Brezette's POV
"Jyce, nandito si Bre." Saad ni Clinton sabay tinanggal ang pagkakayakap sa kanya ni Jyce tiyaka lumayo.
"I brought something for you, galing kasi kaming Davao tapos naalala kita para sa 'yo 'to Jyce." Saad ko sabay abot sa kan'ya ng paper bag.
"Salamat," maikling saad nito.
"How are you?" Tanong ko sa kan'ya.
"I'm fine, lalo na't nandito na si Clinton." Sagot naman nito ng walang pag-alinlangan.
Tinignan ko lang siya sa mata sabay lipat kay Clinton, he's looking at me too.
"Good to hear that, kaya nga sinama ko si Clinton dito e. Actually we came here para sabihin sa 'yong kami na." Nakangiti ko naman saad sa kan'ya.
Biglang nagsalungat ang mga kilay nito, "Is that true?" tanong pa nito kay Clinton na para bang pinapalabas niya na niloloko ko siya.
"Yes, we're official Jyce kaya sana matanggap mo na 'yon. Ang dami pang lalaki sa mundo Jyce, mahahanap mo rin 'yong taong magmamahal sa 'yo." Saad naman ni Clinton sa kan'ya.
Yumuko ito tiyaka pilit na ngumiti, "kung gano'n congrats sa inyo!" saad naman nito sabay nangilid ang luha sa gilid ng mga mata niya.
I feel sorry for her, pero hindi ko naman kayang basta bitawan si Clinton for her knowing that we both loved each other. This time, 'yong sarili ko naman 'yong uunahin ko.
"Salamat Jyce," saad ko tiyaka hinawakan siya sa kamay.
"Clinton puwede mo ba akong bilhan ng coffee sa baba?" Utos ni Jyce sa kan'ya.
"Pero..."
"Go Clinton, I'll be fine here. Sasamahan ko lang si Jyce dito," nakangiti ko namang saad sa kan'ya.
Nag-aalangan man ay lumabas na ito para bumili.
"Puwede ba kitang makausap?" Saad ni Jyce sabay umayos ng upo.
"Oo naman, ano ba 'yon?" Tanong ko naman sa kan'ya.
Ikinagulat ko ang ginawa niya nang bigla niyang hugutin ang dextrose niya at hinayaan ang dugo na umagos mula sa kamay niya.
"What are you doing?" Nag-aalalang saad ko sabay binuksan ang bag ko para kumuha sana ng tissue nang bigla itong lumuhod sa harap ko sabay iyak nang iyak.
"Brezette, please... Ipaubaya mo na sa akin si Clinton, nagmamakaawa ako sa 'yo Bre. Hindi ko talaga kaya na layuan ako ni Clinton." Saad nito habang umiiyak.
Nasasaktan ako para sa kan'ya pero hindi ko rin naman kayang magpa-ubaya e.
"Jyce, I can't. Mahal na mahal ko si Clinton!" Umiiyak na rin na saad ko sa kan'ya.
Niyakap nito ang mga hita ko sabay iyak pa rin ng iyak.
"Brezette nagmamakaawa ako sa 'yo, akin na lang siya." Humahagulgol na saad nito.
"Jyce tahan na..." saad ko rito, pero tinulak niya lang ako sabay padabog na tinungo ang mesa at kinuha ang babasaging baso at pinalo ito sa dingding. Hindi ko mapigilang mapasigaw, nanlilisik ang mata ni Jyce sa galit sabay tinungo ang pinto at ni-lock.
"Subukan mong tumayo diyan kung 'di masasaktan ka!" Banta pa nito sa akin.
"Jyce, huwag naman sa ganitong paraan oh. Puwede naman tayo mag-usap ng maayos." Pagpapakalma ko sa kan'ya.
"Ang selfish mo! Ayaw mo ibigay sa akin si Clinton!" Sigaw pa nito.
"Hindi siya bagay na basta-basta na lang ibibigay Jyce, tao siya. Ano ba?" Sigaw ko rito.
"Ahhh!" Sigaw ko nang bigla itong lumapit sa akin at hinila ang buhok ko pababa. Hinila niya ako sabay binuksan ang pinto, palabas. Fire exit ang ginamit niya kaya walang katao-tao sa likuran.
Nabitawan ko na ang aking cellphone sa sobrang sakit ng pagkakasabunot niya sa akin at pagkakahila.
"Jyce nasasaktan ako, tama na!" Umiiyak na pagmamakaawa ko rito.
"Hindi kita titigilan hangga't hindi ka namamatay!" Sigaw nito at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa buhok ko.
Halos madapa na ako sa pagkakasabunot ni Jyce saa akin, hindi ko kasi makita ang daan kasi nakayuko ako. Sobrang sakit, parang matatanggal 'yong anit ko kakahila niya.
"Jyce tama na, please..." Umiiyak na paagmamakaawa ko sa kan'ya, nahagip nang nakausling ugat ng puno ang paa ko kaya nadapa ako, pero walang awa akong hinila ni Jyce.
"Tumahimik ka!" Sigaw nito sabay wasiwas ng hawak niyang basag na baso sa braso ko.
"Aray!" Sigaw ko nang makaramdam ako nang hapdi sa braso ko, natamaan ito ni Jyce.
"Ano ba Jyce, nababaliw ka na ba?" Umiiyak na saad ko rito.
May mga tao ng nakakakita sa amin pero wala silang magawa, "subukan niyong lumapit papatayin ko 'to!" sigaw nito kaya wala silang magawa.
"Tawagan niyo 'yong body guard ng hospital!" Sigaw ng isang lalaki na nakakita sa amin, Nakita ko namang may tumakbong lalaki patungo sa entrance.
Nasa may highway na kami, maraming sasakyan. Ano bang binabalak ng babaeng 'to?
"Dito matatapos ang buhay mo, malanding babae ka!" Sigaw nito habang hawak pa rin ang buhok ko.
Inipon ko lahat ng lakas ko sabay boung tapang na tinulak siya, "tama na please." Umiiyak na saad ko nang makawala ako sa pagkakasabunot niya sa akin.
"Bre nagmahal lang naman ako e, pero bakit gan'to 'yong nangyare?" Humahagulgol na iyak nito. Dahan-dahan akong lumalayo sa kan'ya samantalang siya naman e dahan-dahan ding lumalapit sa akin.
"Jyce naman hindi kasi ikaw 'yong mahal ni Clinton e, alangan namang pilitin natin." Umiiyak na saad ko.
"Wala akong pake! Kapag napatay kita may posibleng mahalin ako ni Clinton kaya papatayin kita!" Sigaw nito sabay tumakbo palapit sa akin sabay umaktong sasaksakin ako nang hawak niyang basag na baso.
"Huwag!" Sigaw ko sabay tatakbo na sana nang biglang sunod-sunod na malalakas na putok ang narinig ko.
"Ahh!" Gulat na sigaw ko sabay tinakpan ang tenga ko.
Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakatakip sa tenga ko nang wala na akong marinig.
Napaawang ang bibig ko nang makita ang duguang katawan ni Jyce na nakahandusay sa daan.
"No..." Umiiyak na saad ko.
Naramdaman ko na lang ang mga bisig na yumakap sa akin... Then everything turns black...
BINABASA MO ANG
Man from Before (COMPLETED)
RomansSecond chance was only given to those who deserves it. So what if, someone will be back from your past? Asking for another chance... Will you give it a try or nah?