-
Nakaramdam ako nang pananakit,Kaya nagsisisigaw ako sa sakit hindi ko batid kung saan banda nang aking katawan ang nagmumula nang sakit na iyon pero ramdam kong tumatagos ito saaking loob para bang may libo libong pana na tumagos saaking katawan. Namimilipit ako sakit hanggang sa nawalan na ako nang malay.
-
3RD PERSON POV.
"Joe?" Hindi makapaniwalang sabi ni Leven na nagpahalakhak sa kanilang kalaban,Nagpaikot ikot pa ito sa kanila huminto siya sa harapan nang kanyang kuya at nginisian ito. "Alam mo Kleo,Kung matagal ka nalang sanang sumanib saamin ay ligtas ka" Sabi nito, "Kahit kailan! Di ako magiging katulad ni ama!" Sigaw nang kanyang kapatid,Gagamitan na sana nito ang kanyang kapangyarihan nang hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan hindi niya rin mailabas ang kanyng kapangyarihan.
"HAHAHAHAHAHAHHA! Wala kang magagawa Kleo! Mahina ka pa,Nakakalimutan mo atang nailabas mo ang kalahati nang iyong kapangyarihan sa pagpigil sa portal kaya ka nawalan nang dna na nagsusupplay sayo ng kalahating kapangyarihan mo na minana mo pa saating Ama,Hindi ako pipigilan nang pagiging mangkukulam mo dahil hindi mo maaaring gamitin ang wand mo dahil hawak na kita ngayon" Habang nasa ganong paguusap ang magkapatid ay pilit na kinokontrol ni Leven ang isip ni Joe pero hindi niya ito magawa gawa tila ba may isang malakas na harang ang nagproprotekta dito.
"Wag mo nang sayangin ang lakas mo, Ex Bestfriend akala ko kakampi kita pero kalaban ka pala alam mo bang pinagkatiwalaan kita noon ngunit ganito lamang ang iyong ginawa" Sabi ni Joe kay Leven na nagsisisigaw na sa sakit dahil sa may malakas na kapangyarihang pilit na pinapasok ang kanyang isipan. "Nakakalimutan mo rin atang mas malakas ako sayo".
Hindi magagamit ni Cloude ang isang kapangyarihan niya dahil wala rin itong epekto kay Joe,Ang Hueklepei o tinawag na nangangalaga sa asul na tigre ang lahi na ito ay ang pinakatahimik sa lahat ayaw nilang sumali sa away nang ibang palasyo kahit na isa sila sa pinakamalakas na lahi. Kaya nilang kontrolin ang tubig at yelo sa isang napakalakas lamang na nilalang ang kayang magpalabas ng asul na tigre mula sa kulungan nito pag nailabas niya ito ay sasanib ito sa kanyang katawan at sila ay magiging isa. Ang makapangyarihang nilalang lamang ang siyang susundin ng asul na tigre.
Kaya ang mga estudyante sa Queen Monarchy ay tutok lamang sa kanilang ginagawa,Hindi rin ito magawang galawin nang mga nasa King dahil matatalo lang sila nang dalawang isa sa mga pinakamalakas na kapangyarihan sa buong unibersidad, Si Brent at Cloude , Pinapangalagaan nila ang mga mortal na tanging gusto lamang ay ang makapagtapos na may matataas na marka walang kung sino man ang nagtatangkang manakit sakanila dahil ang logo na nasa kanilang uniporme ay may kapangyarihan na kapag nasa panganib ang mga estudyante ay malalaman ito nang dalawa.
Dalawang elemento ang hawak nila,Ngunit mas malakas parin ang may hawak nang tatlong elemento dahil mapapasakanya na rin ang isang elementong pinakamalakas sa lahat.
Na kayang puksain ang kung sino man.