Chapter 38
Kinabahan akong kaagad. No, hindi pwede. Paano nila kami nasundan? Bakit hinuhuli na nila ang mommy ko?
"Wait what?! Why would you arrest my mom?!" Sabat ko sa kanila sabay yakap kay mommy na pilit na pinoposas ng mga pulis.
"We have discovered that you're mother is one of the top most wanted person in the Philippines and as a servant of the laws, we're here to arrest your mom and send her off to the Philippines." Sagot sa akin ng nakatataas sa kanila.
"But I didn't do anything! I promise! You can background check me! I didn't do anything! Police officer believe me!" Asik ni mommy sa kanila.
"We're very sorry ma'am. We are here to obey the protocol. Let's go to the police station..." Sagot sa kaniya nung police officer.
"No! You will not take my mom away from me!" Sigaw ko sabay tabig sa mga police ngunit malalakas sila kaya ako ang natabig nila dahilan para matumba ako.
"Let's go gentlemen." Unang umalis ang police officer na kausap ko bago sumunod ang tatlong alagad niya.
Nahihirapan man ay agad akong tumayo at tinakbo ang distansya nila mula sa bahay.
"Mommy!" Sigaw ko.
"Anak! Call Mr. Ogapay! Call her Mau!" Sigaw niya bago siya tuluyang maipasok sa police mobile.
Tuluyan na akong napaupo sa kalsada habang tinatanaw ang kotse ng mga pulis. Some of our neighbors are confused about what happened but I managed to ignore them.
Ito na nga ba ang ikinakatakot ko. Akala ko malaya na kami. Akala ko magiging okay na ang lahat. Bakit nakaabot dito ang tungkol doon?
Pero agad ko ring nasagot ang mga katanungan ko. Mga Cameron pala ang kalaban namin. Very powerful Camerons.
Ang galit ay muling sumibol sa aking puso. Magbabayad sila sa pagdakip sa mommy ko. We will fight. Hindi naman natuluyan ni mommy si Mr. Cameron. Bakit pa nila hinahabol?!
I gathered all of my craps and run towards our house. Hindi dapat kami magpapatalo. Si mommy ang pinag-uusapan dito. Kailangan ko siyang ipaglaban. Siya na lang ang natitira sa buhay ko.
"Hello Mr. Ogapay?"
"Yes hello? Who's this?"
"I'm Mauiandra de Moon, Mariana's daughter. Mommy's got caught by the policemen. I need your help."
"What station?" Sagot niya agad.
Sinabi ko sa kaniya ang estasyon na pagdadalhan kay mommy bago ko tinapos ang tawag at sinunod ko si Even.
"E, I have a problem. Mommy's got caught. The Camerons are still finding their so called justice. Damn them." Bungad ko.
"What?! How? When?! Oh my gosh, are you okay Em?"
"Of course not! I'm not okay! Kasalanan 'to ng mga Camerons! Baka uuwi kami ng Pilipinas. I need to fight for my mom's freedom." Sagot ko habang nag-iimpake ng mga gamit.
I know uuwi kami. Alam kong babalik kami. Pero hindi sa ganitong paraan. Biglaan at hindi inaasahan. Bakit ba punong puno ng kakaibang surpresa ang buhay ko?
I silently cursed under my breath. Hindi ko na alam kung anong uunahin ko. I need to clear my mind.
"Sasama ako. Uuwi na rin ako." Aniya.
"Yes please-wait what? A-are you sure?" Napahinto ako sa pag-iimpake.
"Of course, I've fully moved on, Mau. Don't worry. You're my best friend so I have to be with you."
BINABASA MO ANG
When She Spelled Him (Villains Series #1)
Teen FictionVillains are enemies and enemies should taste their downfall. But guess what? I fell in love with a villain. ********** Mauiandra De Moon never fails her mother's wishes. She always do whatever her mom told her so. She's an obedient child...