Hindi na ako nagulat na magaling sumayaw si Brezette, she's a dancer back then but I didn't knew na magiging ganito siya ka hot. O baka hot na siya dati pa lang pero hindi ko lang napansin kasi never ako pumunta sa mgadance competition niya dati. I'm so selfish before, 'yong tipong siya lang pumupunta sa mga events ko tapos ako hindi.
Si Jyce naman sumasayaw pa rin sa harapan ko, nagulat ako ng bigla itong umakyat sa may stage at doon sumayaw ng napakawild. Gusto ko sana siya tigilan kasi parang nababastos na siya pero parang gusto niya naman. Nakatingin lang ako sa gawi nila Klein at Brezette na sobrang wild na sanpagsasayaw. Ang galing magsexy dance ni Bre, parang gustong-gusto ni Klein ang nangyayari.
Mas lalong uminit ng umabante na ang tropa niy, nando'n na si Dan, Carlo at Venz. Pareho yata silang nakainom,kaya gano'n na sila ka wild. Hanggang tingin na lang talaga ako kay Bre, gusto ko sana siya hilahin palayo sa kanila pero hindi ko magawa. Isang hamak na Clinton lang naman ako na katrabaho ni Bre e.
Halos wala ng pumapansin kay Jyce dahil nasa kay Brezette na ang mga atensiyon nila, sino ba naman ang hindi makakakuha sa atensiyon ng madla kung gano'n ka hot at sexy ang sumasayaw?
Nakita kong sobrang nainis si Jyce at tumalikod na. Umalis yata, baka kailangan ng hangin.
Biglang nanikip ang dibdib ko nang makita ang ginagawa nila Klein at Bre. It's not really her. Nag lap dance si Brezette sa lap ni Klein na ikina-ingay ng madla. Naikuyom ko na lang ang aking kamao at kumuha ng beer sabay lumabas sa venue at dumiretso sa pool.
What's happening to you Bre? Hindi ikaw 'yan. Ako ba ang nag-udyok sa 'yo para maging ganyan ka? Kasi kung oo, I'm gonna hate my self. Nilagok ko lang ang beer at dumiretso na sa banyo para maghilamos. Maya-maya pa biglang nagkagulo sa labas ng banyo na para bang may humihingi ng tulong.
"Nasan si Klein?" Kinakabahan na tanong ni Dulce kay Mike.
"Di ba nasa loob ng venue?" Sagot naman ni Mike.
"No! Wala na siya doon, matapos nila magsayaw ni Brezette umalis na si Brezette e. Please, tulungan natin si Bre. Baka nalulunod na siya ngayon." Halos maiyak na saad ni Dulce.
Malulunod?
"Anong malulunod?" Takang sambit ko sa kanila.
"Nakita ko kasing tinulak ni Jyce si Brezette sa pool e. Hindi ako marunong lumangoy at wala ng katao-tao sa pool area par tulungan siya." Paliwanag nito.
Agad naman akong tumakbo patungo sa kinaroroonan ng pool at nandoon nga si Brezette, naghihingalo na at si Jyce naman e nakatayo at tumatawa habang pinagmamasdan si Bre na malulunod na. Humanda ka sa akin ngayon, tumalon na ako at lumangoy ng napakabilis patungo kay Brezette.
"Uho. Uho!"
"Brezette, Brezette!" Tawag ko dito habang hawak-hawak na siya. She look so pale, sobra siyang nanghihina.
"Shhh. Shhhh, nandito na ako." Pagpapatahan ko sa kanya, nararamdaman ko kasing humihikbi ito.
Agad ko naman siyang nilangoy sa mababaw na parte ng pool. Doon na siya tuluyang nahimatay. Agad ko siyang kinarga papunta sa taas ng pool at minouth to mouth para malabas ang mga tubig na na-inom niya. Ang tagal bago ma revive ni Bre, nanginginig na ako.
Inulit-ulit ko lang ito, sabay maya-maya pa ay umu-ubo na siya.
"Ilabas mo lahat ng nainom mong tubig Bre," saad ko rito habang hinihimas ang likuran niya.
Patuloy lang ito sa pag-ubo at maya-maya pa'y nahimasmasan na. Paparating na rin sila Klein, naalala ko si Jyce na nakatayo pa rin sa kinaroroonan niya.
"Salamat Clinton," mahinang saad nito at niyakap ako.
Napapikit ako, ang tagal ko na 'tong inaasam-asam. Ang mayakap ulit si Brezette.
"I'm so scared." Umiiyak na saad nito.
Kumawala ako sa yakap niya at agad na tinungo si Jyce.
"Clinton I'm sorry kung wala akong nagawa hindi kasi ako marunong lumangoy." Pagrarason nito habang papalapit ako sa kanya.
"Sumusobra ka na Jyce! This time gusto mo patayin si Brezette, ano bang nangyayari sa 'yo?" Galit na sigaw ko sa kanya.
"Clinton aksident-"
Tinulak ko ito ng napakalakas dahilan para matumba at tumilapon.
"Alam mo bang galit na galit ako sa 'yo ngayon ha?" Sigaw ko dito.
"I'm really sorry..." Umiiyak na pagmamakaawa nito.
"Ang sama-sama mo!" Sigaw ko ulit at susuntukin na sana siya ng biglang may yumakap sa 'kin mula sa likuran.
"Clinton tama na, okay lang ako. Okay na ako, tama na Clinton." Pagmamakaawa nito.
Dahan-dahang bumaba ang nakataas kong kamao at pinapakalma ang sarili ko. Sisipain ko pa sana si Jyce pero hinila na ako ni Brezette at niyakap.
"Tama na, babae pa rin siya Clinton. Please Calm yourself." Bulong nito sa akin habang yakap ako at hinahagod ang likuran ko.
"Natakot kasi ako kanina Brezette e, akala ko mawawala ka na talaga sa akin. Sumusobra na kasi siya Bre," sagot ko at niyakap din siya ng mahigpit.
"Thanks God you came and saved me, salamat." Saad nito at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"Brezette" tawag ni Klein kay Bre na may dalang bathrobe.
"Kuya!" Saad nito at kumawala sa yakap namin. Niyakap niya si Brezette at pinatungan ng bathrobe.
"Pinatawag ako ni Daddy kanina kaya matagal akong nakabalik. Pasensya na kung nahuli ako." Saad nito habang hinahagod ang buhok ni Bre.
"Okay lang kuya, salamat at dumating si Clinton." Saad naman nito.
Tumango na lang si Klein at inutusan si Venz at Dan na dalhin si Jyce sa Daddy niya.
"Mag-uusap tayo Jyce. Dinagdagan mo na naman ang offense mo." Banta ni Klein dito at hinatid si Bre sa kuwarto nila.
"Salamat ulit Clinton," saad nito at ngumiti.
Tumango lang ako sabay nagpaalam na rin para magbihis.
Thanks God, nakagawa na rin ako ng mabuti para kay Brezette. Naiinis talaga ako kay Jyce, hindi ako matutulog sa kuwarto ngayon para hindi ko siya makita.
Agad naman akong nagshower at nagbihis. Hindi na ako naki-usyuso pa, sana matanggal na siya para hindi niya na maagrabyado si Brezette.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang ina-alala ang nangyari kanina, she hugged me.
---
please leave vote and comment. thanks!
BINABASA MO ANG
Man from Before (COMPLETED)
RomanceSecond chance was only given to those who deserves it. So what if, someone will be back from your past? Asking for another chance... Will you give it a try or nah?