Mabilis ang paglipas nang mga araw at buwan, November na and it's time to party. Pinatawad ko na si Jyce sa ginawa n'ya sa 'kin kahit hindi s'ya nagsorry. I deserved peace, kaya hahayaan ko na lang s'yang magalit sa akin ng walang rason.
Heto ako at abala na sa paghahanap ng mga masusuot, tatlong gabi kasi kaming mags-stay doon bale 3 nights and 3 mornings. I'm pretty sure na sasama si Jyce, 'yon pa magpapahuli?
Nagulat ako nang biglang tumunog ang aking cellphone at rumehistro ang pangalan ni Klein.
"Yes Kuya?" Tanong ko rito.
"Nakapaghanda ka na ba?" Tanong nito.
"Oo, patapos na nga e. Bakit po?"
"Midnight treat, gusto mo?" Alok nito."Sa tingin mo hihindian ko 'yan?" Natatawang sagot ko.
"Sabi na e, coffee or me?" Natatawa naman nitong saad.
"Syempre both, ililibre mo 'ko e." Sagot ko naman.
"Yan 'yong gusto ko e, sige bilisan mo d'yan at susunduin kita." Saad naman nito sabay baba ng cellphone.
Natatawa na lang talaga ako kay Kuya, kung hindi ko lang sana 'yon nakilala sa gano'ng paraan baka magkaroon pa kami ng chance. I just wore a short shorts na tattered and a black jacket na may hoodie, with a message sa harap na "F*ck off bitch*. Sino ba naman kasing hindi lalamigin e, magmamadaling araw na.
Maya-maya pa, may bumusina sa labas and yeah it's Klein. Dali-dali ko namang kinuha ang cellphone ko at bumaba na. Napakunot-noo na lang ako, pinagbubuksan n'ya kasi ako ng pinto ng sasakyan n'ya e, ngayon lang hindi.
Binuksan ko ang front seat at ang mga hinayupak kong kaibigan ginulat ako.
"Surprise!" Sabay nilang sigaw.
Kaya pala.
"Mga baliw kayo, ililibre n'yo ba ako?' Natatawang saad ko.
"Naman, magsasaya tayo! Walang matutulog kasi bukas na ang alis natin." Sigaw naman ni Carlo.
"Ang ingay n'yo, tara na nga nakakaabala ba kayo sa mga kapit-bahay namin." Natatawang saad ko.
Nasa front seat ako at sila Calo, Dan at Venz naman nasa likod. Iba din trip ng mga 'to e. Ewan ko ba kung bakit hindi pa 'to nagjojowa ang mga 'to may mga mukha naman e. Bahala nga sila d'yan.
"Na surpresa ka ba?" Nkangiti namang tanong ni Kuya habang nagmamaneho.
"Sobra, akala ko tayo lang e." Umiiling na saad ko.
"Ay ang selfish no'n kapag kayo lang," sabat naman ni Venz.
"Tama si Venz, buti an lang at tinawagan kami ni Klein." Dagdag namn ni Dan.
"Sana pala kayo na lang lumabas," biro ko naman sa kanila.
"P'wede ba 'yon? Hindi, kasi ikaw prinsesa namin." Sagot naman ni Kuya.
Ang suwerte ko naman sa mga 'to, bukod sa maalaga e ang s-sweet pa. Not by words but by actions.
"Teka, akala ko magkakape tayo ba't nasa bar tayo?" Takang tanong ko nang biglang tumigil si Kuya sa harap ng bar.
"Of course magkakape tayo mamaya, pero ngayon? Let's drink and party!" tuwang-tuwa namang saad ni Carlo.
"Fine, pero sinong makakapag-party sa lagay kong 'to? Hello nakajacket ako." reklamo ko ulit.
"Anong suot mo sa loob ng jacket na 'yan?" tanong ni Dan.
"Black na sleeveless lang." sagot ko naman.
BINABASA MO ANG
Man from Before (COMPLETED)
RomansaSecond chance was only given to those who deserves it. So what if, someone will be back from your past? Asking for another chance... Will you give it a try or nah?