CHAPTER 25

20 5 0
                                    

Bumungad si Tito Kleo at pagod na pagod ang itsura nito,Napakagwapo talaga itong Tito ko na ito pero ayaw naman niyang magpapicture saakin.

"Cloude pumunta ka sa silid ni Chance ngayon din" Sabi nito at umalis na.

So ano kaya yun?

-


  Cloude Del Mercen  POV.


"Dito ka lang ha, At wag kang aalis kundi malalagot kana talaga saakin" Sabi ko kay Janine at di ko na pinakinggan ang sasabihin nito dahil nararamdaman ko na may mali sa kinikilos ni Kleo, Pag labas ko nang pintuan ay ginamit ko ang kapangyarihan ko upang panatilihin itong nakakandado mali man dahil parang nilagay ko na rin sa rehas si Janine ngunit kailangan ko itong gawin dahil na rin sa kanyang kapakanan. Gumamit ako nang teleportation upang mapunta ako nang madalian sa silid ni Leven.


Nakita ko silang nakaupo sa sofa at halatang ako nalang ang kanilang inaantay,Umupo na rin ako at tinignan ko sila gamit ang aking nagtatanong nang mga mata.


"Hindi ko mahanap ang apat na pinagkalooban nang kapangyarihan ni Jester,May nilagay ako sakanilang tracker para pagkailangan na natin sila ay madali ko nalang mahahanap ang mga ito ngunit wala sila walang bakas at para silang mga bagay na binura sa mundo" Pagpapahayag ni Kleo na lubos namin ikinagulat. 


"Sino naman ang may kagagawan non? Andito sila sa demensyon nang kahariang Petaloúda. Papapaano sila makakapasok dito nang basta basta nalang ?" Takang tanong ko.


"Nakakapagtaka rin na nakapasok sila dito nang basta basta,Ngunit ang pagkawala nang aking kapatid at ang pagkawala nang apat na pinagkalooban nang kapangyarihan ay maaaring kasagutan sa ating mga tanong. Baka rin na nakuha na nila ang mga kapangyarihan nito at pinatapon nalang sa ibang mundo kayat di natin sila makita" Sabi ni Leven, Pwede ring mangyaring nakagawa sila nang paraan upang makapasok sa demensyon na ito, Pwede ring-


"Noong nagpunta si Janine at LJ sa dating university, Pinahayag saakin ni Janine na umilaw ang logo nang Special Elite at may naaaninag siyang kulay pulang ilaw na sumusunod sakanila may nakita rin siyang hugis tao na may hawak nang tungkod sa pintuan nang Special Elite at nang tignan niya ulit ito ay bigla nalang itong naglaho  hindi niya ito pinagbigay alam kay LJ dahil baka daw guni guni niya lamang" Pagkwekwento ko, Inilabas ni Leven ang Logo nang Special Elite sa kanyang mga kamay nagliliwanag ito at may ibat ibang kulay.


"Hindi maaari ito,Ang logo na nakita nila ay hindi ang orihinal na logo nang Special Elite dahil nasa pangangalaga ko ito kasama na ang tatlong simbolo hindi ko hawak ang simbolo nang King at nang dragon dahil alam kung ninakaw na ito ni Joe at- " Napaisip siya at bigla na lamang may lumabas na paru-paro sa kanyang mga kamay.


"Ginamit niya ang simbolo nang dragon para mabuksan ang portal dito sa demensyong ating kinalalagyan at si LJ lamang ang makakagawa non dahil hawak niya ang tatlong elemento kaya niyang pawalain ang proteksyon nang ating demensyon sa isang iglap lamang ang mga pulang bolang kanilang nakikita ay ang Téssera Monarchía stefanón at ito  ang mga alagad nang Vasiliás. Tao ang kanilang anyo ngunit nakakatakot ang mga itsura nito wala silang puso maging narin ang lamang loob tanging nalalantay lang sakanila ay ang itim na dugo na nakakapagbigay sakanila nang kakaibang mahika na mahirap kalabanin kung mortal ka lamang naging isang pulang bola lamang sila dahil wala sila saating demensyon at nakakasigurado akong nandito na sila ngayon at naghahanda na upang wakasan ang ating mga buhay na hindi natin napapansin" Pagpapaliwanag nito.

Hidden IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon