigilan ang sarili kong dampian ng halik ang mga labi niya.
"I love you so much," saad ng isip ko.---
Please leave vote and comment, thanks!
BINABASA MO ANG
Man from Before (COMPLETED)
RomanceSecond chance was only given to those who deserves it. So what if, someone will be back from your past? Asking for another chance... Will you give it a try or nah?