"Wow, congrats Clinton na surpresa nga ako!" Sarkastikong saad ko habang umaagos ang aking mga luha.
Napatayo naman agad ito at tinignan ang kahon na nahulog ko na bumukas ng kusa, medyo nasira na ang blue berry cake pero kita pa rin ang makasulat doon na "It's a YES" hindi ko mapigil-pigil ang mga luhang umaagos galing sa mata ko.
"Brezette mali ka ng iniisip," pagsimula nito.
"Anong mali? Gusto mo masaksihan ko na maging kayo ni Jyce ha? Clinton akala ko ba mahal mo ako, bakit ang galing mo yata. Ang galing mo! Sobrang sakit Clinton, ang sakit-sakit." Umiiyak na saad ko.
"Bre naman, hindi 'to para kay Jyce, nagulat nga ako bakit nandito siya e." Umiiyak na rin na saad nito.
Umiling-iling ako habang nagpapaliwanag ito, "manloloko ka! Manloloko!" Sigaw ko rito tiyaka pinulot ang blue berry cake at itinapon ito sa kan'ya."Huwag na huwag mo na akong guguluhin Clinton!" Sigaw ko rito at dali-daling tumakbo pababa.
Nadaplisan ang paa ko sa sangang nakausli sa tree house na 'yon pero wala ng mas sasakit pa sa puso kong sinaktan niya.Takbo lang ako ng takbo, wala akong pake kung nadadapa ako kasi hindi ko makita ng malinaw ang daan dahil sa luhang nasa mata ko.
Naramdaman ko na lang ang mga kamay na humawak sa braso ko, "pakinggan mo muna ako Brezette" saad ni Clinton.
"Ano ba, bitawan mo 'ko!" Saad ko habang pilit na inaalis ang pagkakahawan niya sa akin.
"Maawa ka Bre, please. Pakinggan mo 'ko..."Umiiyak na saad nito tiyaka lumuhod at niyakap ang mga hita ko.Tinulak ko ito ng napakalakas dahilan para matumba ito sa lupa. Wala na akong pake kung madami na ang napapalingon sa amin. Nasasaktan ako, ano bang pake nila?
Lalayo na sana ako kaya lang tumayo ulit ito at niyakap ako patalikod, "hindi ko kayang mawala ka sa akin ng tuluyan Bre please naman oh pag-usapan natin 'to mali ang iniisip mo." Pamimilit nito, ang iyak at paghagulgol ko lang ang maririnig sa lugar na 'yon.
"Clinton ano ba, bitawan mo sabi ako e!" Sigaw ko dito sabay tulak pero ako 'yong natumba dahil sa batong nakausli. Wala na akong pake kung duguan na ang paa ko dahil sa daplis kanina sa nakausling sanga, gusto ko lumayo sa lugar na 'to at malayo kay Clinton.
Nakaupo ako sa lupa habang umiiyak, para akong bata na inagawan ng candy sa lagay kong 'yon pero wala akong pakialam. Sobrang kalat na ng buhok mo tiyaka sout ko, malayong-malayo sa porma ko kanina. Hahawakan sana ulit ako ni Clinton nang bigla ko ulit itong sigawan.
"Huwag mo 'kong hahawakan!" Sigaw ko rito.
"Bre may sugat ka," nagaalalang saad nito.
"Malayong-malayo ito sa sakit na nararamdaman ko ngayon Clinton, malayo!" Sigaw ko ulit habang umiiyak.
"Bre hindi ko mahal si Jyce," saad nito."Wala akong naririnig, hindi kita naririnig. Ahhh!" Sigaw ko habang tinatakpan ang tenga ko.
Pilit miya akong pinapakalma pero hindi ko talaga magawa, sobra akong nasasaktan ngayon.Iyak pa rin ako ng iyak habang pilit na hindi pinapakinggan ang mga sinasabi at paliwanag ni Clinton. Biglang tumilapon si Clinton sa lupa habang hawak-hawak ang baba nito, tiningala ko kung sino man ang sumapak sa kan'ya.
Then I saw my hero again.
"Tahan na, halika na't tumayo ka na diyan." Saad nito habang inaalalayan akong tumayo.
"I can't, sobrang nanghihina ang tuhod ko." Umiiyak ko namang saad.
"I'll carry you then, don't worry nandito na si Kuya." Pagpapatahan niya sa akin sabay niyakap ako ng napakahigpit."Klein, kausapin ko muna si Bre." Pagmamakaawa nito.
"Clinton, ilang beses mo ba siya sasaktan ha? Kung hindi mo maibigay ang love na deserved niya, huwag mo na siya gambalain pa at gamitin!" Sigaw ni Kuya sa kan'ya tiyaka niya ulit ito tinulak.
"Klein..." Pagmamakaawa ni Clinton.Hindi niya na ito pinakinggan, kinarga niya na ako at inilayo sa lugar na 'yon. Nakasandal lang ako sa dibdib niya habang tahimik na umiiyak.
"Mabuti na lang talaga at hindi pa ako umalis, sinasabi ko na nga ba e." Biglang saad ni Kuya.
"Kuya, naniniwala ka bang kagagawan na naman 'to ni Jyce?" Saad ko habang pinapahid ang luha.Umaasa ako na sana hindi siya gusto ni Clinton, kasi kung oo hindi ko na talaga alam ang mararamdaman. Hindi ko lang talaga kaya makinig kanina, sobra akong nagulat umaasa ako na araw namin 'to tapos 'yon lang pala ang makikita. Sino ba naman ang hindi magugulat kung ang lalaking mahal mo ay nakapa-ibabaw sa babaeng patay na patay sa kan'ya.
Iba-iba na talaga ang pumasok sa isip ko kanina, pakiramdam ko gusto an rin siya ni Clinton, na hindi masabi ni Clinton sa akin na gusto niya na si Jyce kaya gusto niya ako na lang makaalam.
"Hindi ko rin alam Bre e, pero sa tingin mo?" Balik nito sa tanong.
"Hindi ko rin alam Kuya e kung ano pa ang paniniwalaan ko, hindi ko na alam." Umiiyak na saad ko."Tahan na, everything wll be fine okay? Ihahatid na ba kita sa inyo o may gusto kang puntahan?" Mahinang saad ni Kuya.
"Inuman tayo Kuya, huwag mo na muna isama sila Venz. Ayaw kong makita nila akong ganito, napakawasted tignan." Saad ko naman. Tumango ito at pinasok na ako sa sasakyan niya at nilagyan ng seat-belt. Pinahid niya ang basang pisngi ko, sabay hinalikan ang noo ko.
"Huwag ka na umiyak Bre, 'di mo deserved ang mga sakit na nararamdaman mo ngayon." Saad nito sabay tumayo at lumipat na sa Driver's seat.
Kapag nagmahal ka, huwag ka masyado umasa. Kapag kasi gano'n, mas masasaktan ka.
---
Please leave vote and comment! :)
BINABASA MO ANG
Man from Before (COMPLETED)
RomanceSecond chance was only given to those who deserves it. So what if, someone will be back from your past? Asking for another chance... Will you give it a try or nah?