Chapter 7

2.2K 55 5
                                    

Chapter 7




A week passed so fast like you just haven't noticed it.

Naging busy si Aurose dahil president pala siya ng english club and he didn't even tell me that.

And Princess, this girl is always getting in my nerves. I mean, wala lang talaga siyang magawa sa buhay niya dahil palagi akong ginugulo.

Hindi ba siya nagsasawa na magparinig ng magparinig sa akin? She's always saying "the bitch.", "the mang-aagaw.", "the flirt." Like hindi ba siya nagsasawa? Her words are too common for me.

Hindi niya lang matanggap na mas maganda ako sa kaniya kaya ganoon. I'm so postive!

Good thing walang Princess akong nakikita ngayon. Nasa loob ako ng library ngayon at sure akong hindi pumapasok 'yon dito.

Also, gusto ko rin ng time out sa mga mapanghusgang mga mata sa labas. Nakakasawa ng palagi kang pinagbubulungan.

Minsan iniisip ko na sana may award sa graduation na most famous topic, I'm so sure na ako ang aakyat sa stage.

Habang nagbabasa ng disney book, 'yong kay Sleeping Beauty kasi sinisipag akong magbasa ng mga kwentong pambata, ay biglang may umupo sa harapan ko.

"Hey, kanina pa kita hinahanap..."

Tinaasan ko ng kilay si Aurose at ibinaba ko na ang librong binabasa ko.

"Why? You miss me that fast?"

"Yes, I miss your rolling eyes and spell words. Pwede mo ba akong tulungan dito?"

Kunot noo kong tiningnan ang Valiant book na hawak niya at halos masunog ang mata ko nang marealize ang gusto niyang ipagawa sa akin.

"You want me to write their names here?" I asked out of disbelief.

Like really?! Tinatamad akong magsulat ngayon!

"Yes, please? Marami pa akong gagawin eh and the english club adviser wants this today."

"Then do it after you do that. Bakit kailangang idamay ako? Nananahimik ako rito Aurose."

Tinaas ko ang librong binabasa ko para hindi siya makita but this man is so stubborn because he put it down.

"Please?" He even make puppy eyes at me.

"No. " umiling ako. Hindi ako matitinag diyan sa papuppy-puppy eyes niya.

"Then there's no land for you." He raised his eyebrow. I gave him a glare.

"Fine, whatever." This is blackmail! Again!

Umirap ako at walang habas na hinila ang Valiant book mula sa kaniya saka 'yong papel kung saan nakalagay ang mga names ng mga new members.

He smiled widely and put all his things on the table.

Hindi ko alam na may dala pala siyang malaking bag at maraming nakalagay doon na papel.

"Bakit pa ito ipapasulat sa Valiant book kung nakaprint na sa long coupon band?" Naiirita kong tanong.

Una kong sinulat ang pangalan ko. Of course! It should be me, para malaman ng lahat na kasama ako sa club na 'to.

"I don't know. Ask our english adviser..." Kibit balikat niyang sagot.

"Aurose, hindi ka ba naaawa sa akin? I'm your girlfriend and yet you're so harsh to me. Pinapahirapan mo ako."

"Sulat lang 'yan Mau. Just enjoy it, matatapos mo rin 'yan. Besides, wala ka namang ginagawa."

He's so busy writing some stuffs. Ang dami niyang trabaho pero wala akong pakialam.

When She Spelled Him (Villains Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon