Chapter 33

635 17 0
                                    

Chapter 33

Miss na miss ko na rin ang tabachoy na 'to, matagal-tagal ko na rin siyang hindi nakita, kapag kasi bumibisita ako sa kanila dati lagi akong may pasalubong sa kan'ya, lalong-lalo na sa Mommy ni Clinton.

"Achi, I'm hungry..." Pagpapacute pa nito.

"Pero baka kasi hanapin ka Anton e, sino ba kasama mo?" Tanong ko rito.

"Mommy, pero gutom Anton e. Wala rin Anton 'di mahanap Mommy." Saad naman nito.

Ang cute talaga ng batang 'to! Sarap i-key-chain.

"Oh sige, kakain din si Ate e! Tara, sama ka tapos sasamahan kitang hanapin si Tita Mamaya. Okay ba 'yon? Happy na ba baby pig ni ate?" Nakangiti ko namang saad sa kan'ya.

"Karga Anton, Achi." Saad nito habang binubuka ang mga braso.

"Big boy na pero nagpapakarga pa, pero dahil miss na miss kita. Wish granted!" Saad ko sabay kinarga ang batang 'to. Nagmukha pa tuloy akong Nanay, pero okay lang si Anton naman 'to e walang katulad sobrang bibo.

Masaya kaming nagkukulitan ni Anton habang papunta kami sa Mini-restaurant nila, medyo mabigat siya pero kaya naman.

"Brezette, what takes you so long?" Naiirita na salubong ni Eugene sa akin at napakunot ito nang makita ang karga ko.

"Eugene, nakita ko kasi si Anton s daan alangan namang pabayaan ko 'di ba?" Sagot ko naman rito.

"Kaninong anak 'yan? Kapag ikaw nakasuhan ng kidnapping Bre makikita mo." Saad nito na may pagbabanta.

Natawa naman ako sa tinuran nito.

"Kuya, Achi Bre know me..." Sabat naman ni Anton kaya nagkatinginan kami ni Eugene.

"Okay na sana baby e, tinawag mo pa akong Kuya." Saad nito sabay irap.

Natawa na lang ako sa ekspresyon ni Eugene, "let's go inside! Gutom na ako e and I know Anton too." Aya ko sa kanila.

"Teka lang, anong gagawin mo sa bata?" Nagaalala pa ring tanong nito.

"Kapatid 'to ni Clinton, nawawala yata tapos sabi niya gutom siya kaya sinama ko na lang. Fyi, si Tita daw kasama niya.

"Gano'n ba? 'Di mo naman kasi sinabi agad, tiyaka tara na para makakain na 'yan at tutulungan ka namin hanapin ang Mommy niya." Saad naman nito.

Naglakad na kami papasok, kita rin sa mga mata nila ang gulat. Nakakuha na pala sila ng pagkain, pero dahil mga maanghang amg pagkain na kinuha nila I told Eugene to get something for baby Anton. Himala nga at pumayag e.

"Who's that kid, Bre?" Tanong ni Beatrice.

"Kapatid ni Clinton," saad ko naman at pinaupo na si Anton.

"What? So nandito rin si Clinton?" Sagot nito.

"Nope, kasama niya si Tita." Sagot ko naman.

"Achi, ba't nila kilala si Kuya Clinton?" Biglang saad ni Anton.

"Kasi..."

"Kasi gusto niya kuya mo dati, tapos tinulungan namin siya sa katangahan niya." Putol pa ni Joanna sa sasabihin ko.

"Bibig mo Joanna, alam mo namang bata pa kausap mo e." Saway ko rito.

"Gusto ka rin ni Kuya, Achi." Saad naman nito sabay ngiti ng pagka-tamis.

Napangiti na lang ako sa sinabi nito tiyaka hinalikan ito sa noo at mahinang kinurot ang pisngi.

"Ang cute mo talagang bata ka!" Natatawang saad ko.

Man from Before (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon