Chapter 23

597 12 0
                                    

Naramdaman ko na lang na biglang tumilapon si Kuya sa sahig, tinulak pala ito ni Clinton.

Akmang susuntukin niya na sana ito pero pinigilan sila ni Venz at ako naman kay Clinton.

"Pare ginagago mo ba ako?" Galit na sigaw ni Clinton kay Kuya.

"It was just a dare," matigas na saad ni Kuya.

"Why don't you kissed her cheeks? Sobra na 'yong lips, alam mo na nandito ako pero ginawa mo pa rin." Inis na inis na saad nito.

"Clinton, dare lang 'yon!" Saad naman ni Venz.

"I mean to kissed her kasi nasa dare 'yon and I mean to do it kasi ayaw ko naman talaga mawala siya sa akin cause she's really a good friend of mine. That's it! Walang malisya." Paliwanag ni Kuya kaya medyo kumalma na si Clinton.

"Kahit na, sana hindi mo ginawa!" Sigaw naman ni Clinton.

"Bakit, kayo na ba para umakto ka ng ganyan?" Matigas na sigaw ni Kuya rito.

"We're still on the process, just wait." Sagot naman nito.

"Let's see," saad ni kuya sabay ngumisi at hinila na siya ni Venz para pakalmahin.

"Hey, dare lang 'yon okay? Kumalma ka na." Saad ko sa kan'ya at medyo dumistansya muna kami sa kanila.

Nagulat ako nang punasan nito ang labi ko gamit ang mga kamay niya, "hindi ko lang talaga kaya na makita ka na hinahalikan ng iba."

Napangiti naman ako sa sinabi nito, "we're just really friends." Sagot ko naman tiyaka siya niyakap tinugod niya naman ito.

Pareho na silang kumalma kaya naisipan namin na bumalik na sa circle table.

"I'm sorry Brezette, Clinton." Saad naman ni Venz.

"Ano ba, okay lang." Nakangiti ko namang sagot, tumango naman si Clinton rito.

"Should we continue the game?" Tanong ni Dan.

Nagkatinginan naman kaming lahat, "gusto niyo pa ba?" Tanong ko.

Tumango naman silang lahat, "Okay let's continue! Basta ang mga dare huwag na 'yong mga below the belt." Saad ko naman, tumango ulit sila.

"Let's start!" Deklara ni Carlo, tiyaka inikot ang bote sabay tumapat kay Clinton.

"Truth," agad na saad ni Clinton.

"Whoa!" Ito na lang naging reaksyon namin.

"Okay, ako ang magtatanong." Saad nito na para bang nag-isip muna.

"Ito, after all this years bakit mo naisip na suyuin Brezette?" Seryosong tanong nito na ikinagulat ko, hindi ko ini-expect na tanong nito.

Huminga muna ito ng malalalim tiyaka sumagot, "tawagin n'yo na akong tanga pero dati pa lang gusto ko na si Brezette kaso masyado ko siyang na take advantage to the point na hindi ko siya binigyan ng pansin dati." Tumingin ito sa akin tiyaka hinawakan ang kamay ko. "Masyado akong seryoso sa pag-aaral ko dati at hindi ko talaga priority ang magmahal, kaya lang kung kailan handa na ako tiyaka ko siya nawala. Kung kailan handa na ako, napagod na siya."

HIndi ko mapigilang maluha habang pinapakinggan si Clinton, alam ko kasi kung gaano ka importante sa kan'ya ang pag-aaral niya. Naalala ko dati kung gaano rin ako ka martyr, sa pagmamahal ko sa kan'ya.

"Nawala ko siya, sabi ko sa sarili ko na kapag mabigyan ulit ako ng pagkakataon na makausap at suyuin siya. Gagawin ko, sobra akong natuwa nang malaman ko na magiging magkatrabaho kami pero pakiramdam ko siya hindi. Mahirap, sobrang hirap bago siya napaamo ulit kaya naman gagawin ko lahat ngayon para hindi kami masira ng kung sino man. Mahal na mahal ko 'tong babaeng 'to." Saad nito sabay punas sa luha na nasa mata ko.

"Awe, ang sweet naman! Basta Clinton, huwag mo lang siya saktan ha? Pasayahin mo siya, she deserves it." Bilin naman ni Carlo sa kan'ya.

"I'll do my best," saad naman nito. Niyakap ko lang ito tiyaka hinalikan sa noo, balang araw makukuha mo na rin ang oo ko.

Si Clinton na naman ang turn para mag-ikot sa bote, inikot niya ito tiyaka tumapat sa akin.

"Truth or Dare?" Nakangiting aso nitong tanong.

"Truth," matapang na saad ko.

"Do you love me?" Tanong nito.'

"Nothing changed, simula noong araw na nagconfess ako sa 'yo hanggang ngayon." Sagot ko naman ikinapula ng mukha niya.

"Naman e, nilalanggam na kami rito. Respeto naman!" Reklamo ni Venz.

Pareho na lang kaming napatawa at naisipan na gumawa ng bonfire, mag-iihaw kami ng marshmallow. Pinaikutan namin ang bonfire habang may isa-isa kaming na mahabang stick na may mallows sa dulo.

"Remember the old days?" Bulong ni Kuya sa akin, tumango naman ako sabay ngumiti. Pareho kasi naming gusto ang lasa ng mallows na iniihaw tapos sinasawsaw sa chocolate syrup.

"Sana ganito na lang lagi no? 'yon bang masaya lang." Biglang saad ni Venz.

"Venz, hindi din naman 'yan p'wede dapat pantay lang. Kailangan natin tanggapin ang katotohan na ang kalungkutan ay parte talaga ng buhay natin." Sabat naman ni Dan.

"Tama," sang-ayon namin.

Sabay-sabay naming tinignan ang mga bituin na may mga ngiti sa labi, kanya-kanyang wish every time may falling star. Nang dalawin na kami ng antok lumipat na kami sa tent, bale ang puwesto ay Kuya Klein, Ako, Clinton, Venz. Dan at Carlo.

KINABUKASAN

Naisipan naming sa labas na lang kumain dahil tinatamad kaming magluto, isang malupit na dare ang ginawa namin. Lalabas kami na walang mga hilamos at mumog. Tignan natin sino mahihilo, dumiretso kami sa isang fast-food chain at nagorder na tiyaka kumain. Hindi daw muna kami papasok ngayon, baka bukas na siguro.

We spend our day, full of laughter and joy. Nag roadtrip din kami tiyaka foodtrip sa kung saan man kami mapadpad.

Hindi ko akalain na ang kasiyahang 'yon ay magbabadya pala ng kalungkutan...

--

:<

Man from Before (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon