-
"Ibibigay mo siya saakin o papatayin ko itong inaalagaan mong magiging sagabal sa plano ko?" Maawturidad na sabi nito at ipinakita saamin ang isang walang malay na si-
Janine?
-
3RD PERSON POV.
Sa apat na sulok na kinakaroonan nila ay para bang hindi ka makakaapak dito dahil sa tensyon na bumabalot sakanila, "Mali ata ang nakuha mo Joe" May halong pangaasar na sagot ni Jester na ikinais naman ni Joe.
"Andito siya oh." May inilabas si Jester na isang nagbabagang bolang kulay dilaw magmula sa kanyang kamay.
Hieterie (Ang orb na ito ay may kakayahang ilagay sa ibang demension ang isang tao).
Matining galit ang naramdaman ni Joe nang makita niya ang isang babaeng nakaupo na tila tuliro,Makikita mo dito ang walang kakulay kulay na mundo kung saan tanging makikita mo lamang ay itim at ang babae na nakasuot nang Spade Uniform.
"Alam mo ba kung sino yan?"Tanong ni Jester,Napangisi na lamang ito nang hindi makasagot ang kalaban niya.
Minulat nang pekeng Janine ang kanyang mga mata,Makikita sa kanyang mga mukha ang pangaasar pinakita pa niya ang demonyo niyang ngiti at tila bula itong nawala.
"Anong ginawa mo ha?!"
"Akala mo hindi ko alam na ginamit niyo ako noong mawala ang lakas ko,Leven control my mind kaya ang prof na nagpakilala sakanila ay hindi ako, Kinontrol niyo din na hindi kayo dapat makikipagtigasan nang utak dahil gagamitin niyo ang mga estudyanteng nabigyan ko nang kapangyarihan sa mga nais niyo akala niyo din ba ay hindi ko malalaman na gagamitin niyo ako hanggang sa huli. Papasunudin ang mga estudyente ko at sa paglipas nang panahon ay gagawin niyo silang kasangkapan para magamit sa mga plano niyo!"
"Pa-paano mo nalaman yun?" Utal utal na tanong ni Joe,Na tila kinakabahan ito. Dumako ang kanyang paningin kay Leven at galit itong tumingin sa kanyang kaibigan.
"Hindi niyo ako makokontrol nang ganon nalang Joe,Nakontrol man ang isip ko ngunit hindi niyo parin maaalis ang kapangyarihan ko baka nakakalimutan mo Joe mas malakas ako kaysa sa taong ginamit mo,Si Leven. Alam mo na rin kung gano siya kaimportante para maisagawa kung ano man ang binabalik niyo"
Sasagot pa sana si Joe ng makita nila si Leven na nangingisay at namumuti ang mata nito, Umilaw ang kanyang mga mata gayon rin ang kanyang kamay na tila may inaabot mula sa taas.
Ang mundo ay guguho
Kasamaan ay mananalo
Kabutihan ay matatalo
Ngunit may isang tao
Na kayang pigilan ito
Siya ang pinakamalakas
Siya ang itinakda
Siya ang nawawalang anak ng Mremori
Andito siya sa ating mundo
Sa kanyang kaarawan
Ay lalabas ang kanyang tunay na anyo
Dadanak ang dugo
Sa kanyang paghihiganti tayo ay maglalaho
--------------------------------------
Short UD lang Guyshiii!! Mas lalo pa nating paguluhin ang storya na ito!!