Chapter 2

3.5K 101 1
                                    

Chapter 2






Buong umaga akong badtrip dahil sa hindi pagpansin sa akin ni Aurose.

Kung anu ano ng ginagawa ko sa buong oras naming klase. Naghulog na ako ng ballpen, nagpaparinig na wala akong papel, umarte na masakit ang ulo ko, lahat na! Pero hindi pa rin niya ako pinapansin.

Kaya in the end, badtrip ako sa mga sumunod kong klase. Wala ngang nagtangkang kumausap sa akin.

Sinong kakausap sa akin kung nakasimangot lang ako buong magdamag? Wala!

Mission failed ako sa una kong plano. He's hard to get. Masyado siyang pabebe at pabibo. Nakakainis!

"Mau! Mau! Mau!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Kakalabas ko lang galing last class ko and it's not good dahil may natarayan nanaman ako.

Paano kasi, may isang babae na irap ng irap sa akin kaya sa sobrang irita ko ay sinabihan ko siya na sana matanggal mata niya.

Like what is her problem? Inaano ko ba siya? Kasalanan ko ba na mas maganda ako kaysa sa kaniya kaya pinapansin ako ng boyfriend niya?

"Glad your here. I certainly wanted to skip right now because of these insecure species..." Sabi ko nang makalapit siya sa akin.

"Ganiyan na ganiyan din ang problema ko. You know what? May lalaking gwapo na nagbigay ng note sa akin. He's so handsome! Magkikita raw kami mamaya sa field. Oh my gosh Mau! Nararamdaman ko na ang prince charming ko!"

Umirap ako sa kawalan at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Really? Well goodluck for that. Anyways, do you have the map of this school? Naiwan ko 'yong akin sa bahay e."

Tumango siya at mabilis na kinuha iyon sa bag niya nang may tumulak sa amin.

What the hell just happened? I gritted my teeth.

"Excuse me losers. Dadaan ako."

May biglang dumaan na babae sa gitna namin na sinusundan ng dalawa pang babae. Mukha silang nagmamadali.

"Oh my gosh! My mirror!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Even.

Pinatunog ko ang leeg ko at walang habas na hinila ang buhok ng babaeng tumulak sa amin dahilan para mapabalik siya sa harapan ko.

"Oh my gosh! What are you doing?! Bitawan mo ako! Sino ka ba?! Ouch!"

Hinarangan ni Even ang dalawang babae na nagtangkang lumapit sa amin. I smirked when all of the crowd watch us.

"Obviously the one who is pulling your hair. What did you just call us? Hmm?"

Mas hinigpitan ko ang paghawak ko sa kaniyang buhok dahilan para mapahiyaw siya sa sakit.

Calling us as losers is a very dorky move. I mean really? Mukha ba kaming losers sa mga suot namin ngayon?

"You pathetic crap! Hindi mo ba ako nakikilala? I'm Aurose's girlfriend! Get off me!"

Nabitawan ko ng wala sa oras ang buhok niya. Umayos siya ng tayo sa harapan ko at gigil na gigil na tumingin sa akin.

Oh, I didn't know that the guy who said that I'm landi-ing him have a very stupid girlfriend.

I clicked my tongue and smiled at her. I walked closer to her and gave her a short lean.

"Really? Pinatulan ka ni Aurose? He must be kidding. Look at your hair, the unfashionable dress, I didn't know that civilian dresses are acceptable here, and your attitude. Maybe he's just playing with you..."

When She Spelled Him (Villains Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon