CHAPTER 14 [SHAPESHIFTER]

22 4 1
                                    

-

  Umupo ako sa tabi ni Leven at pinunasan ang luha na nasa pisnge nito, "Alam kung dulot lang ng galit kung bakit mo ginagawa yun pero sana wag ka ng maggamit ng iba para sa pansariling kaligayahan mo" Sabi ko dito, Hinawakan ko ang kanyang kamay na marami nang buhay ang niwakasan. Kung gagamitin lang sana niya sa kabutihan ang kakayahan niya ay maari pang magbago ang itinakda. 

-  

  Janine Clarence Saint  POV.

  Matinding takot ang bumabalot saakin dahil hindi ako makawala sa kadiliman na pinaglagyan saakin. Para akong preso sa isang madilim na mundo na hindi ko alam kung kailan ako makakatakas dito.


 Ang huli ko lang natandaan noong tinignan ko ang mga nakapasa sa Special Section dahil sa matinding pagkadismaya ko ay umalis ako doon, Nahihiya kasi ako kay LJ nainggit ako dahil mabuti ay nakapasa siya nakita ko ang pagbalik niya ng answer key na nakuha namin doon sa eraser ng lapis niya. Samantalang ako ay nangdaya ako hindi ko na maisip kung ano pa ba ang maaaring mangyari dahil na rin sa kasabikan kung makapasa sa Special Elite.


 Dahil yun sa mahal na mahal ko,  Cloude Del MercenMatapos non ay bigla nalang akong nawalan ng ulirat ng nasa garden na ako,Dito kasi ako palaging tumatambay kapag mag isa lamang ako tulad ngayon, I found a peace in that place.


 Pero ngayon hindi ko alam kung papaano ako makakatakas sa madilim na mundo na ito. 


-----------------------------------------------------------------------------------------------------

LJ Eloiza Reighn POV.


Bakas ang saya sa aking mukha sa isang simpleng selebrasyon na ginawa nang mga kaibigan ko,Hanggang sa umuwi ako nang aking condo ay nakangiti parin ako napakasaya ko sa araw na ito dahil sa dinami dami nang mga araw ngayon lang ulit ako ngumiti ng totoo.


Nilapag ko sa sofa ang bag ko at lumundag ako dito, Nakakapagod na araw ngunit masaya naman. Napatingin ako sa Lion na Logo sa taas nang pintuan dito sa loob nang tinitirhan ko. Halos manginig ako sa takot nang bigla nalang itong gumalaw hindi leteral na gumalaw ngunit ang mga mata nito ay gumulaw na parang nakatingin saakin. Gusto kung lumabas pero nasa taas lamang nang pintuan ko ang logo na ito.


Ilang secondo pa ay bumuga ito nang usok, Pinipilit kung ibuka ang aking mga mata ngunit huli na ang lahat tanging nakikita ko lamang ang isang babae na nasa harapan ko bago ako mawalan nang ulirat.


3RD PERSON POV.


"Buhatin niyo na yan" Utos nang babae na nagplano nang lahat nang ito,Kasama niya ang lalaki na matagal ng tumutulong sa kanilang mga plano kahit na ito ay nanghihina dahil sa lubos na panggamit nang kanyang kapangyarihan. "Anong gagawin mo sakanya?" Tanong nang lalaki, "Panahon na upang isagawa ang plano natin Kit" Sabi nito.


Dahil sa isang Shapeshifter si Adrian ay nagagaya niya lahat nang anyo nang mga taong gusto niyang gayahin ngunit sa kadahilanang hindi pa niya gamay ang kanyang kapangyarihan ay mabilis lang itong mapagod.


Siya ang gumaya kay Janine, Inilagay niya ito sa ibang demensiyon na tanging siya lang ang makakabukas at hanggang ngayon ginagamit pa rin niya ang katawan nito dahil sa plano nilang magkakaibigan. 


Lingid sa kaalamanan nang lahat ay malayo ang ugali nito sa kanyang Kapatid pero may tinatago itong demonyo sakanyang kaloob looban.


'Damon Kit' ang pangalan ng kanyang pangalawang personality,Dahil sa trauma na naranasan nito magmula nang mamatay ang kanilang mga magulang ay gumawa ang kanyang isipan nang panibagong buhay na siyang magliligtas sa kanya mula sa kapahamakan.


at hanggang ngayon si Kit parin ang nagmistulang host sa kanilang dalawa dahil malimit nalang nito na inilalabas si Adrian sa kanilang isipan. 


Ayaw na niya muli itong mapahamak, Kung maaari ay siya nalang ang tatapos sa plano nila upang maghiganti sa dinanas nang kanyang mga magulang.


Hinahanap parin nila ang salarin ang taong kayang manipulahin ang utak nang isang tao kahit na malayo ito,Kayang pumatay nang isang tao na sa isang iglap lamang.


Si LJ Eloiza Reighn lamang ang makakasagot nito dahil nasa kapangyarihan niya ang magbago nang nakaraan at hinaharap.


"Wala pa ba si Leven?" Tanong ni Joe na ikinailing nalang ni Kit,Kailangan na kailangan nila si Leven ngayon dahil kaya nitong mapasunod ang kung sino mang naisin niya kaya niya ring burahin ang mga alaala nang nakaraan nito, At ang pinaka special niyang kapangyarihan ay kaya niyang manggamot. Narinig ni Kit ang sinasabi ni Leven sa kanyang isipan sumakit man ang kanyang ulo ay hindi na niya ininda ito. "Sabi niya,Kinulong siya nang kuya niya" Sabi nito kay Joe. Lumukob ang galit sa kanya at lumabas ang apoy sa kanyang mga kamay pumula ang kanyang mata na ihahalintulad sa isang dugo.


 "Nakakasigurado akong lumakas nanaman ang kapangyarihan niya,Siguro ay nagiisip na siya nang paraan para itigil ang plano nating nasimulan na. Kahit kailan talaga hindi siya matahimik napakawalang kwenta niya!" Sigaw nito, Dahil sa sobrang galit niya ay muntik na niyang natusta si Kit mabuti nalang ay naging maagap ito. 


"Kung ako sayo hindi ko na susunugin itong tinitirhan nang puntirya natin dito kundi,Pupuntahan ko na si Jester at siya ang tutustahin ko". Sabi ni Kit, Habang pinapagpag ang kanyang nausukang kasuotan.


"Alam nating mas lumakas pa siya hanggang ngayon,Kailangan ko nang gumamit nang dahas upang mapanalo ko ang plano na ito".  Sabi ni Joe,Na puna nang determinasyon,No one can beat them walang kung sino man ang makakatalo sakanila.


"Kailangan na nating gamitin ang tatlo"

===============================================================================

Hidden IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon