The X Clan:
Looking for the
Right MontefierosLunch
Nagpagulong-gulong ako sa kama ko habang nagpapapadyak dahil sa sobrang inis. Naffrustrate na ako! Bakit kahit saang social media platform hindi ko makita yung mga Montefieros! Ni kahit anong account na may Montefieros sa pangalan hindi ko makita. Para bang hindi sila nag-eexist. Napakaimposible. Hindi naman siguro lumaki ang mga iyon sa bundok para hindi malaman ang salitang "internet".
"Hey baby girl. What's with your face?" bungad ni Brian nang sagutin ko yung video call niya. Ugh! Gulo-gulo pa yung buhok niya saka nakatopless. Alam na alam mo kung ano ang pinagdaanan niya. Nahagip pa ng mga mata ko iyong kamay ng babae na nakapalupot sa katawan niya. Kahit hindi kita sa camera yung babae alam mong may kasama siya.
"Get dressed Bri and also ayaw ko 'yang makita. Paalisin mo siya" tipid kong sabi at iniwang nakaopen yung laptop ko. Dumeretso ako sa kitchen nitong condo at dumampot ng yogurt sa fridge. Badtrip na nga ako dahil hindi ko makita yung mga sns accounts ng Montefieros tapos dadagdag pa 'yang pinsan kong walang inatupag kundi pambababae.
Wala pa sigurong limang minuto bago ako makabalik sa harapan ng laptop kong ipinatong ko nalang sa kama ko para mas comfortable. Doon ko rin napansin na nakabihis na siya pero medyo messy parin ang buhok nito. Hindi nga lang gaya kanina na parang binagyo.
Nagawa niya pa akong tawanan nang tuluyan niyang makita ang itsura ko. "Are you jealous?" natatawa niyang tanong sa akin na ikinagulong lang ng mata ko. Alam niya namang ayaw ko sa lahat iyong binabandera niya sakin iyong mga babae niya. Tss.
"So what's up? Sobrang late na dyan ah? Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niya habang busy naman ako sa pagkain ng yogurt. It's already 2am pero hindi ako makatulog eh! Ganito ang naging set up namin ni Brian nung umuwi ako dito sa Pilipinas. Palagi kaming nagpefacetime or skype minsan. Araw-araw na walang mintis. Wala rin naman kasi yang ginagaw doon dahil bakasyon at isa pa mabilis akong mabored.
"Sinesearch ko yung social media accounts nung mga Montefieros pero bakit ganun Bri walang lumilitaw kahit isa!! Posible ba 'yun? Facebook wala! Maski twitter wala rin!" napahilamos pa ako sa mukha ko pagkatapos kong sabihin yun. Kahit nga sa Instagram wala rin. Inabot din ako ng ilang oras sa paghahanap ng accounts eh. Tapos wala akong napala. Parang hindi sila nag-eexist sa dahilang iyon.
BINABASA MO ANG
Looking for the right Montefieros (Montefieros Series #1)
Teen FictionThe X Clan: Montefieros Series #1 Looking for the right Montefieros A girl namely, Mouitie Bellana Emeraude also known as Mouitie lives her entire life seeking for justice and aiming for revenge. The M in her name stands for Miserable. Once you ente...