Chapter 17

1.7K 75 12
                                    

Chapter 17



My plan backfired on me. Imbes na ako ang unang papansinin, ako ang unang pumansin. The heck!

Gustong gusto ko ng sapakin ang sarili ko dahil kanina pa ako nangingiti na parang sira dito sa loob ng kwarto ko.

Hating gabi na at ang nasa utak ko pa rin ay ang pag-uusap namin kanina ni Aurose kaysa sa kung paano ako makakatulog ngayong gabi.

This ain't me. This is not me! Supposed to be minumura ko siya sa utak ko pero bakit ganito?

Bakit parang kinikilig ako?

Napabangon ako bigla dahil sa masamang bagay na pumasok sa utak ko. What the hell? Bawal akong kiligin!

Siraulo siya! Siraulo! Bipolar 'yon. Isa siyang Cameron. Hindi ako pwedeng makaramdam ng ganito para sa kaniya. Hindi pwede.

Paulit ulit kong binatukan ang sarili ko, sinapak sa magkabilaang braso, sinampal ang sarili, at kinurot sa tagiliran.

Are you insane Mau? You're cautious, you're evil, you're bad ass, you shouldn't praise that guy, you're the daughter, only daughter, of Mariana De Moon. You should make her proud of you.

Step out of your imaginary circle. It shouldn't be there in the first place.

You must not befriend with any Cameron in this world. Even Aurose, he's an enemy. You shouldn't trust him even though he's the dumbest person you knew for trusting you.

Kinabukasan ay papikit-pikit akong lumabas ng kwarto ko. Nakabihis na ako ng pangklase at nais kong tanungin si mommy tungkol sa sinasabi ni Aurose kahapon.

Laking pasalamat ko at naabutan ko pa si mommy sa hapag kainan. She's sitting like a royal queen, reading some articles, and sipping on her coffee cup.

"Good morning mom." Bati ko sabay halik sa kaniyang pisngi.

"Look darling, kalat na sa social media at sa buong mundo ang kalokohan na ginawa ng mga Cameron sa atin. I'm so happy about it." Masaya niyang sabi.

"You do, of course ikaw po ang gumawa niyan e." Umupo ako sa harapan niya.

She smiled evilly and winked at me, "I know right? Well that's just my very first step for ruining their names. Marami pa akong gagawin sa kanila."

"And how's the progress mom?" Tamad kong tanong.

"Tumaas ang ratings natin! Mas marami ng bumibili ngayon sa atin kaysa sa dati. I told you, it'll gonna work."

Yeah, tapos 'yong trabaho ko ang hindi magwowork dahil paniguradong galit na sa akin lahat ng mga Cameron.

"That's great."

"Indeed great! Masaya ako na mapahanggang ngayon ay hindi pa rin nila nahahanap ng kwintas nila. So proud of myself."

I narrowed my eyes because of that.

"What?" Nahihimigan kong may balak nanaman si mommy dito.

"Anong what? It's happiness darling dahil may darating nanamang bagong kahihiyan sa kanila. That way, unti-unti silang babagsak hanggang sa mabulok sila sa lupa."

Tumawa ng napakalakas si mommy. Napairap naman ako sa kawalan.

Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa mga Cameron o ano. I mean, lupa lang 'yon. Bakit gustong gusto 'to ni mommy?

Marami namang lupa na katulad nun. Malawak, resourceful, mas resourceful pa nga e. Hindi ko lang talaga maintindihan kung ano nga ba talaga ang ipinaglalaban ni mommy.

When She Spelled Him (Villains Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon