The X Clan:
Looking for the
Right MontefierosHas ended
Bumalik ako sa pool area para lang kuhanin yung swimsuit ko, I even saw Hyacinth and Aizen na parehas nang ineenjoy yung pagsswimming kasama iyong mga magpipinsan. Mabilis lang akong nagpalit at chineck kong mabuti kung maayos ko bang naikabit yung swimsuit. I'm just wearing a black two-piece swimsuit at expose na expose ang balat ko dahil doon.
Pagkalabas na pagkalabas ko sa pool area dumampi kaagad sakin yung malamig na hangin.
"Ayun na pala si Mouitie oh! Look Chester she's here na" sigaw ni Hyacinth para mapunta sa akin yung atensyon nilang lahat. I repeat, nilang lahat. Kahit iyong mga pinsan niya sakin napunta yung tingin. Hinawi ko iyong buhok kong sumasayaw sa hangin habang naglalakad ako papalapit sakanila. Nakaupo sa gilid ng pool sila Hyacinth habang yung iba naman nakalublob sa pool at yung iba nasa harapan nang table at inaayos yung mga drinks. Akala ko ba bawal mag-inom?Kitang-kita ko kung paano mag-igting ng panga si Chester na hindi ko nalang pinansin. Ano na naman ba yang kinakabadtrip niya? "Expose na expose yung skin natin mars ha" pang-aasar sakin ni Hyacinth nang makarating ako sa tabi niya. She's wearing a two-piece swimsuit just like me habang si Aizen naman one piece ang suot niya. Ginaya ko sila at umupo sa side ng pool habang nakababad yung mga paa sa tubig.
"She called you?" boses ni Lester. Si Jethro naman isa-isa na kaming inabutan ng shot glass. Bigo akong marinig yung sagot ni Chester kaya pasimple akong tumayo papunta sa table kung nasaan yung mga foods and drinks. At doon ko nakumpirmang nawala na pala yung dalawa kaya ang ginawa ko lumapit nalang kay Kiyo na nagsisimula nang mag-ihaw.
"Do you want some help?" I asked him at kagaya nang dati hindi niya ako pinansin. What's new? I just smiled at mas minabuting huwag indahin yung pang-iisnob niya. Sanay na ako dyan kay Kiyo. He's always like that!
"Mag-pinsan pala kayo ni Aizen? Ngayon ko lang nalaman" pag-oopen ko ng topic pero patuloy lang siya sa pag-iihaw na para bang hindi ako nag-eexist sa tabi niya. I just pouted at kinuha yung isang tong para tulungan siya.
"Alam mo parehas kayo nung pinsan nung cousin ko. Ganyan din siya kapag wala sa mood hindi ako pinapansin. Wala ka ba sa mood? Pangit gising mo?" sabi ko while trying to catch his gaze. Halos ilapit ko na yung mukha ko sakanya para makuha yung tingin niya pero bigo ako. Masyado namang pabebe itong si Kiyo. Akala mo kung sinong gwapo pandak naman. Tss pandak!
"Isn't it obvious? Ayaw ko sayo Mouitie. Paulit-ulit nalang ba tayo?" oh there Mouitie. Base sa pananalita niya he sounded irritated dahil sa pangungulit ko.
"I know. Pero hindi mo naman kasi sinasabi yung reason mo and besides I'm close with almost half of your cousins. I just want to at least uhm maging good tayong dalawa. I'm not asking you to like or befriend me the only thing I want from you is to treat me like a human. May feelings rin ako Kiyo" I said. Ewan ko ba bakit nasabi ko 'yan ang plano ko lang naman maging close kaming dalawa. He intrigues me. I want him closer. I want to know what makes him treat me like this. He's smart that's enough for me to know what kind of person he is. Si Kiyo yung tipo ng tao na hindi basta basta gumagawa ng actions na hindi niya pinag-iisipan. Gusto kong malaman kung bakit ayaw niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Looking for the right Montefieros (Montefieros Series #1)
Teen FictionThe X Clan: Montefieros Series #1 Looking for the right Montefieros A girl namely, Mouitie Bellana Emeraude also known as Mouitie lives her entire life seeking for justice and aiming for revenge. The M in her name stands for Miserable. Once you ente...