CHAPTER 19 [ DARK MONARCHY UNIVERSITY]

21 4 0
                                    

-

"Alam mo kahit na pilit kung pinagtatabuyan yang Papa mo dati mahal na mahal ko yun,Nagkamali nga ako eh puro sakit nalang ang binibigay ko sakanya pero sinusuklian niya ito nang pagmamahal at pagaaruga" Pagkwento ni Mama, Agad ko naman siyang yinakap at sinabing andito lamang ako para pagaanin yung loob niya.

Dahil ang alam ko lamang ay kailangan ako ni Mama para makabangon siya muli at gagawa ako nang paraan para malaman ang sekreto kung bakit biglang naglaho nalang na parang bula ang mga tao sa Dark Monarchy University.

-

LJ Eloiza Reighn POV.


"LJ Bakit tayo nandito? Bawal tayo dito" 


Bulong na sabi ni Janine, We're here sa likod nang Dark Monarchy University at sinama ko na siya dito isasama ko rin sana si Brent ang kaso wala siya ngayon sa school and we're here it's exactly 1am nakauniform pa kami dahil nagpaalam ako kay Mama na gagawa lang kami nang project sa bahay nila Janine mabuti nalang at napaniwala ko si Mama dahil pagod rin siya galing sa trabaho ay di na siya nagtanong pa. 


Bakit kami nandito? Gusto kong malaman kung bakit nawala nalang ito nang parang bula at kung bakit rin na pinaghihigpitan ang pagbabantay dito gayong wala namang tao or what.


Mula dito sa kinakatayuan namin nakikita ko ang mga limang gwardya na nagpapatrolya sa labas ng University mabuti na lamang ay hindi kami makikita dahil narin sa isang madilim na parte kami nakatago, Sa likudan kasi non malapit sa isang matayug na puno ay makikita mo ang medyo may kalakihang butas malapit sa ibaba nito na nilagyan lamang nang malaking bato. Hindi ko nga alam kung bakit andoon parin yun, Yun kasi ang ginagamit ko para makapuslit dati dahil wala naman kaming masyadong ginagawa noon at luckily hindi naman ako nahuli kasi medyo tago itong pinaglusutan ko pano ko ito nalaman? Dahil dito kay Janine na hindi ko alam kung nag kaamnesia o ano dahil wala daw siyang maalala na nagaral siya dito at ako rin daw.


Hawak hawak ko ang isang maliit na baril na may balang pangpatulog nakita ko lang ito sa kwarto ko at inasinta ko yun sa pusa ko tapos ayun tulog, Tulog parin siya hanggang ngayon sorry mingming huhu.


 "Hoy Eloiza di ko alam mamamatay tao ka na pala ha" Bulong ni Janine saakin na agad ko namang binigyan nang masamang tingin agaran naman itong nagpeace sign na ikinailing ko nalang. Inaasinta ko na ang target na malapit na dito saamin.


Boom sapul sa ulo


Dali dali kung hinatak si Janine papunta doon sa butas na hindi gumagawa nang ingay mahirap na baka mabisto kami at malaman pa ni Mama.


Sa isang oras naming pagtatago at pagaasinta sa target ay sa wakas nakatungtong na rin kami sa Loob, Kung ordinaryong tao lamang ang nandito nakakasigurado akong takot na iyon dahil para itong nagmukhang Ghost Town dahil wala kang maririnig na kung anong ingay at tama nga sila wala ring tao ang nandito, Nakakapagtaka dahil walang gwardya ang pumapasok sa loob tanging sa labas lang.


Nakakapit si Janine sa kamay ko na takot na takot,Mabuti na lamang ay may dala kaming flashlight dahil puro kadiliman ang makikita mo sa loob.


Halos walang pinagkaiba ang extraktura mula noon hanggang ngayon ganon parin makikita parin ang apat na badge sa hallway, Pinuntahan namin ang Special Elite na sa pagkakaalam ko ay katabi nang Department nang Queen.


Napatingin ako sa gilid nang may para akong nakitang umiilaw na bolang apoy,Pero pagtingin ko dito ay nawala rin hays baka guni guni ko lang.


"Alam mo Eloiza,Di na dapat ako sumama sayo nakakatakot dito parang may nakatingin saatin habang naglalakad" Bulong na sabi ni Janine at nararamdam ko rin ang takot sa kanya.


"Andito lang ako,Alam ko itong University na ito kaya wag kang magalala" Sabi ko,


Bubuksan ko na sana ang malaking pintuan nang Special Elite nang makaramdam ako nang lamig na dumapo sa buong katawan ko,Para bang nabigyan ako nang lakas dahil dito. "Eloiza y-yung m-mata mo b-bat gre-green yan?" Natatakot na tanong saakin ni Janine,Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin nitong pinto at tama nga siya naging green ang kulay black kung mata. Parang kay Mama


"Halika na" Sabi ko dito at hinawakan ko ang kamay niya baka maisipan pa niyang tumakbo at mawala pa siya dito problema ko pa yun. Binuksan ko na ang pintuan at ganon parin madilim katulad sa labas may nakikita akong liwanag na nagmumula sa badge nang Special Elite umiilaw yung apat na nakalagay doon na mistulang mga desenyo.


Ibat iba ang kulay na nilalabas nila, Ang Tiger ay Blue, Ang Dragon ay Red at ang Musika na nagsisimbulo nang Butterfly ay umiilaw nang Green at sa Gitna nito ay lumalabas ang ibat ibang kulay na pinaghalo halong kulay sa mga simbulo na ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ibat iba ang kulay na nilalabas nila, Ang Tiger ay Blue, Ang Dragon ay Red at ang Musika na nagsisimbulo nang Butterfly ay umiilaw nang Green at sa Gitna nito ay lumalabas ang ibat ibang kulay na pinaghalo halong kulay sa mga simbulo na ito.


Hindi ko alam kung ano ang nangyari ngunit nawalan nalang ako nang malay at hindi ko maimulat ang aking mga mata para bang may humihigop saaking katawan.


Ano ba talaga ang hiwaga sa University na ito?


=========================================================

Hidden IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon