Chapter 4

2.6K 76 0
                                    

Chapter 4



"Hi mom! I have a good news for you!" Bungad ko kay mommy pagkauwi ko sa bahay.

Likewise, I want her to be proud of me and saying that Aurose is my boyfriend now will make her happy.

I know my mom so much. Sobra siya magalit kapag may mga bagay akong nagagawa na mali sa kaniyang pananaw.

I always this considerate and obedient. I follow her rules, her commands, because-yeah she's my mother. No need explanations for that.

Ibinaba niya ang hawak hawak niyang libro at nag-angat ng tingin sa akin. I smiled at her and gave her a kiss on her cheek.

"Sinimulan mo na ba ang plano?"

Tumango ako at tumabi sa kaniya.

"Technically, the Cameron's heir is my boyfriend now so yeah, I will start my plan."

"Will?" Kumunot ang noo niya. "You'll just start our plan? Haven't you already started it?" Pinagtaasan niya ako ng kilay.

Nanlaki ng mga mata ko at ngumiti ng pilit.

"Have started. I have started my plan. Sorry mom, I was just this so stressful because of my first day. There's so many insecure people inside that school. Why did you even enroll me there?"

Kinuha ko ang librong binabasa ni mommy at binasa iyon ng kunwari para hindi niya mahalata ang pagsisinungaling ko.

Okay alright?! Sisimulan ko pa lang ang plano ko but Aurose started it so apparently, magsisimula pa lang ako sa plano ko.

"Don't disappoint me dear. I'm counting on you. Grounded Mau. Grounded."

Inagaw niya sa akin ang libro at tinuro ang taas. Umawang ang bibig ko nang dahil doon.

"Go upstairs and change your clothes. You are good job for today..."

Tipid akong ngumiti at pumanhik na pataas.

That's my mom. No concern questions about me, no sweet words for me.

Maaga akong natulog kaya maaga rin akong nagising kinabukasan.

Hindi ko na naabutan si mommy na mag-almusal dahil umalis na raw ito kaagad kaya mag-isa lamang ako sa hapag kinaumagahan.

Kasalukuyan akong nagdri-drive papunta sa school nang may nagpreno sa gilid ko kaya taas kilay ko 'yong nilingon.

And there, I saw the prince who's smirking at me like a complete pervert animal.

Binaba ko ang bintana ng kotse ko para makausap siya ng maayos because he's signaling me to talk to him.

"What are doing?!" Sigaw ko para marinig niya.

"Good morning too. Let's have a race, huling makakarating sa school ay maglilibre ng lunch."

Aapila pa sana ako nang humarurot na ang kaniyang kotse papunta sa aming destinasyon.

Tiim-bagang kong pinaharurot ang kotse ko para maabutan siya. What the hell is his trip?!

Wala ba siyang magawa sa buhay niya at ako na girlfriend niya ay niyayaya niya na magcar racing sa gitna ng pampublikong kalsada?!

Umikot ang mga mata ko nang bagalan niya ang kotse niya. Anong akala niya sa akin? Mabagal?!

Mas binilisan ko pa ang kotse ko kaya in the end, hinahabol na ako ng police mobile.

Nanlaki ang mga mata ko. It was a trap! Darn you Aurose! Kaya pala binagalan niya ang kotse niya dahil may police mobile na nagroronda sa buong paligid.

When She Spelled Him (Villains Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon