Chapter 30
"When?" I asked.
Kasalukuyan na siyang nasa upuan niya at busy'ng nag-aayos ng mga files na para bang wala siyang dinalang babae dito.
"Aurose, I'm talking to you."
"Wait Mau, may hinahanap ako."
"Is it more important than your own girlfriend?" Taas kilay kong tanong.
"Yes," sumimangot ako sa sinabi niya.
"Can't you just be sweet or something to me? After you kiss me you'll say that?" Tila punong-puno ng hinanakit ang pangungusap ko.
"Later, after I-oh! Here it is!"
Napangiwi ako sa nakita kong hawak-hawak niya. Folder? Mas importante pa sa akin 'yang walang kwentang white folder na 'yan? Excuse me?
"After intrams, aalis tayo. Foundation day kasi ang next sa intrams at isang linggong wala masyadong klase. Mag-eexcuse ako sa admin."
"Oh okay."
That makes so much sense, akala ko kung anong hinahanap niya.
"Now go, bumalik ka na sa classroom natin. May gagawin pa ako."
Napamura ako ng pagkalakas-lakas sa inutos niya sa akin. Like what the heck?! Hinila niya ako papunta dito tapos pagkatapos niyang halayin ang mga labi ko, palalayasin niya ako?!
"How dare you Mr. Cameron! Sa pagkakaalala ko you brought me here, you should bring me there."
"Huwag ng maarte. I need to finish this para wala na akong problema sa foundation day. That way I can focus to you." Aniya saka nag-angat ng tingin sa akin.
Bakit iba ang pakiramdam ko diyan sa 'I can focus to you' niya? Tumaas ang kilay ko dahil sa sobrang nerbyos.
Napansin kong bahagya siyang napangisi kaya umismid ako at inirapan ang walang pusong prinsipeng nasa harapan ko.
"K-kahit na! You should take me there! You're the one who's responsible for this!" Napaiwas ako ng tingin nang mautal ako.
Oh fudge! Talagang ngayon pa ako naapektuhan kung kailan kailangan kong maging matatag!
"Nagkusa kang sumama sa akin,"
"Excuse me? Hinila mo kaya ako! Baka nakakalimutan mo!"
"You didn't protest," ngumisi siya.
"That is because you're--you are much more stronger than me!"
Hindi na maganda ang pakiramdam ko. Parang anytime mangangalmot na ako ng nakakaasar na nilalang.
He's from outer space. Alien siya. Hindi maintindihan. Bipolar na nilalang. Argh! Ang sarap batuhin!
"Maluwag ang pagkakahawak ko sa'yo..." Umismid ako sa sinabi niya.
I know he's enjoying this because the moment he intertwined his fingers and rested his chin there, I can vividly see his smirking eyes.
"Wow, maluwag pa pala 'yon sa lagay na 'yon? Ang lakas mo naman yata." Sarkastiko kong sabi sabay paikot ng mga mata.
"Well, it runs in our blood."
"Ang kapal ng mukha mo. Don't you know my tone? It's sarcastic!"
"Papuri naman sa pandinig ko." Kibit balikat niyang sabi habang nagsisimula ng magbuklat ng mga files.
"Hindi 'yon papuri! Sarcasm 'yon! Argh! Why am I even talking to you?"
"Because... I'm your boyfriend?"
BINABASA MO ANG
When She Spelled Him (Villains Series #1)
Teen FictionVillains are enemies and enemies should taste their downfall. But guess what? I fell in love with a villain. ********** Mauiandra De Moon never fails her mother's wishes. She always do whatever her mom told her so. She's an obedient child...