No one dare na tumingin sa apat na nasa likudan their top student or so called Leader ay nagsalita na nagpatikom nang bibig namin. "Alam niyo na kung sino kami so hindi na namin kailangang magpakilala right Prof? " Napatingin ako sa Prof namin at ngumiti siya sakanila na parang kilala na niya ang mga ito at sanay na siya sa ugaling pinapakita nila.
"Yes,The four of you don't need to introduce yourself, Kings.
-
LJ Eloiza Reighn POV.
Napatingin kami sa pintuan nang biglang bumukas ito nakita kong humihingal pa ang dalawa na pilit hinahabol ang kanilang paghinga, Namamalikmata lang ba ako na feeling ko nag green yung mata nila at bigla nalang bumalik sa dati? Hays ewan baka sa gutom ko lang ito.
Hindi pa kasi ako kumain nang breakfast dahil nga late na ako nagising kaya ako kinakabahan kanina dahil huli ako sa dumating pero meron pa palang dalawa.
"Since hindi pa naman nagsisimula ang klase at nagpapakilala palang ang mga kaklase niyo so the both of you should introduce yourself and tell me the reason kung bakit kayo nalate". Seryosong sabi ng aming prof kung kanina ay ang bait bait nang aura niya ngayon para siyang lion. Tumango naman ang dalawa at naunang nagpakilala si Brent.
"Hi I'm Brent,Queen section. I'm late because" Huminto siya at tumingin sa prof namin habang nakangisi. "Vrísko ti vasílissa mou". Sabi nito sa ibang lenguwahe na hindi ko naman maintindihan pansin ko lang ha magmula sa pangalan ng section namin ay ibang lenguwahe na ang ginagamit wag niyong sabihin na kailangan ko rin pagaralan ang lenguwahe na sinasabi nila?.
Pumunta siya sa bakanteng upuan sa may left side ko tig apat kasi ang upuan dito at nasa pang tatlong row ako. Gulat ko nalang na sa dami dami nang bakanteng upuan dito siya tumabi.
"Hi I'm Cloude Del Mercen" Pagpapakilala nito na hindi manlang sinabi kung bakit ba siya nalate naupo siya sa katabi ni Wendy. I look at them at para silang magkakilala siguro magjowa sila nako iiyak nanaman yung si Janine na yun.
"Okay,So class this will serve as your new subject i mean ganon parin ang magiging sched nang subjects niyo kung nasa Queen ka doon ka parin para bang naisingit lang ang pagaaralan niyo galing sa eidikí elít. Magsisimula ang ating klase bukas at ito ang tatandaan niyo ang lahat nang pagaaralan natin sa Section na ito ay hindi pwedeng malaman nang iba nagkakaintindihan ba tayo?" Pagpapaliwanag ng aming Prof,Natuwa ako nang malaman na parang naisingit lang ito sa sched namin dahil makakasama ko parin si Janine baka kasi magtampo yun kapag mawalan na ako nang oras sakanya nababahala rin ako dahil pinangakuhan ko pa naman na tuturuan ko siya sa mga pinag aaralan namin para maging handa siya next year kaso bawal naman palang ipagsabi .
May nilabas ang prof namin sa ilalim nang kanyang mesa at isa itong paper bag, "When i call your name lumapit kayo saakin at ibibigay ko yung uniform niyo at badge" Sabi nito,Hala! Special nga talaga kami.
Tinawag na ang ibang mga studyante at nang tinawag niya ako ay agaran akong pumunta sa harapan ngumiti yung prof saakin na pinagtaka ko.
Bumalik na ako sa upuan ko at tinignan ang laman nito
Mula sa uniform at badge mapapamangha ka talaga, Ngunit hindi ko batid ang tatlong desenyo na nandito hindi sila familiar saakin at sa pagkakaalam ko ay Spade,King at Queen lamang ang tanging badge na meron dito sa university. Hays bahala na nga.
"Dahil nandito kayo sa Special section ay magiging special rin ang trato sainyo walang kung sino man ang kakalaban sainyo ang may kanya kanya kayong condo syempre rin kung may department ang Queen,King at Spade meron din sainyo pero nandito lamang ang kakailanganin niyo sa araw araw pwede kayong pumunta sa mga department na gusto niyo. 6:00 pm at 9:00 pm ang sched niyo saakin walang malalate dahil may kaparusahan kung malalate kayo.
So full pala ang sched namin? Sa umaga 8:00 am ang pasok ng spade at 5:00 pm naman ang uwian namin. Hays ganito pala yun mawawalan na tuloy ako ng pahinga.
"Don't worry madali lang ang mga ituturo ko (Myaló,kardiá,prosdiorismós,epidexiótita and the last thing ay malalaman niyo kung nalagpasan niyo na ang pagsubok na ipapagawa ko, Kayo ang magiging importanteng studyante sa university na ito kaya dapat niyong pag igihan mabuti ang pag aaral ninyo maliwanag ba? Sainyo nakasalaylay ang kaligtasan ng university na ito". Nakahinga ako ng maluwag ng malaman ko na madali lang pala ngunit hindi ko mawari kung ano eyong sinabi ng Prof namin na ituturo niya hindi ba pwedeng magsalita siya na hindi gamit ang ibang lenguwahe? Kakainis ha saka ano yung kami ang kaligtasan nang university na ito? Mapapasabak ba kami sa gyera? Luh!
"Class dismissed"
===============================================================================